Chapter 4

29 4 2
                                    


Sigaw mula sa labas ng kwarto ko ang nagpagising sa akin ngayong umaga... o tanghali? At syempre, kaninong sigaw pa nga ba? Kay Zoe, syempre.

"Sab! Gumising ka d'yan! Magpaliwanag ka sa ginawa mo sa mukha ko!", sigaw niya.

Natawa ako ng mapaalala sa'kin ni Zoe ang ginawa ko sa mukha niya. Nagdrawing kasi ako ng mga hearts, stars, at kung anu-ano pa sa mukha niya kagabi gamit ang white board marker. Isa rin 'yon kung bakit di mawala ang ngiti ko kagabi.

"Ano, okay ba yung gawa ko?", nakangiting tanong ko sa kanya matapos kong buksan ang pinto ng kwarto ko.

"Sab! You know that I do my skin care, right? Grabe, paano kung magka-pimple ako dahil sa ginawa mo, ha? Paano?!", sigaw nanaman niya. Nabibingi na ata ako.

"Hoy, kumalma ka nga, white board marker lang yan!", sabay tawa ko. "At kung magka-pimple ka man dahil diyan, eh di congrats, nagdadalaga ka na!"

Kaya ang sarap inisin nitong babaeng 'to eh. Ang pikon.

"Agh! Pasalamat ka, natanggal pa yung mga pinag-d-drawing mo sa mukha ko."

"Thank you po."

Pagkatapos ko sabihin iyon, nag walk out ang lola mo. Hay, Zoe!

Pagkababa ko sa kusina, naabutan ko si Zoe sa lababo na naghihilamos. Ay, grabe, takot na takot magka-pimple?

Mula sa pagkakatalikod ay niyakap ko si Zoe. Na-miss ko lang siyang asarin at yakapin ng ganito, ayaw niya kasi magpayakap minsan eh, "clingy" daw ako. Kung mayroon man kaming pagkakaparehas ni Zoe, yun ay ang mas matangkad siya kaysa sa'kin. Ngunit mas maputi ako kaysa sa kanya.

"Ay kabayo!", gulat na sigaw niya nang maramdaman ang pagyakap ko.

"Nasaan?"

"Eto oh.", sabay tadyak niya sa'kin kahit na nakatalikod siya.

"Aray ko naman beh.", ayaw niyang tinatawag siyang 'beh', ang jeje daw.

"Yuck, Sab!", sumisigaw nanaman siya. Jusko po.

Isang katok mula sa pinto ang nakapagpatigil sa bangayan namin ni Zoe.

"Baka si Ethan na 'yon. Kasi, nakiusap ako na siya na maghatid ng kotse mo, kasi lasing ka po kagabi.", pinagdiinan ko pa ang salitang 'lasing'.

"Eh, sinong nag-drive sa'tin pauwi, kagabi?"

Napangiti naman ako ng maalala kung sino ang naghatid sa'min kagabi. Pero mabilis din iyong nawala dahil sa muling pagkatok sa labas ng pinto.

Nang buksan ko ito ay bumungad sa harap ko si Nicholas, isa sa mga kaibigan ni Ethan. Nakilala na namin siya ni Zoe noon, sa dinner for friends nila Ethan at April, sa wedding rehearsals at mismong wedding day.

"Oh, Nicholas. Bakit ikaw ang naghatid sa kotse ni Zoey?", bungad ko. "Halika, pasok ka."

Nang makaupo kami sa sofa, ay inabot niya sa'kin ang susi ng kotse.

"Uhm, paano ka nakapasok sa gate namin? Naka-lock yun ah.", takang tanong ko.

"Ha? Nung kakatok kasi sana ako, napansin ko na agad na bukas yung gate niyo, kaya diniretso ko na sa garage niyo yung kotse. Tapos kumatok na ko dito sa bahay niyo.", kwento niya.

"Omg, hindi ko na-lock?!", gulat kong tanong. Napasapo ako sa noo ko ng maalala ko na hindi ko nga nasara iyon at basta na lamang tinulak matapos maihatid sa labas si Chisel kagabi!

"Hindi mo sinara ang gate, Sab?! Paano kung nanakawan tayo, ha? And what's worst ay patayin pa tayo!", histerikal na sigaw ni Zoe, papunta sa sala. She's wearing her persian orange plain shirt and white cotton shorts. While me, I'm wearing my pink pajama.

Beneath Those EyesWhere stories live. Discover now