Chapter 5

18 3 0
                                    

Aaminin ko, may iba na akong nararamdaman para kay Chisel, pero ayaw ko naman na palalimin pa iyon. Dahil una sa lahat, we just met last night! Masyadong mabilis.

"Be with me tomorrow."

Minuto ang lumipas simula nung sabihin iyon ni Chisel.

"Hello? Di ka na nakasagot, Sabrina.", sabi niya mula sa kabilang linya.

"Oh. Sorry. Nabibilisan lang ako. Inaaya mo ba ko sa date?"

"Ah, ayun ba. Ikaw bahala kung 'yan ang iisipin mo.", sagot niya. "So are you free tomorrow?"

"Uhm, may kikitain ako sa mall bukas. May ibibigay lang ako.", saad ko.

"Okay. Sasamahan kita doon, tapos diretso na tayo sa pupuntahan na'tin."

Napag-usapan din namin ni Chisel na susunduin niya ako dito bukas ng umaga. Wala naman kasi akong kotse pa. Ayoko naman umasa kila Mommy at Daddy. Gusto kong maging independent, kahit papaano. Pero palagi naman nilang sinasabi sa'kin na kapag may kailangan ako ay wag magdalawang-isip na lapitan sila.

Maaga akong gumising kinabukasan. Naligo at nag-ayos nang sarili. I wear my white skirt, the length is just above my knee, and my tan colored shirt. Sa gitna ng shirt ko ay may nakasulat na tanong, "How r u?".

Nang makababa at makarating sa kusina ay nakita ko si Zoe na nagtitimpla ng kape niya.

"Oh, ang aga mo ata? May isang oras pa bago ang usapan niyo ng kliyente mo, diba?", puna niya. "Kaya hindi na kita ginising kasi nga, maaga pa. Gusto mo ng kape?"

"Yes, please.", sagot ko.

Nakaupo ako dito sa dining table habang siya ay nagtitimpla ng kape ko malapit doon sa sink.

"Maaga lang talaga ako nagising. Kaya ayos lang kung di mo na 'ko ginising.", sabi ko.

"Eh, paano? Hatid na kita sa mall? Para hindi kana magkomyut."

"Ah, hindi na. May sasama naman sa'kin papunta doon."

"Sino?", kuryosong tanong niya.

"Si Chisel."

"Si Chisel?! Aba, kailan pa kayo naging friends?", she asked.

"Hindi pa kami friends. Tsaka, siya naman nag-aya na lumabas kami, eh.", katwiran ko.

Hindi na nakasagot pa si Zoe, nang marinig niya ang pagtunog ng cellphone ko.

Chisel:
Hi. I'm here outside your house.

Nagulat ako sa text niya. Kaya naman agad akong tumayo sa kinauupuan ko at nagtungo sa labas ng gate. Napaayos siya ng tayo nang makita ako.

"Hi. Kanina ka pa ba?", bungad ko.

"I'm fine.", sagot niya na nagpagulo sa akin.

"Ha? Ang tanong ko, kanina ka pa ba?"

"Ay, sinagot ko lang yung tanong sa shirt mo.", sagot niya. "And to answer your question, kadarating ko lang po."

"Bakit may 'po' pa?", puna ko.

"It shows respect towards others. And I respect you."

"Hmm?", sabay taas ng kanang kilay ko. "Kunwari pa, nagpapacute ka lang naman."

Natawa at napayuko naman siya sa sinabi ko.

"Nahuli mo pa 'ko don?", pabirong sabi niya nang mag-angat siya ng tingin sa'kin.

"Uh, gusto mo bang pumasok muna? Or you'll wait here? May kukunin ko pa kasi yung gamit ko sa loob eh.", tanong ko. "At tsaka nga pala, nasa loob si Zoey."

"Ok lang ba na sa loob nalang? I'll greet Zoey, at least."

"Halika ka, pasok.", aya ko.

"Saan?", tanong niya.

"Anong saan? Sa bahay namin, syempre."

"Ah, oo nga pala. Gusto ko kasi makapasok diyan sa puso mo, eh.", banat niya.

