Chapter 6: Never back down!

1.5K 49 5
                                    

Chapter 6: Never back down!



(Kitty's POV)


 "HINDI KO IBEBENTA ANG LUPA KO!!!"


Nagtaasan talaga yung mga balahibo ko sa batok. Hindi ko inaasahan na ganito pala ka wild tong matandang to. Ni hindi pa nga namin sinasabi yung purpose nung lupa eh nagalit na kaagad.


Tumayo ito gamit yung tungkod niya at bagama't mukhang hirap ng maglakad ay dinuro duro pa kami gamit yung tungkod niya.


"ITO ANG TATANDAAN NINYO, HINDING HINDI KO IBEBENTA YUNG LUPA NA YUN, NAIINTINDIHAN NIYO??"



"Pero Don Julian-" pipigilan pa sana siya ni Kayden kaya lang ay tumalikod na ito.


"Napaka makasarili niyo naman po!" di na ako nakatiis at nagsalita nako. Ewan ko ba kung anong sumapi sakin ng mga oras na yun at nakalimutan kong nakakatakot ang matandang tong magalit.



"ANONG SABI MO??"



Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Kitty napaka daldal mo kasi eh. Haaay, bahala na nga. Sasabihin ko kung anong gusto kong sabihin.



"Base sa itsura niyo, siguradong marami kayong pag mamay-ari bukod pa dun sa lupang yun. Pero yung mga taong nakatira dun na maaaring makinabang sa ipapatayo naming school, maaaring wala silang ibang pag aari maliban dun sa mga lupang kinatatayuan ng mga bahay nila. Maaaring sa inyo walang halaga yung lupa na yun. Pero sa kanila, malaki ang magiging pagbabago na maihahatid sa lugar nila ng lupang yun. Wag naman po kayong maging makasarili!"


"Tahimik! Ikaw!!-" pero bago pa ito makapag salita ay para bang biglang nanikip ang dibdib ng matanda. Hala kasalanan ko ata yun??


"Sorry po... pero sa tingin ko po kailangan niyo ng umalis. Makakasama po kasi kay Don Julian ang ma stress eh." sabi nung katulong sa tabi nito.


Wala tuloy kaming choice ni Kayden kundi ang lumabas nalang. Haaayyy... I never thought that it will be this hard.


 
"Panu ba yan? Hanap nalang tayo ng ibang lupa?" tanong ni Kayden.


"Hindi na kailangan!"


"Huh? Wag mong sabihing susuko ka na at hindi mo na itutuloy tong project? Tsk tsk, sayang malaki pa naman ang tiwala sayo ni dad." sabi pa nito.



"SINONG NAGSABING SUSUKO AKO??" pagkatapos ay tiningnan ko siya na ngayon ay nagtataka.



"Hindi ako titigil hangga't hindi napapatayo ang eskwelahan ko sa lupa ni Don Julian." dagdag ko pa.


"Wow, bilib din naman ako sa lakas ng loob mo noh? Kung gugustuhin mo talaga ang isang bagay ay talagang may paraan. Kung ayaw palaging may dahilan."


Ako lang ba o parang may hugot yung sinabi niya?? Hmmm?? Wag mo na nga lang pansinin yan.


"Tara na?" tanong ko.


"Saan?" tanong niya. 'Maaga pa naman ah?"


"Tsss... edi magtratrabaho ano pa??" sabi ko.


Malaking question mark parin yung mukha niya. Stupid nga eh diba?? Hindi ko na siya sinagot at pinag drive ko nalang pabalik sa bahay nila Warren.



*******



"Bilisan mo, ambagal mo naman eh!" sabi ko.



"Oo eto na nga eh." sabi ni Kayden habang nagkakalikot sa laptop ko.

In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Where stories live. Discover now