Chapter 33: Let's not waste time :)

1.2K 42 8
                                    

(Kitty's POV) 

     "Diba sabi ko naman sayo? Kahit anong gawin mo, hindi ka makakatakas sakin.

     Umayos siya ng pagkakatayo mula sa pagkakasandal sa pintuan ng kwarto niya at saka unti-unting lumapit sakin. 

     "Hey anong ginagawa mo??" 

     Kinuha niya yung maleta ko at saka pumasok sa kwarto. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Nakita kong inilapag niya yung maleta sa kama at inisa-isang ilabas yung mga laman nun. 

     "Hey!" 

     Pinasok ko ulit yung mga gamit na nilalabas niya, pero ayaw parin patinag ng lolo niyo. Ibabalik ko, tapos ilalabas niya ulit. Paulit-ulit kaming ganun. 

    "Ano ba! Nababaliw ka na ba?" sabi ko habang hindi padin nagpapatalo sa kanya. 

     "Hindi pa! Hindi pa ako nababaliw para hayaang kang umalis nanaman sa buhay ko matapos mong bumalik at muling guluhin ito." sabi niya. 

    "Teka lang ha! Whose talking? Ikaw kaya! Bigla bigla ka nalang bumalik sa buhay ko with that stupid revenge plan of your's at ginulo ang buhay ko!" sabi ko. 

     "Oo at wala na akong balak na paalisin ka pa!" sabi niya.

     "As if naman mapipigilan mo ako?" 

     Tiningnan niya ako ng nakakaloko at saka unti-unting lumapit sakin. Akala niya ba madadala niya ako sa pangiti-ngiti niyang yan? Tse! 

     "Hoy Velasco! Sa dami ng kasalanan mo sakin ay hindi mo ako madadala sa ganyan ganyan mo!" sabi ko. 

     "Pwede ba Kitty, let's cut the chase already." sabi niya. 

     Pak. Nawala ako sa sarili ko at hindi ko namapalayan na nasampal ko na pala siya. Naiinis ako dahil sa dami ng luha na iniyak ko ng dahil sa kanya ay nakuha niya pang makipag lokohan sakin ngayon. 

     "Ano pa bang gusto mo ha? Nakapag higanti ka naman na diba? Kahit na hindi ko naman talaga alam kung anong ginawa ko sayo?" 

     Tiningnan niya ako ng masama. 

     "You leave me." sabi niya. 

     "YOU ARE THE ONE WHO ASK ME TO LEAVE... REMEMBER?" 

     Hanggang ngayon ay hindi ko padin nalilimutan yung araw na yun. Nung sinabi niyang hindi niya ako maaalagaan kaya mabuti pa daw na umalis nalang ako. 

     Medyo nabigla yung itsura niya na napalitan naman ng pagkalito. Siguro nga ito na yung chance para malinaw namin ang mga hindi pa nareresolve na issue sa pagitan naming dalawa. 

     "What are you talking about?" tanong niya. 

     Inirapan ko siya at nag iwas ng tingin. Nag maang maangan pa tong isang to! 

    "Nawala ang paningin ko, at nawala ang ala-ala mo. Sinabi mo na hindi mo ako maalagaan dahil hindi mo naman ako kilala at pinaalis moko!" sabi ko. 

     Kinuha ko na yung sling bag ko at naghanda ng umalis. Babalikan ko nalang siguro yung maleta ko bukas o sa susunod na araw pag wala na siya. Kaya lang ay palabas palang ako ng pinto ay naramdaman ko yung pag hatak niya sakin. 

     Naramdaman ko yung pag dikit ng likod ko sa malambot na kama at ang bigla niyang pagpatong sakin. 

    "Anong ginagawa mo?" 

    Nanlaki yung mata ko nung makita ko yung tali sa kamay niya na hindi ko alam kung saan nanggaling. Bigla akong kinabahan sa kanya. 

     "HOY ANO BA! PAKAWALAN MOKO!" sigaw ko. 

     Unti-unti niyang tinali yung mga kamay at paa ko at saka umalis sa ibabaw ko at umupo sa gilid ng kama. 

     "Hindi kita papakawalan diyan hangga't hindi tayo nakakapag usap ng maayos at hangga't hindi mo sinasabi na hindi ka na aalis." 

     "Sira ulo ka talaga Kayden! Pakawalan moko dito!" 

     Linapit niya yung mukha niya sa mukha ko at mas napagmasdan ko ang seryoso niyang mukha. 

     "Makinig ka sakin... hindi ko alam na nabulag ka. Nagising nalang ako na wala ka sa tabi ko at pinagpalit mo na ako sa iba." sabi niya. 

     Ako naman ang naguguluhan ngayon sa pinagsasabi ng lalaking to. 

    "Anong sinasabi mong iba? Hoy Kayden, kahit gustong gusto na kitang palitan hindi ako nagkaroon ng pagkakataon sa loob ng pitong taon noh!" sabi ko. 

     "Talaga lang ha? Anong tawag mo dun sa doktor na yun na pinagpalit ka din naman sa iba." sabi niya.

     "Si Doc Nath? Hindi ko naman naging boyfriend yun eh." 

    "Pero..." 

     Nag-iwas ako ng tingin dahil nakakahiyang aminin na kaya ko pinakilalang boyfriend si Doc Nath dahil nagseselos ako sa kanila ni Wency. 

     "Ikaw ang nauna, pinakilala mo si Wency na girlfriend mo kaya pinilit ko din siyang magpanggap na boyfriend ko." sabi ko habang hindi padin nakatingin sa kanya. 

     Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya tiningnan ko ang loko. 

     "Ano masaya ka na? Pwede mo na ba akong pakawalan ngayon?" 

     "Hindi pa. Hangga't hindi ka nangangako na hindi ka aalis at dito ka lang sa tabi ko." sabi niya. 

     "Hindi." 

     "Ikaw ang bahala," akmang tatayo na siya kaya wala na akong nagawa. 

     "Sandali! P-payag nako." sabi ko. 

     Hindi siya kumilos at tiningnan lang ako na parang may hinihintay pa siyang sabihin ko. Kaasar talaga! 

    "Fine! Hindi na ako aalis okay? Dito lang ako." sabi ko. 

     "That's my girl!" 

     Nagulat ako nung bigla niyang idikit ang labi niya sa labi ko. Smack lang yun kaya sandali lang. Pagkatapos nun ay tinanggal niya na yung pagkakatali niya sakin. Ginamit kong pagkakataon yun para tadyakan siya where-it-hurts-the-most. 

   "Awww!" 

   "Buti nga!" 

     Tumayo na ako kaya lang ay nahawakan niya ako sa bewang at naipabagsak sa kama habang nakayakap siya mula sa likod ko. 

     "Kayden!" saway ko sa kanya. 

     "Nangako ka na ha, dito ka lang sa tabi ko." sabi niya habang nakasubsob yung mukha sa balikat ko. 

     "May magagawa pa ba ako?" sabi ko. 

     "I miss you, mhine." 

    

---End of Chapter 33--- 


Yun lang po muna sa ngayon. Happy Valentines everyone! :) 

In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Where stories live. Discover now