Chapter 20

14 1 1
                                    

Chapter 20

Napatayo mula sa sofa ang dalawa nang mapansin ang presensya namin ni Chisel.

I still can't believe that Zoey is having an affair with Nicholas!

"Sab! Akala ko may dinner kayo nila Chisel?", tanong ni Zoey, naaligaga.

"Oo nga, tapos na.", I answered. "Eh eto, ano 'to? Kayo ba ni Nicholas?"

"Sab, pag-usapan natin mamaya 'yan.", she said. She looked at Nicholas. "Sige na, uwi ka na muna, Nicholas."

"Anong Nicholas? Sweetie.", Nicholas corrected.

I saw Zoey rolled her eyes.

"Mag-uusap pa kami. Dito lang kami sa labas.", Chisel said. He looked at me. "Baby.."

Inabot niya sa akin si Jax.

Nang makalabas na si Nicholas at Chisel, agad akong lumingon sa kaibigan ko.

Parehas kaming naupo sa sofa.

"Zoey, alam mo namang kilalang babaero 'yan si Nicholas! Paano kung isa ka lang din sa mga babae niya?"

"Bago mo pa sabihin 'yan, napag-isipan ko na din 'yan.", she said in a low tone.

"Mahal ko siya, eh.", she continued. "E-enjoyin ko nalang. Naalala mo ba yung araw na pinatawag ako ni Mama dahil ipapakilala niya daw yung kaibigan niya abroad?"

I nodded.

"Anak ni Tita Aida si Nicholas. Maski siya nagulat na ako ang anak ng best friend ng Mommy niya. Hanggang sa nangungulit na siya, umaayaw ako... pero sa huli, bumigay din ako. Mahal ko na pala siya.", she smiled at me.

Nakikita ko naman sa mga mata niya na mahal niyang talaga si Nicholas. Sana lang ay nagbago na si Nicholas.

"Akalain mo 'yon, noong nakaraang buwan lang, hinatid ni Nicholas ang kotse mo dito. Ngayon, boyfriend mo na siya!", I said.

Tumawa kaming dalawa.

"Kailan pa naging kayo? Hindi mo manlang sinabi sa'kin! Nakakainis ka!", I slapped her arms.

"Aray ko! Sasabihin ko naman sa inyo ni April, eh. Actually kakasagot ko lang sa kanya ngayong gabi! Kaya niya ko hinalikan!"

"Sigurado kang siya ang humalik sayo? Hindi ikaw?", I teased.


××

Alas dose pasado na. Nakahiga ako ngayon sa kama, iniisip pa rin yung tungkol sa mga kinikilos ni Mommy.

Hindi sila tumatawag sa akin, ako na ngayon ang unang tumatawag para lang magkausap kami.

Kinuha ko ang cellphone ko at naisipang tawagan si Mommy.

Kung alas dose ng umaga rito sa Pilipinas, ibig sabihin, alas sais na doon.

Hindi pa naman siguro sila tulog ng past 6PM, di'ba?

Sa phone nalang ni Daddy ako tatawag. Para diretsong siya na ang sasagot.

After six rings, sinagot ni Daddy ang phone niya.

"Hi, Dad! Kumusta?", I said over the phone.

"Anak."

"Mommy? Bakit... ikaw po yung sumagot? Nasaan po si Daddy?", takang tanong ko.

"Ah, maaga kasing natulog ang Daddy mo, eh. Naiwan kasi ni Daddy mo yung phone niya dito sa sala."

"Isn't his phone supposed to be beside him, if he has a plan to sleep?"

"Uh... hiniram ko, kasi may tatawagan ako from his phone book.", she replied.

"Akala ko po ba naiwan niya?"

Ang gulo na ng usapan namin pero nararamdaman ko talagang may mali.

"Ah, iniwan niya s-sa akin, dahil nga h-hihiramin ko. Tapos natulog na siya!", saad niya. "Ang dami mo namang tanong anak, ano bang kailangan mo?"

"Is everything alright, Mommy?", I asked instead.

"Y-yes. Of course, everything is going well in here.", she said. "Ngayon, anong kailangan mo? Bakit ka napatawag, may sasabihin ka ba?"

"Sa susunod na linggo kasi sana Mommy, may ipapakilala po ako sa inyo ni Daddy.", napangiti ako nang maalala ko si Chisel.

"A-ah. Hindi ba pwedeng ako nalang? Busy kasi ang Daddy mo. Tignan mo naman, maagang natulog dahil wala pa siyang tulog magmula kahapon."

"Kahit saglit lang, My? Importante kasi talaga 'tong tao na ito para sa'kin.", pilit ko pa.

"O-oo sige, sasabihan ko ang D-daddy mo."

Matapos ang usapan na iyon ay nakatulog na rin ako. Hindi man ganoon kapayapa dahil hindi ko pa nakakausap si Daddy, at least nakatulog ako dahil sa pagod.

Kinabukasan, bumungad sa umaga ko ang magkasintahan na kahit kailan ay hindi ko inaasahan na magkakatuluyan. Si Zoey at Nicholas.

I saw Zoey giving Nicholas a bread and coffee.

"Love birds!", I teased them.

Nakita kong tumango si Nicholas sa akin bilang pagbati. Ganoon din naman ang ginawa ko sa kanya.

"Sab, kakain ka na? Nandoon yung pandesal mo sa kusina. Pinaghiwalay kita. Magtitimpla ka nalang ng kape mo d'yan.", si Zoey.

"Okay! Thank you! Papasok ka ba?"

"Oo, iiwan ko na yung kotse ko dito, ah. Hahatid ako ni Sweetie, eh."

"Ang tamis!", napangiti ako sa tinawag niya kay Nicholas. "Huwag mong sasaktan 'tong kaibigan ko, Nicholas. Hindi kita mapapatawad kapag ginawa mo 'yon."

Naging seryoso naman kaming tatlo.

"Makakaasa ka, Sab. Salamat sa tiwala.", sagot ni Nicholas.

"O, sige na. Iwan ko na kayo d'yan love birds! Magtitimpla na ako ng kape ko!", paalam ko.

"Nasaan nga pala si Chisel?", tanong ni Nicholas.

"Ah, mamaya darating na iyon. Aalis din kami, eh."

Afterwards, Chisel came. Hindi na niya naabutan sina Zoey at Nicholas dahil may pasok pa ang mga ito.

Nakabihis na ako. High waisted denim pants and a lilac puff sleeves top. Handa na ako at sakto naman na dumating na si Chisel.

"Ready to see my clinic?"

"Yes!"

Nag-request kasi ako sa kanya na kung pwede bang bumisita sa clinic niya. He gladly agreed.

Kaya naman ngayon ay papunta kami sa clinic niya.

On our way there, he told me about his conversation with Nicholas last night.

"Seryoso si Nicholas kay Zoey. Ngayon ko lang nakitang ganoon siya tumingin sa babae. Kay Zoey lang.", he said.

"Aba, dapat lang! Hindi deserve ni Zoey o kahit na sino, ang maging pampalipas oras, ano!"

I saw him smiled and nodded.

"Baby, it's funny to think na tatlo kami ni April at Zoey, nahulog sa inyong magkakaibigan! I can't believe these things are happening right now!", saad ko makalipas ang ilang segundo.

"Ganoon yata talaga, nadadala kayo sa charms namin.", halakhak niya.

Nagtaas ako ng kilay nang sabihin niya iyon.

"Hindi, kayo. Kayo ang nahulog sa mga charms namin.", I retorted.

He bit his lips and nodded. "Indeed, we are."

Beneath Those EyesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin