Chapter 18

14 2 2
                                    

At dahil natuwa ako na patuloy ang pagtaas ng reads and votes, here's an update! I hope you'll enjoy reading. :)
Thank you for reading!

Chapter 18

Isang linggo na rin ang lumipas matapos ang insidenteng pagkikita namin ni Evan sa ospital. I also heard the news that Kyle is discharged from the hospital. Good for him!

"Mabuti naman at umuwi na kayo! Malapit ka na manganak! Omg!", sigaw ko kay April.

After a month from their honeymoon, umuwi na sila rito sa Maynila. Sa Palawan sila nag-honeymoon, doon kasi sila nagkakilala.

"Napaka-ingay mo! Ma-i-stress si baby!", sagot ni April.

"Ganon ba iyon?"

"Ewan, o baka naman naiirita lang ako sa boses mo.", sabay tawa nito.

"Kung kailan kabuwanan mo na, doon mo pa napili na paglihian ako? Hahaha!", sagot ko.

Ang weird talaga ng mga buntis!

Magiging weird din kaya ako 'pag ako ang naging buntis?

Tumagal ang usapan, napag-usapan na rin namin ang nalalapit na kaarawan ni Zoey.

"Zoey, saan nga ulit gaganapin yung birthday mo?", tanong ni April.

"Sa isang resort. Okay lang ba sa inyo, sa gabi? Ikaw, April?", si Zoe.

Lumingon si April kay Ethan para sa permiso.

"Pwede pero sandali lang kami kung ganoon. Hindi pwedeng mapuyat si April.", si Ethan na ang sumagot para kay April.

"Okay! That's fine with me.", nakangiting sagot ni Zoey.

The day after, I have to go to work. At katulad ng napag-usapan, hatid sundo nga talaga ako ng boyfriend ko!

He look so manly when his driving. His eyes are on the road, looking so serious. I want to cling into his arms! But I know it's not proper if he's driving.

Tuwing may pasok ako, iniiwanan ko muna si Jax sa isang dog boarding house, may pasok din kasi si Zoey sa flower shop, kaya di ko siya pwede ipakisuyo. And just like what I said, Jax is a friendly dog. Kaya naman naging komportable kaagad siya sa mga magbabantay sa kanya. Tiwala naman ako na mababantayan si Jax doon dahil may kaibigan si Chisel doon.

"Baby, alam mo ba, last last night, tumawag si Mommy.", I said. Lumingon naman siya sa akin sandali at muling ibinalik sa daan ang tingin.

"How was it? Sabi mo, parang may kakaiba sa Mommy mo, lately."

"Yeah. At naramdaman ko na naman yung feeling na 'yon kagabi. Tuwing gusto kong pag-usapan si Daddy, parang umiiwas siya. Hinahanap ko din si Daddy, pero lagi niyang sinasabi, busy sa kompanya.", lumingon ako sa kanya.

"Baka naman busy talaga?"

"Hindi naman sila ganoon dati. Kahit gaano ka-busy si Daddy, tumatawag at tumatawag siya sa'kin kahit twice a week."

Napansin ko ang pagtigil ng sasakyan, nasa tapat na pala kami ng coffee shop.

He faced me. "Siguro dapat sa susunod na magkausap kayo, tanungin mo siya kung anong nangyayari sa kanila doon? Para hindi ka na nag-aalala ng ganyan."

I nodded and kissed his cheeks before I get out of his car.

"Mamaya, ha. Sunduin kita. Dinner kila Mama.", he said.

Isa pa iyan sa nagpapakaba sa akin, makikilala ko na ang parents niya! Kinakabahan ako para sa impresyon nila sa'kin. Baka hindi nila ako magustuhan!

I looked at him and nodded my head. Trying to hide my nervous.

Mabilis na lumipas ang oras at tapos na ang trabaho ko sa araw na ito.

Beneath Those EyesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang