Chapter 6

17 4 3
                                    

"Ang pogi naman niya, girlfriend niya kaya yung kasama niya?"

"Di sila bagay. Mas bagay kami. Hihihi."

"Lapitan ko kaya siya? Ako na ang unang gagawa ng move para maging kami."

Yan ang mga linyang naririnig ko sa paligid ko habang nandito kami sa grocery store sa mall. Dito ako unang dinala ni Chisel dahil tumawag daw ang mama niya na kailangan niya na mag-grocery dahil nasa bakasyon ang mga katulong nila.

Mag e-enjoy naman sana talaga ako kasama siya, eh. Ang kaso, puro mga babaeng mukhang bubuyog kakabulong yung nasa paligid ko. Kaya ako naiinis!

"Huy, okay ka lang? Sorry talaga, dito kita unang dinala, ha. Wag ka mag-alala, babawi ako next time.", saad niya habang nasa harapan ko, tulak tulak ang cart.

"Ha? Ba't ka nag-s-sorry? Okay lang naman sa'kin dito eh.", nainis naman ako bigla sa sarili ko, naparamdam ko ata sa kanya na ayaw ko siyang kasama.

Kumuha ako ng isang dark chocolate bar sa gilid at pinakita sa kanya.

"O, gusto mo ba 'yan? Para ka kasing baby na nagpapabili sa Daddy niya ng chocolates eh.", sabay tawa niya.

Natawa din ako sa sinabi niya.

"Hindi ah! Pinapakita ko sa'yo yung favorite ko. Kapag malungkot ako, galit ako, chocolate lang kakain ko, kakalma na 'ko. At kahit masaya ako, chocolate padin!"

Nakangiti lang siya habang nag-k-kwento ako. Kaya naisip ko, baka nakatulala lang siya sa beauty ko, ha?

Matapos iyon, kumuha rin siya ng isang chocolate bar sa paligid.

"Oh, favorite mo din ang chocolates?", tanong ko.

"Yes. Pero yung akin ay white chocolate. Sa'yo naman dark."

"Yeah, right.", nakakatawa lang na magkaiba man yung flavor na gusto namin, at least parehas chocolates, diba?

Napailing at natatawa nalang ako sa naiisip ko. Iniisip ata ng utak ko na dahil may isa ng bagay na parehas naming gusto, ay magkakatuluyan kami ni Chisel. Lol.

Matapos naming mag-grocery, nilagay na namin iyon sa kotse niya bago kami nagpunta sa isang restaurant.

Hindi naman bago sa'kin ang magtungo at kumain sa restaurant kasama ang isang lalaki, pero parang ngayon nalang ulit simula nung magkahiwalay kami ng dati kong nobyo.

Matapos akong ipaghila ng upuan ni Chisel, umupo narin siya sa harapan ko. Habang naghihintay sa order namin ay naisip ko na pag-usapan na kung ano naman talaga ang rason kung ba't ako sumama sa kanya.

"Paano at saan mo nakuha yung number ko?", tanong ko.

"Secret. Kiss muna.", sagot niya na nagpainis sa'kin.

Pag ikaw hinalikan ko, makikita mo hinahanap mo, sige.

"Wow, such a flirt.", sabay irap ko.

Tumawa siya, halatang nagpipigil na mapalakas ang tawa. "Hindi ah. Chill ka lang. Ang seryoso mo kasi eh."

Inirapan ko lang siya at ibinaling ang atensyon sa pagkain na nasa harap ko. Sa akin ay pasta at red velvet cake, kay Chisel naman ay beef steak.

"Okay, sasabihin ko na sa'yo.", agad niyang nakuha ang atensyon ko. "Kay Ethan ko nakuha yung number mo."

"Sabi ko na nga ba at tama ako."

"Wala ka naman sinabi, ah."

"Sa utak ko sinabi."

"Ibig sabihin, hindi ka nakatulog simula nung matapos yung tawag MO kagabi?", pinag-diinan niya talaga na AKO ang tumawag sa kanya at hindi siya. Malamang ako ang tatawag, gulo niya pala, eh.

