Chapter 28

6 0 0
                                    


Chapter 28

Nasaan na ba kasi 'yon?! Kanina pa ako paikot-ikot dito sa kwarto, hinahanap yung isang kapares ng hikaw ko. Sinadya ko pa namang bilhin iyon para iterno sa suot kong maroon satin dress na nabili namin kahapon sa mall.

Naglakad ako papunta ulit sa vanity mirror, iniisip kung paanong nawala iyong kapares, e, hindi ko naman iyon maalala na nilagay sa ibang lugar kung hindi dito sa table ko! Nagbanyo lang ako sandali, nawala na!

Binuksan at hinalukat ko muli ang cabinet ko, natataranta na dahil mag-aalas singko na! Darating na si Chisel!

My mind is in the middle of thinking about my lost earring when I heard a sound. Lumingon ako sa paligid at hinanap kung saan iyon nanggagaling. Sandali.. parang sa.. kama?

I walked towards my bed, kneeled to see what's under it. And there I saw my Jax. Playing the lost pair of my earring.

Napangiti ako ng makita ko si Jax. He noticed my presence and looked at me.

Oh, those eyes.

"Come here, baby.", I tapped my lap twice, gesturing him to lay there.

He easily obliged and come closer to me. Dala rin niya ang hikaw, kaya naman agad ko itong kinuha sa kanya. Hay, mabuti naman at hindi nasira. Kaya lang kailangan ko pa rin iyon hugasan mamaya. Nang makuha, nilapag ko ito sa ibabaw ng kama.

"Bakit mo kinuha yung earring ni Mommy?", I ask Jax and played my fingers through his white furs.

Hindi naman siya tumahol o ano, pero nakita ko sa mga mata niya na iniintindi niya lahat ng sinasabi ko. And right after that, he closed his eyes and pulled himself closer to me, na para bang gusto niya akong yakapin. My clingy dog, mana sa Daddy.

Iba talaga ang pakiramdam kapag mga ganitong oras na kasama ko si Jax, e. Everything feels so at peace. Para bang walang problema sa mundo.

Pinagpatuloy ko ang paglalaro ng daliri ko sa mga balahibo niya. Dahil dito, hindi ko namalayan ang oras. Napalingon ako sa pinto, ganoon rin si Jax. Ang susunod na nangyari ay ang pagtakbo ni Jax papunta sa kinatatayuan ni Chisel.

"Hey, son! Na-miss mo ako?", he bended his knees and carry Jax.

Noong mga nakaraang araw kasi, masyadong marami ang trabaho ni Chisel sa clinic at hindi na nakakadaan dito sa bahay.

Nag-angat ng tingin si Chisel sa akin, at sa mga titig na 'yon, pakiramdam ko dinadala niya ako sa ibang mundo. Hindi ko mapaliwanag, basta ang alam ko, iba talaga siya kung tumitig - iyong nakakatunaw.

He bit his lower lip, "You never fail to make me fall in love with you."

Ako ba pinaglololoko nito? Tinignan ko ang repleksiyon ko mula sa salamin. Katulad nga ng nasabi ko, nakasuot ako ng maroon satin dress, barefoot and only wearing a single earring.

Now, tell me how did I amaze him for being like this? On our anniversary day!

I don't know what to say, instead I looked for my black pumps and wore it. Kinuha ko na rin ang hikaw ko at pinunasan ng wipes.

Naglakad ako sa harap ng vanity mirror ko, si Chisel at Jax naman ay nasa kama, naghaharutan.

I angled my face to the left to put my earring, medyo naiilang lang dahil medyo malamig pa dahil sa wipes. Pakiramdam ko tuloy, magkaibang hikaw ang gamit ko, e.

Habang ginagawa ko iyon ay naramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Chisel sa bewang ko.

I looked at him and caught him looking at me. I wiggled my eyebrows and smiled at him, that cause for him to chuckle. Bakit siya natatawa?

"Bakit?", I asked, grinning.

Umiling siya. "Smile, baby."

At tsaka ko lang din napansin ang hawak niyang phone. I guess he wants a mirror shot for us. Syempre sino ba naman ako para tumanggi, so I cupped his cheek with my right hand and both of us smiled at the mirror. Paiba-iba kami ng pose, at umabot sa limang shots.

Nang tignan namin ang pictures, sa unang litrato ay kami lang dalawa. Nag-slide pa ulit kami para sa susunod na litrato, at nakita namin na kita mula sa likod si Jax na nakatungtong sa kama at para bang alam niyang may nagaganap na picture taking! That gave us an idea to take another shots, but this time, with Jax.

"Chisel! Hindi mo naman sinabi na dito tayo pupunta! Masyado itong magastos!", I shouted at him when I saw the yacht in front of us.

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

He walked towards me and held my hand. Tumingin ako sa mga mata niya, medyo nahihirapan, dahil sa buhok kong tinatangay ng hangin.

"Any amount of money is nothing. As long as it will be spend just for you.", he said, staring at me.

Hindi ako nakasagot sa kanya. Hindi ko alam kung anong ginawa kong mabuti sa mundo para makasama ang isang Chisel sa buhay ko. Pero kung ano man ang rason kung bakit ko siya nakilala, nagpapasalamat ako doon.

He assist me to get up to the yacht. The sun already set, and the sky is getting dark. Nang makaakyat, agad akong lumapit sa railings para makita ang tanawin. Nagsimula nang umandar ang sinasakyan namin, luminga ako para hanapin si Chisel pero mukhang siya ang nagmamaneho kaya hindi ko na muna siya ginambala.

The cold weather is so nice, yun nga lang, sa lamig ng hangin, nakaramdam ako ng ginaw. Sleeveless pa naman ang suot ko.

I felt a hug from behind. His warmth is enough to make me feel better. His hugs are enough to make me feel at ease. Because he is my comfort zone. My home.

"Are you feeling cold, baby?", he whispered. Ang isang kamay niya'y taas-baba sa braso ko, tila binibigyang init ito.

"Kanina." tumango ako.

"Don't worry. Magpapainit tayo. We'll make our night hot.", bulong niya sa tainga ko.

Agad akong napaiwas ng tingin sa kanya nang maramdaman ang pag-init ng mga pisngi ko. That sounds so sensual to my ears! O, baka naman ako lang ang nag-iisip ng ganoon?

Napalingon ako sa kanya ng marinig ang tawa niya.

Tumawa siya, ibig sabihin ba non, di katulad ng pagpapainit na nasa isip ko ang nasa isip niya? Na magkaiba ang pananawa namin sa "pagpapainit" ?

"Why are your cheeks burning?", iniharap niya ako sa kanya, tumatawa pa rin. Iwas pa rin tingin ko sa kanya. Nakasandal na ako ngayon sa railings, his hands are on my waist.

"Ang tinutukoy kong magpapainit tayo, iinom tayo tsaa.", he smirked. "Gusto mo ba 'yon?"

"I am not a fan of tea. Binigyan ako ni Zoey niyan dati, hindi ko nagustuhan yung lasa e.", I replied. "Pero may.. naisip akong isa pang pangpainit ng katawan..", I smirked and winked at him.


Beneath Those EyesWhere stories live. Discover now