Chapter 25

9 1 1
                                    


Chapter 25

Hagikgik ni Edward ang nangingibabaw sa apat na sulok ng kwarto ko. Nagpapasalamat ako at ipinanganak ito ni April. Dahil sa kanya, nawawala kahit paano yung kalungkutan ko simula noong mawala si Daddy.

Kung minsan nga ay nagseselos na si April dahil mas tumatawa raw ito kapag kasama ako. Hahaha!

Edward is now six months old. The time flies so fast! Parang noong nakaraan lang, nalaman namin na buntis si April, at hindi siya sigurado kung pananagutan siya ni Ethan. Good thing, Ethan is a man. He truly loves my friend and took responsibility of his child.

Nagpapasalamat ako at dumating si Baby Edward at syempre si Chisel, sa buhay ko. Sila yung pinaka nagbibigay tuwa sa akin noong mga buwan na kakamatay lang ni Daddy. I celebrated my Christmas day and New Year's Eve with them, and with my friends. They helped me to move on and live my life again.

Chisel helped me to forgive my mom. It's not that easy for me, but I'm glad I did. The burning anger I'm feeling for the past months had faded. I cooled down.

Pilit na tumatayo mula sa kama ko si Baby Edward, kaya naman ako lalong natatawa. As of now, he knows how to crawl but not to walk. Tinuturuan naman na namin siya paunti-unti pero wala pa talaga.

Mula sa bewang ay binuhat ko si Edward nang magbalak itong gumapang pababa sa kama. Mabuti at nakita ko, kung hindi baka nahulog pa siya!

Patuloy ang paggawa ng kung anu-anong tunog si Edward habang hinahalikan ko ng salitan ang kanyang pisngi at leeg.

Nakakagigil! Ang sarap halikan ng batang 'to!

"Nagseselos na ako kay Edward.", saad ni Chisel na nakahiga sa tabi ko.

I stopped kissing Edward's neck and  looked at him, confused.

"Kasi siya, hinahalikan mo ganyan. Ako, hindi.", sabi niya pa nang mabasa ang pagtatanong sa mata ko.

Nagseselos siya kay Baby Edward? Eh, inaanak namin ito!

Inayos ko ang higa ni Edward at pinalibutan ng unan ang gilid niya para hindi siya mahulog kung sakaling maglikot. Itinuon ko ang atensyon ko sa pabebe kong boyfriend.

"Chisel, nagseselos ka sa isang six months old na bata?", hindi makapaniwalang tanong ko. I held his chin and made him look at me, pero umiiwas siya. "Talaga ba?"

He did not answered my question, but instead put his arms around my waist and buried his face behind me.

"You are acting like a baby, Chisel.", I chuckled in my own thoughts.

"Because I am your baby..", bulong niya, sapat na para ako lang ang makarinig.

"Hindi kay-"

Hindi pa ako tapos sa sasabihin ko ay tinanggal na niya ang pagkakayakap sa bewang ko. Umayos siya nang upo at nag-angat nang tingin sa akin, hindi makapaniwala sa sagot ko.

"Oh, bakit? Hindi naman talaga kita anak! Hindi mo pa nga ako inaanakan!", tawa ko pa.

Kung ako ay natatawa, siya naman ay nanatiling seryoso ang titig sa akin.

"Hinahamon mo ba ako, Sabrina?", seryoso niyang tanong.

I bit my lower lip, afraid that I might say something I'll regret later on.

"Bakit hindi ka makasagot, hmm?", he leaned and whispered.

Naputol ang pang-aasar ni Chisel nang may magbukas ng pinto sa kwarto ko.

Beneath Those EyesWhere stories live. Discover now