Chapter 3

33 5 0
                                    


"Uhm, pasensya ka na kay Zoe, ha. Nahirapan ka ba sa kanya kanina?", tanong ko kay Chisel.

Kanina kasi, siya ang umaalalay kay Zoe, at kahit na hindi niya buhat ng buo ang katawan nito, alam kong nahirapan siya sa pag-alalay dito. Nasa driver's seat si Chisel, habang ako at ang tulog na si Zoe naman ay nasa back seat.

"Wala yon, mas worst pa nga yung mga kaibigan ko sa kanya eh. Si Ethan? Nasukahan na ko non.", sabay tawa niya dahil sa sariling kwento.

"Matagal na ba kayong magkaibigan ni Ethan? Parang sobrang close kayo eh."

"Matagal na rin, pero mas close sila ni Leo.", sagot niya sa'kin.

Bumalot sa loob ng kotse ang katahimikan matapos ang usapan na yon.

"Uhm, saan kayo dito nakatira?", tanong ni Chisel.

"Diyan lang sa may itim na gate.", sagot ko.

Sakto lang naman ang isang kulay puti at may dalawang palapag para sa'min. Dati ay tatlo kami rito nila Zoe at April, pero dahil may love life na itong si April, kailangan na nila bumukod ni Ethan.

Hininto ni Chisel ang kotse sa tapat ng gate. Habang ako naman ay naghahanda na sa paglabas namin ng kotse niya. Iniwan nalang namin ang kotse ni Zoe sa reception place. Tutal ay pumayag naman si Ethan na siya na ang maghahatid nito sa bahay bukas.

Pinagbuksan kami ni Chisel ng pinto ng kotse, at tinulungan akong dalhin papasok ng bahay si Zoe. Binuksan ko ang gate at pintuan sa mismong bahay para tuluyan na kaming makapasok.

"Ah, sige, kahit diyan nalang sa sofa mo siya ilapag, ako na bahala.", sabi ko sa kanya.

Ngunit bago pa niya mailapag si Zoe sa sofa, ay nasukahan siya nito sa dibdib! Ano ba naman yan, Zoey! Nakakahiya!

"Oh my Zoe! What did you do? Chisel, I'm so sorry this happened.", hingi ko ng pasensya kay Chisel.

"No, it's okay. Don't say sorry. This isn't your fault.", sabi naman niya. "Can I use your comfort room?"

"Oo naman, halika."

Sinamahan ko siya hanggang sa tapat ng comfort room.

"Ah, Sabrina?", tawag niya sa'kin habang nasa loob siya ng CR. Ako naman ay nandito sa labas, ewan ko rin kung bakit.

"Yes?"

Binuksan niya ang pinto sa banyo, sakto lang para ulo at upper body niya lang ang makita ko.

"Okay lang ba, na paki kuha yung damit ko sa bag?", pakiusap niya.

"O-oo naman. Nasaan ba yung bag mo?", porket nakita mo ng kaonti yung abs niya, nauutal ka na, Sab, ha?

"It's in the back seat of the car. May isang bag doon na kulay black, pagkabukas mo naman, makikita mo na agad yung t-shirt ko.", agad ko namang naintindihan ang itinutukoy niyang bag, dahil iyon ang katabi ko sa kotse niya kanina.

Matapos maibigay sa akin ni Chisel ang susi ng kotse, ay agad na akong nagtungo roon. Tama nga siya, pagkabukas ng bag, makikita na agad ang damit niya.

Bago ako bumalik sa kung nasaan si Chisel, kumuha muna ako ng twalya sa kwarto ko, kasi sa pagkakaalam ko, wala namang towel sa CR na 'yon.

"Chisel?", kumatok ako ng tatlong beses. "Nandito na yung damit mo."

Binuksan naman niya kaagad ang pinto. Kaya nakita ko nanaman ang abs niya. Kumalma ka, Sab. Be calm, okay?

Hinatid ko siya hanggang sa tapat ng kotse niya matapos siyang magbihis. Nakasuot na siya ngayon ng plain white shirt at black pants.

"Salamat sa paghatid at pagtulong mo sa'min. Pasensya na ulit sa nangyari.", paghingi ko ng dispensa.

"Wala yon. Sige, pasok kana do'n, bago ako sumakay sa kotse.", tugon niya.

"Ah, sige. Ingat ka, ha? Take care 'cause I care.", sabay ngiti ko.

Medyo maharot ka, Sabrina, ano?

Madilim man ang gabi, kita ko parin ang pamumula ng pisngi niya. Lalo na ang pagpipigil niya ng ngiti. Matapos siyang magpigil ng ngiti ay bumaling na siya sa'kin.

"Ah, ehem.", pagbabawi niya sa boses niya. "Oo naman, mag-iingat ako, para sa'yo."

Ako naman ang napangiti.

Matapos ang "medyo" maharot na usapang iyon, pumasok na ulit ako sa bahay at naabutan si Zoe na nasa lapag na!

"Zoe, halika na. Doon ka na matulog sa kwarto mo.", paghatak ko sa kanya patayo.

Kahit na nahirapan ako ay kinaya ko naman alalayan si Zoe hanggang kwarto niya. Binihisan ko narin, nakakahiya naman, baka magreklamo pa siya bukas na ang baho niya dahil sa suka niya, noh.

Matapos bihisan si Zoe, nagtungo na agad ako sa kwarto ko habang nakangiti. Okay lang ba 'ko?

Pagkapasok sa silid ko, mas lumawak pa ang ngiting mayroon ako.

Pag-ibig na ba 'to? Grabe isang araw palang kaya, siguro na-attract lang talaga ako. Mawawala rin to.

Beneath Those EyesWhere stories live. Discover now