Prologue

116 6 3
                                    

“Ladies and gentlemen, welcome to Manila International Airport. Local time is 1:47 PM and the temperature is 32°C.

For your safety and comfort, please remain in your seats with your seat belt securely fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. Wait until the aircraft indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about.

On behalf of Flight Sky Airlines and the entire crew, I’d like to thank you for being part of this trip and we are looking forward to see you on board again in the near future. Have a nice day!", the pilot said as our plane landed.

After many months, finally, I'm home. Again.

"Mommy! Mommy!", si Chianna, anak ko. Or should I say, anak namin ni Chisel.

Nandito na kami ngayon sa loob mismo ng airport. Buhat-buhat ko siya gamit ang kaliwang braso ko matapos kaming makababa mula sa eroplano. Habang sa kabilang kamay naman ay hatak hatak ko ang maleta namin ng anak ko.

"Bakit, anak? Anong gusto?", tanong ko kay Chianna. She's so cute wearing her pink dress.

Ngiti lang ang sagot niya sa akin at muling nilaro ang kwintas sa leeg ko. Kanina niya pa ito nilalaro kahit nung nasa eroplano pa lamang kami. It's a simple necklace colored in silver. It has a letter "S" in the middle, which stands for my name.

Sa ngayon, hinihintay ko nalang ang pagsundo sa amin ni Zoey. Kahit kailan talaga, ang bagal niya, di pa ba 'yon nagbabago?

As if on cue, a lady wearing a beige off shoulder suit and a black heels.

"Oh, wow! Ito na ba yung pamangkin ko? Ang laki na!", sabay buhat ni Zoey kay Chianna.

"Alam mo ang OA mo parin. Mas magulat ka kung maliit parin 'yang anak ko, noh.", sagot ko.

"Heh! Tara na nga, uwi na tayo. Finally, umuwi ka na! Plus one pa!", ngiting sabi niya.

Pero bago pa kami makasakay sa kotse niya ay nagsalita ito.

"Sab, wait.", tawag niya.

"What?", buhat ko na si Chia ngayon.

"Daan tayo sa SB. Parang gusto ko bigla ng caramel frappuccino nila eh. Please?"

At nasunod nga ang reyna. As we enter the coffee shop, we settled in a table with four seats. Pero kahit na apat na ang upuan ay nasa kandungan ko padin ang anak ko. Ayaw magpababa.

"O-order na 'ko. Ano order mo?", Zoe asked.

"Kahit water nalang, I'm tired. I want to go home.", pinagmukha kong pagod talaga ang boses ko, para magmadali siya. Pero totoo naman, pagod talaga ako.

Ilang minuto lang ay nakabalik na siya, walang dala na kahit ano.

"Asan na yung order mo?", takang tanong ko.

"Excited? Wait mo lang. Tatawagin nalang daw name ko.", ngiti niya. Umupo na siya sa upuang nasa harapan ko.

She intertwined her both hands and wiggled her brown eyebrows. I know what this means,- she's up for a "chika" again. The usual Zoey I know.

"Kwentuhan muna tayo.", sabi niya. "So, ano naman po ang nag udyok sayo na umuwi naulit sa Pilipinas?"

"Wedding anniversary na ng parents ni Chisel next week, remember?", tugon ko sa tanong niya.

"Ay, oo nga pala!", she screamed, and I can hear some sarcastic tone in there. "Ano naman kung ganoon? Ikaw ba anak nila?"

"Alam mo, Zoe, kahit hindi na kami magkabalikan ni Chisel. Gusto ko lang naman na malaman niyang nagkaanak kami. Na may nabuo sa pagmamahalan namin noon.", seryoso kong sabi.

"Wow naman, mommy na mommy ang linyahan natin, ah.", tawa niya pa. "I'm so proud of you, parang nagkabaliktad na nga tayo eh. Ako naman ngayon yung medyo "playgirl". Although, may kaonting kaharutan din naman ako tulad mo noon, pero di naman ako papantay sa'yo noon kasi sabi niyo nga, para akong nanay niyo noon.", sabay tawa niya.

Bago pa ako makasagot sa kanya, ay humirit nanaman siya.

"Ngayon, ikaw na yung medyo "nanay". Oh, wait, nanay na pala talaga." tawa niya.

"Excuse me, never akong naging playgirl ha!", depensa ko.

"I mean, mapaglaro sa mga bagay-bagay. Maharot, ganon."

"Slight lang naman eh.", natatawa kong sabi. "At tsaka hindi naman ako nagsisisi na dumating si Chianna sa buhay ko eh. Ang cute!", sabay halik ko sa pisngi ni Chia.

"Di ko naman sinabing nagsisisi ka, ah? Ewan ko sayo, Sab!"

Natawa naman ako sa tinuran niya, oo nga naman, wala naman siyang sinabi.

"Eh, kamusta ka naman? I mean, 'yang puso mo, handa ka na bang magkita kayo ulit?"

Hindi mo lang alam kung gaano ako ka-excited makita siya. Kung gaano ko na-mi-miss yung mga yakap at halik niya. Kaso, mukhang malabo ng mangyari ulit 'yon eh. Baka nga di niya na ako napatawad sa ginawa ko noon.

At baka dahil doon, iba na ang tinitibok ng puso niya ngayon.

Beneath Those EyesWhere stories live. Discover now