"Wala na, patay na yang baso.", sabi niya.

Huh?

"Makatingin ka kasi sa baso parang papatayin mo na eh. Siguro iniisip mo na ako 'yan noh? Wag, maawa ka po. Marami pa po akong pangarap sa buhay.", ipinikit niya ang mga mata niya at yumuko na parang nagmamakaawa habang pinagdidikit ang dalawang palad.

"Kung papatayin man kita, sa ibang paraan noh."

"Parang gusto ko malaman kung anong 'paraan' 'yang gagawin mo. Nakaka-excite."

"Hoy, kung iniisip mo na ibabanat ko sa'yo yung 'papatayin kita sa kilig' pwes nagkakamali ka."

Ngumisi naman siya sa sinabi ko. "Wow, di ka pa ba bumanat non? Ba't kinikilig na agad ako?"

Inirapan ko siya para hindi mahalata ang kilig na nararamdaman ko. "Sabi mo kanina, marami ka pang pangarap. Ano bang pangarap mo sa buhay?"

"Dati, ang gusto ko lang, mabigay lahat ng pangangailangan ng mga kapatid ko, lalo na si mama. Gusto ko sila mabigyan ng maayos na pamumuhay.", tumingin siya sa mata ko. "Pero ngayon, parang gusto ko narin tuparin yung pangarap ni mama para sa'kin."

"Ano naman 'yon?", interesadong tanong ko.

"Gusto ni mama na magkapamilya na ako."

Napalunok ako sa sinabi niya. "Asawa at anak? Ganon?", paninigurado ko. Ba't ba ko kinakabahan?

"Yup.", ngiti niya. "Pero, tingin ko naman malapit na mangyari 'yon.", sabay ngisi sa'kin.

"Bakit, may girlfriend ka na ba?", hindi ko alam kung gusto ko ba talaga malaman ang sagot niya. Baka ma-dissappoint lang ako.

Natawa siya sa tanong ko. Anong nakakatawa, ha? Kapag nalaman kong may girlfriend ka, iiwan talaga kita dito.

Yes, I have this unknown feelings for him, but I know where should I stand. Kung may girlfriend na siya, ako na agad ang iiwas. Girls should respect each other. Marami pa namang iba dyan, noh.

"Wala akong girlfriend. Kahit fling, wala.", seryosong sagot niya.

Nakahinga ako ng maluwag don, ah.

"Hmm, okay.", tanging sagot ko.

"Nakahinga ka ng maluwag, noh?", ngisi niya.

Inirapan ko nalang siya at hindi na sumagot pa.

~•~•~

Hapon na at kailangan ko na umuwi sa bahay. Ganoon din naman si Chisel, dahil wala daw kasama ang mama at ang kapatid niya sa bahay. Very family oriented pala 'tong si Chisel.

"Uhm, Chisel.", tawag ko sa kanya habang nagmamaneho siya.

"Hmm?", diretso parin ang tingin sa daan.

"Kanina, sa grocery store, nags-sorry ka dahil doon mo 'ko unang dinala? Don't be sorry, wala naman sa'kin yun eh.", nakatingin ako sa gawi niya. "And I'm sorry if I made you feel sorry about it. Mukha lang akong bored kanina pero hindi. Naiinis lang ako kasi ang daming babae na nagbubulongan kung gaano ka nila kagusto."

Tumingin siya sa akin pero agad din na ibinalik sa kalsada ang tingin.

"I don't know what to say. Pero, naiinis ka? Bakit?"

"Ewan, basta. Parang ayoko lang na may iba pang nagkakagusto sa'yo. I know I sound selfish, I'm sorry. Don't mind me.", yumuko nalang ako sa hiya.

Naramdaman kong hinawakan niya ang kaliwang kamay ko.

"Sab, it's okay. I give you the rights to be selfish of me."

Beneath Those EyesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant