Chapter 19: Secrets *

1.2K 43 8
                                    

HELLO THERE! :) 

Chapter 19: <Secrets> 

(Kitty's POV) 

*Ding Dong* 

Hmmm? Sino naman kayang dumating..? 

Pagbukas ko ng pinto ay si Kayden lang pala. 

"Teka..! Bakit ka pa nag door bell eh may susi ka naman diba? Saka... hmmm ano ba yan? Lasing ka ba??" 

Hindi siya nagsalita at dumiretso sa loob. Nakakapagtaka naman dahil parang okay pa to kanina ah. Nagyabang pa nga na pupuntahan niya yung girlfriend niya eh. May problema kaya..?

**{Flashback}**

"Damihan mo nga yang kinakain mo, ang payat payat mo oh. Kala mo kinaganda mo yan?" sabi ni Kayden na sinandukan ako ng maraming kanin sa plato ko. 

Hindi ko nalang siya pinansin. Kala mo naman madadagdagan yung buhay niya pag kumain ako ng madami. Tsss

*Phone rings

*Doc Nath calling... 

Napangiti ako, ito na ang pangpaganda ng araw ko. :) 

Pasimpleng hinawi ko pa yung buhok ko bago sagutin ang tawag niya. 

"Hello?"

{Kumusta ang paborito kong pasyente? Nakakahinga ka pa diyan?} biro niya. 

"Okay nako ngayon, narinig ko na yung boses mo eh." pagbibiro ko. Ganyan lang talaga kaming magbiruang dalawa. Heheh 

Napansin ko naman na tumayo na si Kayden at aalis na. 

"Di mo pa tapos yung pagkain mo ah." inilayo ko muna yung cp sa tenga ko para kausapin siya. 

"Nawalan nako ng gana." sabi niya.

Napansin ko naman na palabas siya ng pintuan. 

"Aalis ka??" tanong ko. 

"Pupuntahan ko yung GIRLFRIEND ko. Nakakatamad dito eh." sabi niya tapos ay umalis na. 

Edi umalis ka! Paki ko. :3 

**{End of Flashback}** 

(Kayden's POV) 

"Uyy Kayden, bakit ka nga naglasing?" 

Kayden..? Tsss... kailan ko ba maririnig sayo yung salitang 'mhine' ulit? 

Hinarap ko siya at sinandal sa pader..

Maririnig ko pa kaya sayo ulit yun??... 

"Kayden... bakit ganyan ka makatingin..?"- Kitty 

Inilapit ko yung sarili ko sa kanya, yung malapit na malapit.

"Kayden..?" 

Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya. 

"Shhh..." 

Inilapit ko yung mukha ko sa tenga niya at bumulong.. 

"Gusto mong makarinig ng sekreto..? Pero wag mong sasabihin kay Kitty ah..." 

Lasing na nga talaga siguro ako. Hindi ko na alam kung anong sinasabi ko. 


**{Flashback}** 

"Hay naku Kayden, naglalasing ka nanaman. At dito ka pa talaga sa coffee shop ko uminom ah. Anong tingin mo dito? Bar?" sabi ni Wency. 

Nginitian ko lang siya. Alam naman niya na siya na ang naging pangalawang best friend ko since mula nung aksidente ko ay hindi na kami ganun ka close ni Harvey. Paminsan minsan nalang kami nagkikita at may mga bagay akong hindi ma open sa kanya dahil nga kay Mimi. 

Mula noon ay naging best friend ko na si Wency, at ngayon naman ay naging fake girlfriend ko pa. 

"Ano? Saan ka na dinala ngayon ng revenge plan mo?" -Wency 

Tinungga ko yung isang bote ng beer pagkatapos ay tumawa. 

Haaaayyy... Napaka pathetic ko talaga. 

Oo... pinlano ko ang lahat.

Yung sa school... Sinadya kong ibigay sa kanya ang lupa na yun dahil alam ko na mahihirapan siyang mabili yun. 

