Chapter 17: The Past

1.3K 73 11
                                    


Idinidedicate ko to sa best friend ko na halos di nakatulog sa pagbabasa ng story ko. Lol :)


Thanks, sa inyo na hanggang ngayon ay hinihintay parin ang update ko. :)


________________________________________________


Chapter 17: The Past



(Kitty's POV)



"Ngumit ka naman kahit konti. Magkunwari ka namang masaya kang kasama ako." bulong sakin ni Kayden.


At binigyan ko siya ng ngiting aso. Napailing nalang ang gagu. Bwisit na to! Panu niya ako enexpect na ngumiti sa kabila ng fact na gusto niya akong magpanggap na asawa niya sa harap ng lola niya.


Hello! Malaking kasalanan kaya yun! Pag ako nasunog sa impyerno, isasama kita!


Pumasok na kami ngayon sa loob ng restaurant na pinareserve pa ng lola ni Kayden. Formal dinner ito kaya naman naka formal kami ngayon.


"They you are!!" sigaw ni Lola pagdating namin.


Umakbay naman sakin si Kayden at inalalayan akong maka-upo. Gentle man kuno. Hmmmp.


Medyo nahiya naman ako dahil hindi lang pala si Lola ang kasabay naming magdidinner. Nandito din sina Kuya Johanne at yung asawa niya.


"Akala ko naman kung sinong asawa ni Kayden yung sinasabi ni lola, si Kitty lang pala." kumento ni Kuya Johanne.


Pinanlakihan naman ito ng mata ni Kayden. Buti nalang ay hindi napansin nung lola ni Kayden yung sinabi ni Kuya niya.


"Pasensiya na kayo ha, hindi ko nasabing kasama din sina Johanne sa dinner na to. Minsan na nga lang kasi akong umuwi dito sa Pilipinas eh yung mga magulang niyo parehong nasa abroad, sina Denise at yung asawa niya naman ay hindi parin bumabalik galing sa isang buwan nilang honeymoon." sabi nung lola ni Kayden.


Bakit parang may nakalimutan ata siyang banggitin?

"Ah... Kitty, ito nga pala si Marizza, asawa ko." sabi ni Kuya Johanne.


"Tawagin mo nalang akong Ate Ryzze." sabi nung asawa niya.


"Ryzze siya naman si-"


"Hep!" pinigilan siya ni Kayden.


"Asawa ko to kaya ako dapat ang magpapakilala sa kanya." sabi niya pa na nakaakbay sakin.


Asawa pala ha...


"Uyyyy!" napasigaw si Kayden. Kinurot ko kasi siya sa tagiliran.

In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Where stories live. Discover now