Chapter 12

18 4 1
                                    


Chapter 12

Caolona Coast is really pleasing to my eyes. Its white sand and blue sea waves are the reason why people fell in love with it.

Maaga pa lamang ay pumunta na kami ni Chisel sa Caolona Coast, dahil narin sa usapan ng magkakaibigan na magkita ngayong araw.

Kung nung isang araw ay kwentuhan ang naganap nung magkita-kita sila, ngayon, ganoon parin! Pero yung mga lalaki nalang, dahil sina Mia, Carol, at Hailey ay inaaya akong lumangoy sa dagat.

Wala naman sa plano ko ang lumangoy na naka-two piece, pero mapilit ang mga kaibigan ni Chisel na tumulad din ako sa kanila na mag-two piece. Naka rushguard at shorts naman na kasi ako, okay na 'yon.

Isa pa, nahihiya ako, nasa paligid si Chisel.

"Oh, pili ka na dyan, Sab.", turo ni Hailey sa dalawang swimsuit pair na nasa kama. Nandito kami sa hotel room ni Hailey, inside the Caolona Coast lang ang hotel.

Napapikit ako sa mga pagpipilian na kulay. Red or Nude Color? Parang hindi ko gusto yung nude color, kasi naman, parang kung titignan, walang akong saplot sa katawan. Kung red naman, masyadong mapang-akit ang kulay. Kaya naman sa huli, napilitan nalang akong piliin ang red two-piece.

Nang makalabas ako sa bathroom, they smiled at me.

"Bakit?", I asked.

"Naiisip ko lang magiging reaksyon ni Chisel. Hahaha!", tawa ni Carol.

"Ang simple lang ng swimsuit pero nadala mo ng maayos! How to be you?", si Hailey.

"Bagay sa'yo! Ganda ng katawan mo!", Mia said. Minsan lang siya magsalita kaya ramdam ko yung sinseridad niya.

"Uh, thank you. Kayo din!", turo ko sa kanilang tatlo. Naka-swimsuit na two piece si Carol at Hailey. Kay Carol ay blue and white stripes ang design, kay Hailey naman black. One piece naman na kulay puti kay Mia.

Kung kanina ay hindi ako komportable na magsuot ng ganito sa harap nila, ngayon ay ayos na. Dahil siguro sa mga papuri nila. Iba iba kami ng klase ng ganda, kaya ang saya sa damdamin na kapwa mo babae ang pumupuri sa kung sino ka.

Matapos naming magsuot ng sari-sariling swimsuit cover ups, bumaba na kami para masilayan muli ang ganda ng dagat.

"Buti dumating na kayo. Nagugutom na 'ko. Ang tagal naman kasi, eh.", sabi ni Theo ng makapunta na kami sa tent namin.

"Edi, kumain ka na! Mukha kang pagkain!", si Mia.

Kung unang kilala ko lang sa kanila, iisipin kong magkagalit na sila dahil nagsisigawan na sila. Ang totoo, ganyan talaga sila mag-asaran magkakaibigan.

Nakita ko ang titig ni Chisel sa'kin kaya tinaasan ko siya ng kilay para magtanong kung bakit. Hindi naman siya sumagot, imbes ay tinapik ang katabing upuan niya, pinapatabi ako sa kanya.

"Kinuha na kita ng pagkain.", turo niya sa plato sa harapan ko nang makaupo ako sa tabi niya.

"Ang dami mo namang kinuha. Hindi ko kayang ubusin 'to.", saad ko.

"Exactly. Kaya ang kumuha ng madami, para hati tayo."

Nanlaki ang mata ko.

"Bakit, wala na bang ibang plato, do'n?"

He didn't answer me, instead he said and smiled, "Kumain ka nalang."

"Oh, pati sa kutsara at tinidor, hati tayo?", nagtatakang tanong ko.

He nodded.

"Say, 'ah'.", tinapat niya sa akin yung kutsara na may lamang liempo at kanin.

Matapos kong kumain, nag-aya na ang lahat na lumangoy na sa dagat.

Beneath Those EyesWhere stories live. Discover now