Chapter 11: Araw ng mga Puso (Part 1)

1.3K 46 0
                                    



Chapter 11: Araw ng mga Puso (Part 1)


(Kitty's POV)


"Mawala na ang lahat ng pag aari ko, wag lang ang lupang yun. Dun ako mamamatay sa lupang yun, sa paboritong lugar namin ni Juliana."


Juliana?


Sino nga ba yung Juliana na yun?


Nasa bahay na ako ngayon, at bago ako matulog ay napag diskitahan kong itanong kay google kung sino nga ba si Juliana.


Sino nga ba siya? Walang Juliana sa listahan ng mga kamag anak niya. Lalong hindi naman Juliana ang pangalan ng asawa niya kundi Amelia.


Sino ka ba talaga Juliana? Kung sino man yun ay dahil sa kanya kaya hindi maibenta sa amin nung matanda yung lupa.


Aiiishhh. Pero ang hirap naman oh!! Ni hindi ko alam ang apelyido niya. :3


Sinubukan ko yung apelyido ni Don Julian, pero kung meron man eh hindi naman related. Psssshhhh...


Bukod pa dun ay may isa pa akong problema na dapat kong isipin. Yung invitation sakin ni Wency. Nakakahiya namang tanggihan. Isa pa ay wala naman talaga akong boy friend.


Nadala lang ako ng bugso ng damdamin kaya hinayaan ko si Kayden na isipin yun. Ang daya naman kasi nya eh, siya may girl friend tapos ako wala? :3


Bahala na nga.


Tinawagan ko si Doc Nath.


"Hello."


{Hello?} medyo husky pa yung boses niya sa kabilang linya. Mukhang kanina pa to tulog ah.


"Doc Nath..."


{Anong kailangan ng paborito kong pasyente?}


"Alam mo kung anong araw bukas diba?" paglalambing ko.


{Ano nga ba?}


"Nath naman eh!!"


Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya.


{Hahaha joke lang! Makakalimutan ko ba naman ang birthday mo?}


Napangiti ako,


"Akala ko nakalimutan mo na eh."


{Bakit? May ipapabili ka bang regalo?} tanong niya.


In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon