Chapter 33

17 0 2
                                    

Hindi maitagong ngiti ang binigay ko sa anak ko habang katabi siya dito sa kama. Pinatutulog ko na siya dahil oras naman na talaga ng tulog niya. Ngunit sadyang maliksi pa siya at hindi pa dinadalaw ng antok. Pakiramdam ko ay mamaya pa ito makakatulog kapag napagod na siya kakalaro kasama ako.

Napuno ng tawa niya ang kwarto dahil sa pagkiliti ko sa kaniya sa bewang at leeg. Her giggles were enough to mend my broken heart from the conversation I had with Chisel yesterday. I choose to not come at Tita Bernadette and Tito Anton's 50th Anniversary party. Napag-isip-isip ko na hindi magiging magandang ideya kung naroon ako, sasabihin kay Chisel na may anak kami, habang naroon si Clara. I am a woman, too. And I know if I'll be in her position, I would feel bad and hurt. Imagine, your boyfriend's ex came into the picture, telling she have a child with your boyfriend. That will be worst.

I admit, his relationship with Clara made me cry. Naisip ko na rin na baka mayroon na ngang iba, pero hindi ko iyon napaghandaan. Isa na rin siguro ito sa mga dahilan bakit ayaw ko na sabihin pa kay Chisel ang tungkol sa anak namin, dahil masaya na siya - sila ni Clara. And I don't want me or my child to be the cause of their break-up.

Chianna's giggles continues. Ngayon naman ay gusto niya tumayo sa kama kaya agad ko siyang inalalayan sa magkabilang braso. She's all smiles when we heard a knock from our door. Zoey's smile faded for a while, when she noticed something.

"Bakit hindi ka pa nakabihis? May lakad ka 'di ba? Sasamahan kita.", she said. That's when I noticed how she prepared for the event. Naka-dress siya na hanggang tuhod. Handa talaga siyang samahan ako sa lahat ng pagkakataon.

She sat beside me.

"Hindi na 'ko tutuloy.", sagot ko. Tumingin at ngumiti ako kay Chianna ng hawakan niya gamit ang kanyang mga maliliit na kamay ang mukha ko.

"Bakit naman?", ani Zoey.

"Sa tingin mo ba, dapat pa akong pumunta doon?"

Natahimik siya sandali. "Iniisip mo ba ang relasyon nila ni Clara?"

"Hindi naman maiiwasan, Zoe. I want my child to be with her father, but I am scared of the possible things to happen.", pag-amin ko.

"Mabuti ngang mag-usap muna kayo. Aminin mo sa kaniya yung tungkol sa anak niyo. Bago mo isipin ang susunod na gagawin. I know both of you will be good as parents. Kailangan niyo lang pag-usapan kung paano ang magiging sitwasyon niyo."

Hindi na ako nakasagot dahil tama naman si Zoe. Hindi dapat ako nag-iisip ng kung anu-ano.

I looked at Chianna when her hold onto my face tighten. Tila gusto niya pisilin at pipiin ang mukha ko.

Those eyes. Ang mga matang namana niya sa tatay niya. I automatically smiled when I stare into her eyes.

Sunod na narinig ko ay ang tawa ni Zoey dahil sa inaakto nitong anak ko.

Hinawakan ko rin ang magkabilang pisngi ng anak ko, may halong pang-gigigil.

Opo, anak. Mag-uusap muna kami ng Daddy mo. Magkikita rin kayo.

Alas nuwebe na nang makatulog si Chianna, ako naman ang hindi dinadalaw ng antok. Siguro dahil hindi naman talaga ganitong oras ang tulog ko. O baka dahil may bumabagabag sa isip ko.

"Ilang linggo lang nung umalis ka.. naghiwalay na kami.", sagot ni Zoey nang matanong ko siya tungkol sa relasyon nila ni Nicholas.

Nasa labas kami ngayon ng bahay, nakapaligid sa amin ang mga halaman na nakahiligan na alagaan ni Zoey sa mga nakaraang taon. We decided to catch up from everything since it's been two years since we talked personally.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beneath Those EyesWhere stories live. Discover now