Chapter 9: Sleeping Beauty

1.3K 48 6
                                    

Chapter 9: Sleeping Beauty  

(Kitty's POV) 

"Oh? Aalis ka?" tanong ni Sapphire pagbaba ko. 

Tumango ako, nag text kasi si Kayden ngayon daw namin pupuntahan si Don Julian. Alangan namang humindi ako diba? Eh ako na nga itong ginagawan niya ng pabor. 

"Awww... Kitty aalis ba kayo ni Kayden ngayon? May bisita ka ah." sabi ni Warren. 

"Huh..?" 

Ako may bisita??? 

Pinapunta ako ni Warren sa may garden. Sino naman kaya ang bisita na yun?? Naglakad na ako papunta sa may garden. Nakatalikod palang siya eh kilala ko na. O____O 

"DOC NATH..?"  

Humarap siya sakin pagkatapos ay binigyan ako ng ubod ng tamis na ngiti. Haaayyy ang gwapo talaga ng Doc Nath ko!! <3 

Ehhh...ba't nga pala to nandito.? 

"Kumusta ang paborito kong pasyente..?" tanong niya na nakangiti. 

"Okay naman, ehhh bakit ka nga pala nandito?" tanong ko. 

"Masama bang bisitahin ang paborito kong pasyente?" 

"Hindi naman, pero ang lumipad mula sa kabilang dulo ng mundo para lang bisitahin ang pasyente mo. Ang weird naman ata nun." sabi ko. 

"Heheh nag aalala lang sayo ang mama mo, naikwento ko kasi sa kanya na medyo bumabalik yung sleeping anxiety mo pagbalik mo dito sa Pinas." sabi nito. 

"Grabe naman sila, hindi naman ako mababaliw noh!" sabi ko sabay upo dun sa upuan. 

In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Where stories live. Discover now