Chapter 13: Fury of a fRiend!

1.2K 53 0
                                    



Chapter 13 : Fury of a fRiend



(Kitty's POV)


Panu naman kaya napunta to dito?


Umaga na, at gising pa din ako. Hindi ako nakatulog dahil dun sa regalong natanggap ko kahapon.


Naalala niyo yung kwintas na binigay sakin ni Kayden noon sa Book 1?


Nakita ko lang naman siya sa leeg nung maliit na teddy bear na may nakasulat na happy birthday.


Hindi ko akalaing makikita ko pa to. Matagal na din kasi eh.


Pero sa pagkakaalala ko eh iniwan ko kay Sapphire ang kwintas na to noon. Galing kaya kay Sapphire yung regalo?


Pero kung galing sa kanya, bakit iiwan sa labas ng gate ng bahay nila diba? Pwede niya namang iwanan sa labas ng kwarto ko o di kaya iabot sa akin ng personal.


Hindi kaya, taga labas ang nag iwan nito? Pero sino naman?


Tatanungin ko na nga lang si Sapphire.


Lumabas ako ng kwarto.


Naabutan ko si Sapphire sa may garden.


"Sapphire."


Tapos humarap siya sakin. Umiiyak...


"Kitty..." niyakap niya ako.


"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" tanong ko.


"Panget na ba ako?" tanong niya.


"Huh? Ano bang pinagsasabi mo?"


Pinakita niya sakin yung cell phone niya.


O.O


"Ayaw na sakin ni Warren, kasi mataba nako... hindi na ako kasing sexy ng dati." sabi niya.


Dating celebrity si Sapphire kaya naman naiintindihan ko na hindi kataka takang nagkakaganyan sya ngayon. Dala na rin siguro ng pagbubuntis.


"Ano ba yang sinasabi mo? Hindi ganung klase ng tao si Warren, mahal ka nun kahit ano pang itsura mo." sabi ko.


Pero wala pa din siyang tigil sa pag iyak. Hanggang sa mapansin ko na nahihirapan na siyang huminga. Kinabahan ako dahil, hello... buntis siya!


"Uyy sapphire!! Okay ka lang?" pinaupo ko siya.


In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Where stories live. Discover now