Natawa nalang ako sa sinabi niya. Oh, Sab. Wag ka magpapadala sa mga banat niyan, baka bukas makalawa, buntis ka na.

Ang advance ko naman ata mag-isip?

Pumasok na kami sa loob ng bahay at bumungad ang tingin ni Zoey sa likod ko. Kahit hindi ako lumingon, alam kong kay Chisel siya nakatingin.

"Sara mo 'yang bibig mo, baka mapasukan ng langaw.", tawa ko kay Zoe.

"Hi, Zoey.", bati ni Chisel sa kanya.

Agad namang nakabalik sa ulirat si Zoe at agad nagpasalamat kay Chisel.

"Chisel, salamat nga pala. Ikaw daw tumulong sa'min makauwi nung kasal ni April.", si Zoe.

"Wala 'yon. I'm happy to help.", sagot naman ni Chisel.

"Uhm, excuse me.", lingon ko kay Chisel. "Kunin ko lang yung gamit ko sa taas. Para makaalis narin tayo. Upo ka muna d'yan sa couch."

Matapos niyang sabihin ang "Okay.", ay tumungo na ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang paper bag na naglalaman ng naka-frame na portrait drawing ko para sa kliyente. Agad na akong bumaba pagkatapos no'n.

"Tara na?", saad ko kay Chisel nang makababa. "Zoe, una na kami, ah?"

"Sige, umuwi ka ng maaga, ha.", bilin ni Nanay Zoey.

"Opo, Inay."

Nakita ko naman na umirap siya matapos ko sabihin 'yon. Natawa nalang ako.

Nang makapasok sa sasakyan ni Chisel, ay agad siyang nagtanong.

"So, saan tayo?"

Sinagot ko kung saang mall kami pupunta. Agad naman siyang tumango ng malaman ito.

"So, anong gagawin na'tin at inaya mo ko sa labas?", tanong ko.

"Eh di'ba sabi mo, may kikitain kang kliyente mo?", lumingon siya sa'kin at agad na ibinalik ang tingin sa daan.

"Oo nga, pero pagkatapos no'n, ano na gagawin?"

"Later, you'll know. Para naman masurprise ka kahit paano."

"Eh di pag-usapan nalang natin kung paano mo nakuha yung number ko."

"Agad-agad? Mamaya nadin 'yan. We have the rest of the day to talk about that.", saad niya.

"Anong 'the rest of the day'? Sabi ni Zoe, umuwi ako ng maaga."

"Oo naman, iuuwi na kita ng maaga.", sabi niya.

Bakit parang iba ang dating sa pandinig ko?

Nakarating na kami sa parking ng mall. Hindi pa ako nakakalabas sa kotse niya ay nakita ko na binuksan niya ang pintuan malapit sa'kin. Wow, gentleman.

Nagtext na ako kay Ma'am Veron - yung client ko na nandito na ako sa tapat ng isang clothing store. Dadaanan nalang daw niya kasi at iaabot ang bayad dahil nagmamadali at may pupuntahan pa daw siya. Si Chisel ay nasa tabi ko, naghihintay rin at hawak ang paper bag na naglalaman ng gawa ko.

Luminga-linga ako sa paligid at naghahanap ng babaeng naka-purple dress, dahil yun daw ang suot niya, ayon sa kaniya. Nang makita niya ako ay agad siyang naglabas ng pera. At inabot naman sa kanya ni Chisel ang paper bag.

"I'm sorry if you waited. By the way, this looks nice! Hindi ako nagsisisi na sa'yo ako nagpagawa!", turan niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya, dahil may nakaka-appreciate ng gawa ko.

"Salamat po, Miss Veron."

"So, paano? Mauuna na ako, ha. Thank you for this. Don't worry, I'll recommend you to my friends.", sabi niya.

"Ay, salamat po."

Nang makaalis na si Ma'am Veron ay naramdaman ko ang paghawak ni Chisel sa bewang ko kaya napalingon ako sa kanya.

Ay, may paghawak? Sandali lang naman!

"Let's go?", nakangising tanong niya.

"Saan tayo pupunta?"

"Basta. Ako bahala. Sisiguraduhin kong matutuwa ka.", he said.

Beneath Those EyesWhere stories live. Discover now