Chapter 23

12 2 1
                                    

Chapter 23

Hindi matigil ang pag-iyak ko dahil sa balita ni Mommy. Hindi ko alam kung nananaginip ba ako, kung oo, sana magising na ako! Mag-i-isang taon na ang nakalipas simula nung huling makauwi ako sa kanila. At yun ay yung araw ng pasko noong nakaraang taon.

Hindi ko naman alam.

Hindi ko alam na iyon na ang huling pasko na makakasama ko si Daddy.

Matapos sabihin iyon ni Mommy, binaba ko ang tawag dahil hindi matigil ang hagulgol ko.

Sa paligid ko ay mga bubog nung nabasag na tasa, nagkalat na kape at mga pintura. Hindi ko malaman kung ano na ang ginagawa ko, basta ang alam ko naninikip ang dibdib ko.

Hanggang ngayon, na nandito na si Zoey, nanginginig ako. Hindi ako makapaniwala. Daddy, bakit? Bakit ganito?! Daddy, bakit mo ko iniwan? We were planning to celebrate the Christmas Day together! 

Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib ni Zoey. Patuloy niyang hinahagod ang likod ko, tila pinatatahan ako mula sa pag-iyak. Pero wala itong nagiging epekto dahil hindi ako matigil sa pag-iyak! Hindi ko alam kung paano kakalma.

I heard the door opened.

"Sabrina..", ramdam ko ang kaba ni Chisel.

Lumingon ako sa kanya nang marinig ko ang boses niya.

Chisel's face softened but looks worried at the same time when I pulled myself up and glanced at him. I don't know how do I look now, but I'm sure I do not look fine. He marched towards me and hugged me tight.

Nang maramdaman ko ang yakap niya, bumuhos ulit ang luha ko. Hindi siya nagtanong ng kahit ano. Hinayaan niya lang akong umiyak sa mga bisig niya. Nababasa na rin ng luha ko ang white polo niya, pero hindi niya alintana iyon.

Minutes passed, I calmed down. But still, my heart griefs for my father's death.

Hindi umalis sa tabi ko si Chisel. Si Zoey naman ay napagpasyahan linisin ang kalat na nasa sahig.

Paulit-ulit na hinahaplos at hinahalikan ni Chisel ang buhok ko. I won't lie, it made me calm.

"Chisel, kailangan kong... umuwi sa Italy." I said and looked up at him.

Marahan siyang tumango at hindi nagsalita, hinihintay na matapos ang sasabihin ko.

"Chisel..", I started to cry again. "Patay na si Dad-dy.."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Tumawag si Mommy kanina, at sinabi iyon sa'kin..", I sobbed. "Hindi ko alam kung paano, pero ang gusto ko ngayon, umuwi sa Italy. As soon as I can."

"Okay.. I'll be with you.", he looked at my eyes. "We will go to your family. Mag-b-book na ako ng flight natin ngayon din."

I hugged him and cried again.

Si Chisel ang nag-asikaso sa lahat para maka-uwi ako pabalik sa Italy. From booking our flights to arranging my things.

Nakahihiya man sa kanya pero hindi ko kayang kumilos para sa sarili ko. Tulala lang ako habang nag-aayos siya ng bagahe ko.

We're inside my room now. I sat down at the side of my bed. Chisel zipped my silver luggage as a sign that he is done packaging the things I need to bring.

Hindi ko namalayan na nakaluhod na pala si Chisel sa harap ko. He hold my hand and kissed the back of it.

"Baby, you'll get through this, okay? We will get through this. I'll be with you, I promise. Hindi ko alam kung paano ko mapapagaan ang loob mo ngayon, dahil alam kong masakit. Basta gusto kong malaman mo na, nandito lang ako..", he said.

Beneath Those EyesWhere stories live. Discover now