Chapter 36:Lolang Nagger

1.2K 33 4
                                    

Hello readers! ~ 

Namiss niyo ba ako? Pasensya na kung ngayon nalang ako nakapag update. Nandiyan pa ba kayo? Tatapusin pa natin ang istoryang ito. :) 

*** 

(Kitty's POV) 

     "...ayaw na kitang maging girlfriend." 

     "Hoy Kayden Velasco! Hindi nakakatawa yang biro mo!" sabi ko. 

     Pagkatapos nun ay biglang nagbago yung expression ng mukha niya mula sa seryoso hanggang sa pagtawa. 

     "Hindi ba? Akala ko matatawa ka eh!" sabi niya. 

     Inirapan ko siya, hindi nakakatawa yung biro niya. Nung huling sinabi niya sakin yun ay nagkaroon siya bigla ng fiance. 

     "Magpakasal na din kasi tayo, ayaw na kitang maging girlfriend, gusto na kitang maging asawa." 

     "G***!"

     "Hindi nga, magpakasal na tayo promise, seryoso ako." sabi niya. 

     "Yun na yun?" 

     "Anong yun na yun?" 

     "Wala man lang surprise, o kaya flowers, o singsing? Proposal na ang tawag mo dun? Bigla mo nalang akong yayayaing magpakasal na parang naisipan mo lang bumili ng isda sa palengke?" tanong ko. 

     "Oo, dun din naman ang punta natin eh. Alam mo, hindi ko maintindihan kung bakit ang hilig niyong mga babae sa mga surprise surprise na ganyan. Para namang diyan nasusukat ang pagmamahal ng isang lalaki." 

    Bakit ang sarap busalan ng bibig ng lalaking to ngayon? Oo nga't may point naman siya, pero pangarap ng bawat babae ang isang mala fairytale na love story. Yun ang tinanim sa mga utak natin ng Disney nung mga bata pa tayo. 

     "So magpapakasal ka ba sakin o kailangan pa kitang ipakidnap kagaya nung dati?" 

     "Oo na!" 

     "Wala ng bawian ah!" 

     "Para namang makakatakas pako sayo eh noh?" 


*** 

(Kayden's POV) 

     "KAYDEN VELASCO!" 

     Nagulat ako ng ang galit na galit na mukha ng lola ko ang sumalubong samin sa bahay pagkauwi namin galing sa kasal nila Wency at Doc Nath. 

     "Err-lola? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. 

     "ANONG IBIG SABIHIN NITO? NILOLOKO NIYO BA AKONG DALAWA HA?" sabi niya tapos may tinapon na papel sa harap ko. 

     Pinulot ko yun pero hindi ko gaanong maintindihan ang nakasulat. 

     "Ano to lola?" tanong ko. 

     "Pinahanap ko sa civil registry ang marriage certificate niyo, pero walang nakarehistro na patunay ng kasal niyo. Magsalita kayo, MAG-ASAWA BA KAYONG TALAGA?" 

     Nagkatinginan  kami ni Kitty. Isa lang ang maitatawag sa sitwasyon namin ngayon, buking! Pero hindi kami pwedeng magpahuli. 

     "Nagkakamali ka ng iniisip lola, bakit hindi muna tayo pumasok sa loob at doon kami magpapaliwanag sayo!" sabi ko at pilit siyang pinakakalma. 

     Kilala ko ang lola ka, masyadong mahalaga sa kanya ang batas at tradisyon, mas istrikto pa nga siya sa lolo ko pag dating sa pagtupad ng mga yun. 

In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Where stories live. Discover now