Chapter 19

16 2 1
                                    

Chapter 19

My hands are trembling when we get inside their house. Chisel might felt it too, so then, he tightened his hold to my hand and squeezed it twice. As if telling me to "chill".

On his other hand, Chisel is holding a strap from Jax's harness.

Isang binata mula sa ikalawang palapag ang bumababa sa hagdan. He looks younger than Chisel, I would say this is his youngest sibling. 

Nang makababa, lumapit kay Chisel ang binata at pinisil ang mga pisngi nito. "Mama, papa! May aso oh! Ang cute cute!", pang-aasar nito.

Agad na iniwas ni Chisel ang mukha niya sa  kamay ng kapatid. "Doon ka nga, ang baho mo!"

"Hoy, naligo ako! Amuyin mo pa kili-kili ko, eh.", tumawa ito.

"Ang baboy mo! Kasama ko yung girlfriend ko, hindi ka na nahiya."

Lumingon ang binata sa akin.

"Oh, hi! I'm Sebastian. You are Helena, right?", tanong nito.

"H-huh? No, I'm not.", I answered. "Sabrina. Call me, Sab."

"Ha? Eh, sabi ni kuya, Helena raw pangalan ng girlfriend niya? Baka girlfriend number 2 ka?!", nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Ako?? G-girlfriend number 2? May iba pa bang girlfriend si Chisel?!

Agad na sinuntok sa tiyan ni Chisel si Sebastian kaya naman napabitaw ang pagkakahawak ni niya sa kamay ko.

"Ano bang pinagsasabi mo?! Wala akong dinadalang babae dito, ah!", sigaw ni Chisel.

Sebastian laughed at his brother.

"Hahaha! Boom, asar!", kantyaw pa nito. He looked at me. "Joke lang 'yon. Walang Helena, walang ibang babae. Ikaw lang. Baka hiwalayan mo si kuya, ako pa masisi nila mama eh."

I nodded and sighed in relief after what he said. Ganito ba talaga itong kapatid ni Chisel?

Kinuha ni Sebastian si Jax mula kay Chisel.

From the kitchen, a lady in her peach dress came out, together with her man who really looks like Chisel! It's his parents! 

"Seb, inaasar mo na naman ang kuya mo!", their mother said. She looks lovely, it's like she was really taking care of herself.

"You must be Sabrina?", her calm voice is very soothing to me.

"Yes, po. Sabrina po. Kahit Sab nalang po itawag niyo sa'kin.", ngiti ko.

May pagkamadaldal ako pero hindi ko mailabas iyon ngayon dahil sa kaba!

"I'm your Tita Bernadette. Masaya akong makilala ka! Sa wakas, naipakilala ka na sa amin!", she kissed my cheeks. "By the way, siya si Tito Anton mo. Asawa ko."

"Maligaya akong makilala ka, iha.", Tito Anton said.

"Ako rin po."

"Ang popormal niyo naman! Tara na, kain na tayo!", all of us looked at Sebastian.

Natawa naman kami sa sinabi niya, dahil totoo naman.

Magkatabi kami ni Chisel sa hapagkainan. Sina Tita Bernadette at Sebastian naman ang katapat namin. Tito Anton sat at the head seat.

"Hindi mo kasi naitatanong, iha, mahilig ako sa mga sulat! Kaya nga noon ay puro sulatan ang ginagawa namin ni Anton.", her eyes twinkled. "Mahilig ako sa mga pens and markers. At paborito ko ang mga chisel tip pens, kaya iyon ang ipinangalan ko kay Chisel.", kwento ni Tita Bernadette nang tanungin ko kung bakit iyon ang ipinangalan niya kay Chisel.

Beneath Those EyesOnde histórias criam vida. Descubra agora