Chapter 15

12 3 1
                                    


Chapter 15

"Mabuti nga hindi siya nagising kanina nung nasa byahe tayo. Ang himbing siguro ng tulog. Kung hindi, magugulo yung surprise ko sa'yo.", he laughed. Tinanong ko kasi siya kung paano niya hindi napahalata si Jax sa akin.

My back is leaning on his chest. His chin on my shoulder and hands around my waist. Nararamdaman ko ang pagtama ng kanyang ilong sa aking leeg kaya naman nakaramdam ako ng kiliti.

Si Jax naman ay sobrang liksi sa gilid namin. Kakagising lang, kaya siguro takbo nang takbo.

"Kaya pala, sabi mo, sa back seat nalang yung pagkain. Kahit na pwede naman sa compartment."

"Nasa compartment kasi si Jax, makikita mo kaagad yung kahon kapag doon nilagay yung pagkain.", he replied. He is sniffing my hair and tightened his embrace.

Silence engulfed us.

"Hindi ako mangangako ng kahit ano, pero tatandaan mo palagi, mahal kita ng higit pa sa buhay ko.", he breathed. "Papahalagahan kita, aalagaan kita. Ipaparamdam ko sa'yo na mahalaga ka."

I turned to look at his face. I touched his cheeks and make him look at me.

"Ang cheesy mo.", I laughed. Napaka-cheesy naman kasi talaga!

He pouted.

"Ano ka ba, syempre, ganon din ako sa'yo. Sisiguraduhin ko rin na aalagaan at papahalagahan kita.", I smiled. "Hindi kita iiwan."

"Sabi mo 'yan, ah.", he chuckled.

"Uhm.", tumango ako. "By the way, bago tayo bumalik sa Maynila, pwede bang puntahan muna natin sina Hailey sa Caolona Coast? Makapagpaalam manlang."

"Yeah, sure. I was about to ask you about that. Sa araw nalang ng pag-alis natin tayo pumunta roon?"

I nodded to show agreement.

At katulad nga ng napag-usapan namin ni Chisel, bago kami umuwi pa-Maynila ay dumaan muna kami sa Caolona Coast kung saan nandoon ang mga kaibigan ni Chisel.

Isang buwan na rin ang lumipas simula nung makilala ko ang mga kaibigan niya pero hindi ko alam kung dapat ko rin ba silang tawaging 'kaibigan'. Maayos naman ang pakikitungo nila sa akin, at para talagang kaibigan ang turing sa'kin, siguro nga dapat ko ng sanayin yung sarili ko na tawagin silang 'kaibigan ko.', dahil nabanggit na rin naman sa akin dati nila Mia na kasali na raw ang sa circle of friends nila.

Nakakapanibago, dahil hindi naman talaga ako friendly, kaya nga tatlo lang kami nila April at Zoey. Hindi ako mahilig makipag-kaibigan kasi mahirap magtiwala.

Pero kay Chisel, pumayag kang magpahatid pauwi kahit na kakakilala niyo lang. Ang gulo mo rin minsan, Sab, eh., sagot ng isang bahagi ng isip ko.

Ewan ko rin kung bakit, eh. Nung nakilala ko kasi si Chisel nung gabing iyon, parang may nag uudyok sa akin na, matino at disenteng tao naman siya. Kaya napalagay agad ang loob ko sa kanya. Siguro, dahil narin sa kaibigan siya ni Ethan.

"Today na? As in ngayong araw?!", Hailey said. Pinaalam na kasi namin sa kanila na mamayang hapon na ang alis namin dito sa Valledesa.

"Aba dapat dito na kayo mag-stay muna hanggang sa aalis na kayo! Alangan doon pa kayo sa bahay ni Chisel. Ano naman gagawin niyo doon, diba?", si Theo.

Napangisi naman ako nang itanong iyon ni Theo.

"Gusto mo talaga malaman kung anong ginagawa namin sa bahay, Theo?", nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Chisel.

Sa tanong niyang 'yon, para bang may ibig sabihin, kahit na wala naman!

"Whoa! Chisel, tama ba 'tong naiisip ko?!", si Jared habang nakangiti.

Beneath Those EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon