Chapter 1

73 6 1
                                    

Zoe, eto tingin mo, okay ba? Bagay naman?", tanong ko kay Zoey, - Zoe for short.

Nandito kami sa bridal shop, para sa nalalapit na kasal ng kaibigan naming si April sa mapapangasawa nitong si Ethan.

"Ayan, better! Kesa yung kanina, ang chararat, jusko.", sagot ni Zoey.

Rinig ata sa buong Bridal Shop yung tawa ko dahil sa sinabi niya. Ang babaw ng kaligayahan ko ngayon, ah?

"Hey girls, okay na kayo?", April ask after kissing our cheeks.

"Ew, April. Kiss again sa cheeks? Type mo ba ko? Nako, makita ka ni Ethan, baka maghiwalay kayo dahil sa'kin. Sa ganda kong 'to, baka isipin niya tibo ka.", biro sabay tawa na sabi ni Zoey.

"Ewan ko sayo, Zoe. Konti nalang iisipin ko na talaga na gusto mo ko eh. Sorry, may Ethan na ko.", habang pinapakita ang engagement ring nito sa kamay.

"Tama na nga 'yan, baka magka-develop-an pa kayo, kawawa naman si Ethan.", pang-aasar ko.

"Sab! Kadiri ka!", sigaw nilang dalawa sa'kin.

Two weeks have passed and April and Ethan's wedding day will be held today. Isang buwan lang ang naging preparation nila, gusto daw kasi nila na pag nanganak na si April, bitbit na nito ang apelyido ni Ethan. I'm gonna be a gorgeous tita soon!

15 minutes before 2pm and we are all here at the church where the said wedding will be held. I'm wearing my ink blue halter dress, together with my silver heels while waiting for April.

"The bride is here. Pila na po tayo, dito ma'am.", the wedding coordinator said.

Pumila na kami para makapagsimula na. Nasa unahan ko sa pila si Zoe. Mukhang kinakabahan pa ata.

"Zoe, okay ka lang? Ikaw ba nanay ni April at ganyan ka kabahan?", biro ko.

She is wearing her V-neck bridesmaid dress, same color as mine.

"Hay nako, kinakabahan kasi ako para sa kaibigan natin, lampa yon eh, paano pag nadapa yon?"

Naputol ang usapan namin ng sabihin ng wedding coordinator na malipat na kami maglakad papunta sa altar.

Nang matapos si Zoe, inayos ko na ang tayo ko habang hawak ang bouquet at hinanda ang sarili. Nang nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad, napansin ko ang nakatingin sakin na lalaki mula sa upuan niya. Nang mapansin niyang napalingon ako sa kanya, ngumisi ito at umiwas ng tingin tila nagtatago ng ngiti sa labi. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad at binalewala ang tingin na iyon.

Nakarating na ko sa upuan ko ng kurutin ako ni Zoe sa bewang.

"Hoy, ano yon te? May pag hinto sa paglalakad at lingon sa mga boys? Aba, lumalandi na tayo ah.", saad niya.

"Uy, hindi ah. Napalingon lang naman eh, gusto mo ata diretso lang tingin ko dun sa pari sa harap eh. Tapos iisipin mo, type ko si Father. Hmp. Malisyosa ka lang.", depensa ko.

"Ay, te, bakit naman sa pari? Wag doon, may sakristan sa gilid oh. Ang gwapo.", kinikilig na sabi nito.

"Tignan mo, ikaw pala lumalandi dito eh."

"Napalingon lang naman eh.", panggagaya niya sa'kin.

Hinahanap ko si Zoe. The wedding ceremony has ended at usapan na sasabay ako kay Zoe papunta sa garden reception.

"Zoe! Finally, I saw you na, let's go to the reception. Sabay tayo diba?", late ko na na-realize na may kausap siyang dalawang lalaki. And one of them is the guy I stared at while walking at the altar!

"Ay, oo nga pala. Nice meeting you two. See you nalang sa reception, ah?", sabay kindat sa katabing lalaki ni guy-I-stared-at.

"Oh sino ngayon sa ating dalawa ang lumalandi, ha? May pa kindat pa.", sabi ko habang papunta kami sa kotse niya.

"What? I'm just being friendly, duh."

Napailing nalang ako sa katwiran niya, at dire-diretso na kaming sumakay sa kotse niya. Bakit ba ako nagkaroon ng maharot na kaibigan?

Sabagay, mana-mana lang 'yan. May taglay rin akong kaharutan eh.

_________________________________________

: Sorry, medyo maikli.

Beneath Those EyesWhere stories live. Discover now