At yung mga lugar na nagpapaalala sa kanya ng nakaraan naming dalawa. Gusto kong ipaalala sa kanya kung ano yung nakalimutan niya. 

Gusto ko siyang parusahan dahil sa pang iiwan niya sakin noon... At kung gaano kadali nya akong naipag palit sa iba. 

"Bakit kasi di mo nalang sabihin sa kanya na naaalala mo siya... matagal na." -Wency 

"Para ano pa?" 

"Alam mo nakaka awa ka." sabi ni Wency. 

At sa kanya ko pa talaga naririnig yan ah. 

"Pinlano mo ang lahat para pahirapan siya, para pagsisihan niya na iniwan ka niya pero sa tingin ko, ikaw ang mas nahihirapan sa inyong dalawa." sabi pa niya. 

Siguro nga tama siya. Ako ang mas nahihirapan saming dalawa ngayon. Mahirap na magpanggap na parang wala lang sa akin ang lahat. Sana nga, hindi nalang talaga bumalik ang mga ala-ala ko. O mas maganda, sana namatay nalang ako, dahil walan namang pinag kaiba eh. 

Napaka pathetic ko dahil after 7 years, hindi ko parin nagawang maka move on sa ex ko. Siguro nga tama si Kitty... stupid ako. 

**{End of Flashback}** 


(Kitty's POV)


"Gusto mong makarinig ng sikreto..? Pero wag mong sasabihin kay Kitty ah..."

Sikreto? 

Tiningnan niya ako sa mata, at ngayon ay gahibla nalang ang layo ng labi namin sa isa't isa. 

Shucks!! Hahalikan niya ba talaga ako ng maramdaman ko na malapit na siya. Pero... 

"Kayden..?" 

Hayup na to! Dito pa talaga natulog sa balikat ko! >.< 

"Ang bigat mo ah!! Gumising ka nga!!"

Tinulak ko siya at napahiga siya sa semento. 

"Anung akala mo? Bubuhatin kita papunta sa kwarto mo? Ang bigat mo kaya! Manigas ka diyan!" sabi ko pagkatapos ay tumalikod na. 

Kaya lang ay bigla naman akong kinulit ng konsensiya ko, aaiissh bakit naman ngayon pa. Bakit kasi napaka buti kong tao eh. Wala tuloy akong choice kundi balikan siya. 

"Aiissh! Wag ka ngang magpabigat! Tinutulungan na nga kita eh!" 

Sabi ko sa kanya habang buwis buhay ko siyang inaakyat sa hagdan paakyat sa kwarto niya. Aiissshhh! >.< 

Nung sa wakas ay nakarating na kami sa kwarto niya at itutulak ko na sana siya pahiga sa kama niya eh, bigla naman niya akong hinawakan sa kamay kaya natumba ako sa ibabaw niya. 

Ano ba yan! Nakakahiya naman tong pwesto ko... buti nalang tulog tong isang to at baka maakusahan pa akong rapist dito. 

Pinilit kong tumayo kaya lang, ang higpit talaga ng pagkakawak niya sa wrist ko. Tulog ba talaga to? 

Hmmmm?? Napansin ko yung butil ng luha na tumulo sa isang pisngi niya. At mukha siyang nahihirapan. 

May nangyari kaya? 

Hinawakan ko yung pisngi niya gamit yung isa ko pang kamay. Pakiramdam ko ay may kung anong kumirot sa puso ko ng makita ko yung luha nya. 

"Wag mokong iwan..." sabi niya habang nakapikit parin. 

Inilapat niya yung kamay ko na hawak hawak niya sa pisngi niya na para bang ayaw niya akong umalis. 

"Haayyy... bakit ba hindi kita matiis na hayup ka?" sabi ko. 

Hinaplos haplos ko yung pisngi niya hanggang sa unti unti akong makaramdam ng antok. 


---End of Chapter 19--- 



In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon