Chapter 8

15 4 1
                                    


Chapter 8

"Two orders of cold brew coffee. Table six.", sabi ko kay Addison - kasamahan ko dito sa coffee shop, para maihatid niya na ito sa nag-order.

Dalawang linggo na ang lumipas simula nung maihatid ako sa bahay ni Chisel pauwi. Hindi naman nag react pa si Zoey nang malaman niya ang tungkol doon.

"Zoey, di'ba pumunta ka kila tita last time? Kamusta pala 'yon?", pag-chika ko kay Zoey, tutal ay wala pa namang nakapila sa counter.

"Okay naman. May pinakilala sa'kin si mama na kumare niya from abroad."

"Ayun ba yung palaging kinukwento ni Tita Zena na kaibigan niya simula college?", tanong ko. Naalala ko kasi na panay ang kwento ni tita noon sa amin kung gaano kabuti ang kaibigan niya.

"Oo. Nagbalik na ng bansa.", sagot niya.

Mabilis na lumipas ang oras, at namalayan ko nalang na tapos na pala ang trabaho ko.

"Zoe, libre mo ako ng chocolate doon sa convenience store, please."

"Dapat nga ako ang ilibre mo-"

Naputol ang usapan namin nang dumating si Ma'am Lynn, pinapunta niya kaming mga empleyado niya sa opisina niya para daw kausapin.

"Alam ko nagtataka kayo kung bakit ko kayo kinakausap lahat ngayon, pero I need to talk to all of you.", bumuntong hininga siya. "I'll go straight to the point. My family and I have personal issues, and we need to go abroad for a month or so. Ipapasara ko muna itong coffee shop, kaya maghanap na muna kayo ng mapapagkakitaan niyo."

"Ma'am kailan po.. kailan po ninyo isasara ang shop? Para po makapaghanda po kami.", Addison asked.

"5 days from now. I'm sorry kung sobrang bilis, pero urgent kasi ang paglipad namin abroad. Don't worry, I'll give you your salaries for this month para may pera kayo habang nag a-adjust. I'm sorry talaga. Babalik din naman ako, right after matapos yung issue sa pamilya namin.", she showed us an encouraging smile.

"Thank you, ma'am.", Noemi said. A employee here, too.

"Naiintindihan po namin, ma'am. Salamat po.", sabi ko.

~•~•~

"Sab, sigurado ka, kaya mo dito mag-isa?", tanong ni Zoey, habang nasa kama ako.

"Oo, sige na. Lumakad ka na. Maghahanap ka ng trabaho diba?"

"Oo, pero sa nakikita ko ngayon...", yung tingin niya parang nagsasabi na naaawa siya sa'kin.

"Ayos lang ako. Dysmenorrhea lang to. Di ako mamatay dito!", pagbiro ko pa para di na siya mag-alala. Pero ang totoo, masakit talaga kaysa sa mga nakaraang buwan 'ko.

Matapos kong mapilit si Zoey na lumakad na, agad akong nakatulog. Kung gaano ako kabilis nakatulog, ganoon rin kabilis ang tulog ko! Isang oras lang ata ang tulog ko. Sakit mula sa puson ko ang nagpagising sa akin.

Rinig na rinig ang sigaw ko sa kwarto ko dahil sa sakit. Tama nga ang sabi nila, mas masakit pa sa heartbreak ang dysmenorrhea.

Hindi ko alam saan ko i-p-pwesto ang sarili ko sa kama. Pinagpapawisan narin ang noo ko, pero giniginaw naman ako. Parang hindi umeepekto ang hot compress ko.

Tumingin ako sa digital clock ko at nalaman kong ala-una na ng hapon. Narinig ko ang tunog mula sa telepono ko. Without looking at the screen, I answered the call.

"Hello, Zoey! Kaya mo ba umuwi? Ang sakit na talaga ng puson ko! Hindi ko na kaya!", sigaw ko sa telepono.

"What happened?", the voice is not Zoey's.

Beneath Those EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon