Chapter 10

16 2 1
                                    

Chapter 10

Nasa harapan ko ang Sinigang na Hipon na niluto ni Chisel para sa tanghalian namin. Nagsimula na kaming kumain at laking gulat ko kanina na si Chisel pa ang nagsabi na bago kami kumain ay magdasal muna kami.

Nakakapanibago lang, lalo na bihira akong makasalamuha ng taong, you know, paladasal.

"Ano, masarap ba?", he asked. Isang subo palang ang nagagawa ko nung nagtanong siya. He did wait for my reaction. Na yung tipong ako muna talaga ang kakain, bago siya sasabay.

He laughed when he saw how I reacted. Napangiwi kasi ako sa lasa nung Sinigang. Don't get me wrong, masarap ito at maasim- kaya ako napangiwi! Just exactly how I want the dish should be.

"Masarap! Ang asim! Hahaha!", he nodded and smiled.

While eating lunch, I asked him to tell me about his life here at Valledesa.

"Dito sa bahay na 'to kami nakatira dati. Si Mama, Papa, tapos kaming tatlong magkakapatid. Dito na ako nabuo, naipanganak, at lumaki. Kami ng mga kapatid ko - isang babae, dalawang lalaki. Pangalawa ako. ", kwento niya.

"Paano ka napunta sa Manila?"

"Si Ate talaga yung unang nagpunta ng Maynila para magkolehiyo. Hanggasa nagdesisyon narin ako na sumunod sa kanya. Nang malaman ni Mama 'yon, nagdesisyon na siyang sa Maynila na kami tumira. Kaya, doon na ako nag-kolehiyo."

"Tapos, nakilala mo na sila Ethan?", he nodded.

"Sa boarding house kami nagkakilala ng mga 'yon."

It's nice to hear something about his life. It feels like I've been friends with him for years.

"Ikaw, kwento ka naman. I want to know about you.", he said.

"Hmm.. Nag-e-enjoy pa akong makinig sa kwento mo. Pwedeng sa susunod nalang yung akin?", I smiled. "We have the whole month to talk about mine."

"If that's what you want, then.."

"Kwento ka pa! Kung anu-ano lang, basta about sa'yo o sa pamilya mo."

I was very attentive to his words.

His stories.

His personality.

~•~•~

As the sun set in the sky, Chisel asked me if I want to go outside and see the view or just stay and rest at home. I chose the latter.

"Sigurado ka? Pahinga ka muna?", he asked.

I nodded. "Sige na, nag-text na mga kaibigan mo diba? Okay lang ako dito."

Earlier, he received a text from his friends:
"Nasa Valledesa ka na ba? Arat na inom! Hinihintay ka na namin dito ng tropa!"

"Babalik din ako ng 7pm. Promise. Sabay tayo mag-dinner.", he told me.

"Hmm..Okay."

Nang makaalis na si Chisel, hindi ko alam ang gagawin ko sa loob ng bahay nila! Ano bang pwede gawin?

Ang sabi ko kay Chisel magpapahinga ako, pero hindi ganoon ang nangyari. Dahil ngayon, may hawak akong basahan at napag-isipan kong magpunas-punas ng mga inaalikabok na mga gamit nila.

Habang nagpupunas, nakita ko ang isang kulay kayumangging kahon sa ilalim ng TV nila. Syempre, umiral ang kuryosidad ko, binuksan ko. Titignan ko lang naman, ibabalik ko din.

Umupo ako sa sahig at sinimulang buksan ang kahon. Mga litrato at sulat ang bumungad sa akin. Ang mga litrato nalang ang tinignan ko. Masyado ng private kung pati mga sulat ay papakialaman ko pa.

Natawa ako ng makilala ko kung sino ang batang naliligo sa batya. Si Chisel 'to! Nakangiti siya sa larawan habang hawak ang tabo sa isang kamay. Walang ibang suot kung hindi underwear.

I grab my phone and took a picture of it.

Marami pa akong nakitang litrato sa loob ng kahon, at syempre ang kinukuhaan ko lang ng litrato ay si Chisel. Ang cute kasi, eh!

Mayroon ding litrato doon na tingin ko ay silang pamilya. At grabe naman talaga, ang gaganda at ang gagwapo! Ganda ng lahi!

Mabilis na lumipas ang oras at napansin kong 6:30PM na. Hindi ko muna iinitin ang ulam, dahil inaasahan ko na baka pasado alas syete pa ang dating ni Chisel.

Pero mali ako.

I was scrolling on my phone when I heard his footsteps.

"Hey, I'm home.", he said while grinning.

Lasing ba siya?

"Are you drunk?", I asked.

He laughed. "Ako? Hindi, ah. Tipsy lang siguro. Sila Jared kasi eh.. sa akin 'ata binigay lahat ng shot."

Mukhang kaya niya naman sarili niya. Ang iniisip ko nalang ngayon..

"Bakit..ang aga mo umuwi?", tanong ko. "Sabi mo, 7PM ka pa."

Nagsimula na akong initin ang ulam dahil mukhang kakain na kami. Mabuti nalang, kakasaing ko lang kaya mainit init pa iyon.

Sinundan niya ako sa kusina at isinandal ang sarili sa countertop.

"Inagahan ko yung alis do'n, kasi naeexcite ako umuwi dito.", sabi niya.

Patuloy akong kumikilos sa kusina. "Bakit naman? Miss mo na agad ako?", biro at tawa ko, hindi parin lumilingon sa kanya.

"Oo.", he replied. "Ang saya lang na pag-uwi ko, nandito ka sa bahay."

Mabuti nalang wala akong hawak na baso o kahit na anong babasagin, kundi basag na 'yon panigurado ngayon!

Humarap ako sa kanya. Hindi alam ang gagawin.

"Sab, alam ko masyado mabilis para sabihin 'to sa'yo...pero gusto ko malaman mo na... gusto kita.", he confessed - staring at me. "I am not forcing you to like me back. I just.. want you to know how I feel for you."

I bit my lower lip, thinking what to say.

Instead I asked, "Lasing ka ba?"

He groaned. "Hindi ako lasing, Sab. Seryoso ako sa sinasabi ko ngayon."

I sighed.

"Uhm..thank you?", laughed a little. "You're right. This is too fast, not just for me, but for you also."

I can't construct my words because of his stares!

"But, we'll take it slow, okay?... Nandiyan na, eh. Gusto mo na 'ko.", I smiled, feeling proud because of my charm. I saw he smiled, too.

"Proud na proud.", he grinned.

"But, seriously, we'll take this slow, okay? Eventually, we will get there. We just have to take the slow ride.", I said.

He's back to being serious again and nodded.

"Of course. We will be slow. For now, I'm contented and happy that you'll take the slow ride with me.", he said and smiled.

_________________________________________

Short update lang. Hehe. ]:

Beneath Those EyesWhere stories live. Discover now