Chapter 13

17 2 1
                                    


Chapter 13

"Oh, ganito ah, truth or dare tayo! Kapag hindi sumagot o ginawa, iinom!", sabi ni Jared.

The red, orange and yellow ball of fire in a wooden pyramid base is the only one giving us light tonight. On a cloudless night, the moonlight shone on the sea water. Perfect for a bonfire.

Nag-aya kanina si Lincoln na mag bonfire ngayong gabi, "Just like the old times.", he said. Dati raw kasi noong high school pa sila, kahit isa o dalawang beses sa isang buwan ay ginagawa nila ito.

Nakapaikot kami, sa kanan ko ay si Chisel at sa kaliwa ay si Mia.

Sinimulan ng paikutin ni Jared ang bote at tumama ito kay Mia, si Lincoln ang magtatanong. Kinabahan ako, akala ko sa'kin unang tatapat ang bote dahil katabi ko si Mia. Buti nalang talaga.

"Truth or Dare?", Lincoln asked.

"Truth.", Mia replied.

Nag "boo" ang halos lahat nang marinig ang sagot ni Mia.

"Ano?", nagtaas ng kilay si Mia. "Truth or Dare, tapos gusto niyo, Dare ang piliin ko?"

Jared smirked.

"Okay, dare!", napipilitang sagot nito.

Yumuko si Theo sa tenga ni Lincoln. Kasabay no'n ay ang pagtayo at paglapit ni Hailey kay Lincoln para bumulong din.

"Oh no, napagkakaisahan si Mia.", Carol said.

"Okay!", ani Lincoln. "Give your phone to one guy from this group, and let them send a text to anyone in your contact list."

"Yan! Ganyan dapat! Hahaha!", Theo and Jared cheered. I looked around and see if people are looking at us. Mukhang normal naman iyon sa lugar na ito, kaya walang nagbalak na pansinin ang ingay namin. Ibinalik ko ang atensyon ko sa magkakaibigan.

Mukhang pinag-iisipang maigi ni Mia kung kanino niya ibibigay yung cellphone niya. Natigil ang tingin niya kay Chisel.

"Ikaw na nga lang! Kahit alam kong susunod ka kila Jared.", medyo mataray pero malumanay pa rin niyang sabi. Inabot niya kay Chisel ang phone niya, matapos ilagay ang password dito.

Nakita kong nagtext ng "I miss you. I miss the old us." si Chisel sa isang contact na may pangalan na Mike. Nakatingin ang lahat sa tinext ni Chisel. Nagsimulang sumigaw ang lahat.

"AYAN NA MIA! MAGKAKABALIKAN NA KAYO NI MIKE!", sigaw ni Hailey.

"BAKIT SI MIKE PA YUNG TINEXT MO CHISEL?!", si Mia.

"What? Inaasahan mo bang si tita ang itetext ko? Syempre, si Mike.", Chisel laughed. "At tsaka, alam ko namang mahal mo pa rin si Mike."

"Tama!", everyone cheered.

"Heh! Bully talaga kayo!"

Lumipas ang ilang dares at hindi pa rin tumatapat sa akin ang bote. Si Chisel, natapatan na nito, ngunit ako hindi.

At dumating na nga ang oras, at para bang bumawi ang tadhana, dahil sunod-sunod ang pagtapat sa akin ng bote! Yung unang dare nila, ginawa ko pa. Pero patagal nang patagal umaayaw si Chisel sa mga dare nila, kaya sa huli, tinatamaan na siya ng alak kakainom ng mga shots na dapat ay sa akin.

Napag-usapan kasi namin kanina na hindi ako pala-inom ng alak. Dahil na-trauma na ata ako sa huling nalasing ako noong kasama ko sila Zoey, nagsuka at nagsasayaw daw ako sa harap nila sa sobrang lasing! Kaya sinisigurado ko na hinding-hindi na ako ulit maglalasing. Kaya ngayon, siya raw ang iinom ng alak kung sakaling ayaw niya ng dare sa akin.

At ako nga ulit ang i-d-dare.

"Take a picture of me, post it on your ig story with a caption 'Getting married.' ", Jared laughed when Chisel reacted beside me.

"What the fvck, Jared?", medyo tinatamaan na na sagot ni Chisel. "You're doing this on purpose! Gusto mo talaga akong uminom ng uminom!", pagkatapos sabihin iyon ay agad siyang uminom ng alak.

"You got it right, bro. Hahaha!", Jared said.

Makalipas ang ilang oras na laro at kwentuhan, nagpasya na kaming umuwi at matulog na.

"Tipsy lang ako, lubayan mo ko, Jared.", sabi ni Chisel kay Jared nang tanungin kung lasing daw ba ito. Pauwi na kami ni Chisel nang habulin kami nito.

Tumawa naman si Jared. Natatawa sa inaakto ni Chisel.

"Bro, alam mo namang kaya ayun ang dare ko, para uminom ka! Nagseselos ka ba?"

"Ewan ko sa'yo.", tanging sagot ni Chisel.

Natawa si Jared. "Labyu, bro. Yuck."

Chisel give him a disgusted look but after a while he smiled. "Yuck, umuwi ka na nga."

"Okay tayo, ah? Una na ako.", lifting his fist.

Chisel gave him a fist bomb. "Wag, bata ka pa."

"Ano?", Jared asked. "Siraulo ka, hindi ako ang mauuna. Masamang damo ako."

"Sige, Sab! Ingat kayo!", Jared waved his hand.

Nang makaalis na si Jared, naramdaman ko ang pag akbay niya sa'kin.

"Sab?"

"Hmm?", I replied.

"Witness kita, ah. Nag "labyu" si Jared sa'kin, i-k-kwento ko 'yon bukas.", he laughed.

Natawa nalang ako sa sinabi niya.

Hay, bully nga talaga.

~•~•~

After eating dinner, Chisel and I decided to go inside our rooms.

I was about to charge my phone when I heard a knock.

"Oh, Chisel? You need anything?", I asked.

"I need you."

My eyes got wide open. "Smooth. Hahaha!"

"Hindi nga? Bakit?", tanong ko muli.

"I just want to say good night.", he looked at me and smiled a little.

"Aw, good night, Chisel.", hindi ko na alam kung ano pa ang idudugtong doon.

"I'll go ahead.", he said and closed the door.

Nang maisara na ang pinto, sinimulan ko nang i-turn on ang cellphone ko. Narinig ko ang sunod sunod na tunog nito. Ang daming missed calls galing kay Mommy at Zoey, pero binasa ko na muna ang mga texts ni Zoey.

Zoey:
Sab, tinatawagan ka daw nila tita, hindi ka sumasagot. Gusto ka raw nila makausap. Ayaw nila sabihin sa akin, pero parang may problema sila, eh. Tawagan mo nalang sila.

Zoey:
Sab, tawagan mo na sila tita, kanina pa nila ako tinatawagan, sinabi ko na rin sa kanila na wala ka dito sa Manila.

Zoey:
Sab, tawagan mo ako kapag nareceive mo na yung mga texts ko.

Sa mga text palang ni Zoey ay kinakabahan na ako, ngunit ang pinaka nagpakaba sa akin ay ang text ni Mommy.

Mommy:
Anak, please. Tumawag ka. Kailangan kita makausap ngayon.

Ano naman kayang problema at panay ang tawag at text sa akin ni Mommy?

Beneath Those EyesWhere stories live. Discover now