Chapter 21

13 1 1
                                    


Chapter 21

A mixture of light blue and white walls and ceilings welcomed me as we get inside his clinic. May nakita rin akong dental chair sa gilid. Sa paligid nito ay mga dental tools. On the other corner of their room, may isang lamesa na sa tingin ko ay ang nagsisilbing opisina niya.

Bago kami makapasok dito, sa labas ay may mga upuan para sa mga susunod na pasyente.

Agad na kinuha ni Chisel ang white coat niya. And it really suits him! Ibang version yung nakikita ko ngayon, and I can't feel anything but awe. I can't help but feel proud at him. Kahit na hindi naman niya ako nakasama noong panahon na kinakamit niya ang pangarap niya, masaya pa rin ako at naging Doctor siya.

"Ay, Doc. Nandito ka na po pala.", ngiti ng isang babae sa amin. She's wearing her blue uniform. Naka-gloves rin ang mga kamay niya.

"Baby, this is Ruby, assistant ko rito sa clinic.", saad ni Chisel. "Ruby, si Sabrina, girlfriend ko."

"Ay! Ikaw po pala ang nakapagpatibok ng puso ni Doc!", tawa ni Ruby.

Unang tingin ko palang sa kanya, panatag na ang loob ko. Tingin ko ay magkakasundo kami.

"Nice to meet you, Ruby."

"Sabi ko naman sa'yo, Ruby, huwag ka na nang mag "po" sa akin. Ang tagal na nating magkasama rito sa clinic.", si Chisel.

Hindi naman na sumagot pa si Ruby at nahihiyang ngumiti na lamang.

Two hours had passed, and so far, I'm enjoying my stay here at his clinic. Kanina pa ako picture ng picture kay Chisel habang nag-t-trabaho siya. Nandito lang ako sa desk niya, sila naman ni Ruby ay syempre, nag-t-trabaho.

Bumukas ang pinto ng clinic, niluwa nito ang isang babae na sa tingin ko ay kasing tangkad ko lang. She's wearing a yellow one shoulder top and a yellow mini skirt.

Pasyente ba talaga 'to, o aattend ng cheerleading competition? 

Malawak ang ngiti niya kay Chisel at niyakap ng pagkahigpit-higpit ang boyfriend ko!

Napataas ang kilay ko sa ginawa ng babaeng 'to.

Hindi naman siya niyakap pabalik ni Chisel. Sa halip ay tumingin siya sa gawi ko. Inalis niya ang pagkakakapit nung babae sa kanya.

"Chisel! I missed you! Ang tagal mong nawala! Tinatanong ko nga dito kay Ruby nasaan ka eh, para naman mapuntahan kita at masamahan!", the cheerleader said.

"Ah... nagbakasyon kasi ako, eh. By the way, may masakit ba ulit sa ngipin mo kaya ka nandito?"

"Not really. I just missed you.", the lady named Michelle replied.

Meganon? Pupunta sa clinic dahil namimiss? Wow.

Nanatili akong tahimik sa upuan ni Chisel. Hinihintay kung ano ang mga susunod nilang gawin.

"Ah, kung gano'n, okay lang ba na lumabas ka na muna? Kasi may iba pang pasyente, eh.", ani Chisel.

"H-ha? No! Di ako lalabas! Uhm... masakit pala yung ngipin ko! Aray!", bigla nitong sabi.

Hala, sumakit bigla? Literal na speed.

"Ah, s-sige. Upo ka na d'yan.", alinlangang sagot ni Chisel.

Bago siya maupo sa dental chair, napatingin siya sa gawi ko. Nagtaas siya ng kilay sa'kin.

Aba, nagtataray!

Tinaasan ko rin siya ng kilay. Akala niya siya lang?

"Who are you?", may halong inis ang boses niya ng tanungin niya ako.

Beneath Those EyesWhere stories live. Discover now