Chapter 30: Kayo na ang humusga XD

1.3K 44 2
                                    


Miss me? 

Pasensiya na nga pala at ngayon lang ako ulit nakapag update. Hohoh. Ituring niyo nalang itong super late christmas present ko sa inyo. :) 

***** 


(Kayden's POV) 

     Black and white. Kung isang pelikula lang ang buhay ko ay pitong taon na sigurong black and white ang filter na ginagamit ng derektor para ilarawan ang naging buhay ko.

     Hindi ko alam kung panu nagkaganun, hindi ko alam kung anong ginawa kong mali. Oo alam kong naging gagu ako, pero sapat nabang dahilan yun? Sinubukan ko naman ah. Pero sa huli ay nagising nalang ako mula sa isang mahabang pagkakatulog at mag isa nalang ako. 


6 Years Ago... 

     "Nasaan ako?" 

     Parang bigla akong nagising mula sa matagal na pagkakatulog. 

     "O MY GOD KAYDEN! GISING KA NA! OKAY KA LANG BA?" nakita ko si Ate Denise at Sir Owen sa tabi ko. 

     Lumabas si Kuya Owen para siguro tawagin yung doktor habang si Ate Denise ay tanong ng tanong ng kung anu-anong bagay na hindi ko naman naiintindihan. Parang naka mute ang lahat sa paligid ko. 

     Nasa isang puting kwarto ako na malamang ay isang hospital room. Medyo nagba buffer pa ang utak ko at prinoproseso ang lahat ng nangyari. 

     "...si Kitty?" yun ang unang lumabas sa bibig ko. 

     Bigla namang natigilan si Ate Denise at pinanlakihan ako ng mata na para bang may malaki akong kasalanan. 

     "Anong sinabi mo?" ulit niya. 

     "Si Kitty! Yung girlfriend ko! Asan siya?" 

     Normal lang naman na alamin ko kung nasan siya diba? Ang huling naaalala ko ay dadalhin dapat kami ni Kuya Francis sa ospital dahil dumudugo ang ulo ko pagkatapos ay bigla akong niyakap ni Kitty at naging blangko na ang lahat. 

     "Na..kakaalala ka na?" 

     "Ano bang klaseng tanong yan?" 

     "Waaaahhhh! Kayden!" bigla niya akong yinakap ng pagkahigpit higpit. 

     "Kayden?" 

     Nakita kong pumasok yung buong barkada na halatang nagtataka rin. Umiiyak kasi si Ate Denise habang yakap yakap ako. 

    Ako din nagtataka eh, napansin ko kasi na malaki yung tiyan ni Sapphire. Buntis ba siya? Tapos may wedding ring sa daliri niya. Gaano katagal na ba akong natutulog? Na coma ba ulit ako? 

     "Ate Denise, anong nangyari? Narinig namin na naaksidente daw si Kayden." sabi ni Harvey. 

     "Nakakaalala na siya! Bumalik na yung alaala ng bunso namin." mangiyak ngiyak parin na sabi ni Ate Den. 

     Mas lalo pa tuloy akong naguluhan sa mga nangyayari. Luminga linga ako sa may pinto para tingnan kung kasama nila si Kitty pero wala ni anino niya. 

    "Nakakaalala ka na? Naaalala mo na kami?" maging si Sapphire ay parang teary eyed na rin. 

    "Syempre naman! Bakit hindi ko kayo maaalala? At asan ba si Kitty? Bakit hindi niyo siya kasama?" tanong ko. 

     Nagkatinginan sila, pero bago pa man may sumagot ay bumalik na si Sir Owen kasama yung doktor. Siya ang nagpaliwanag sakin nagkaroon daw ako ng amnesia isang taon na ang nakakaraan at kaya ako nasa ospital ay nahulog sa bangin ang kotse ko. 

In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Where stories live. Discover now