Chapter 38: For formality only*

1.3K 37 0
                                    

(Kitty's POV) 

     "HUH? MAG-ASAWA NA KAYONG DALAWA?" -Warren/Sapphire/Mimi/Harvey 

     Nasa harapan namin sila Warren at Sapphire ngayon habang naka konekta sina Mimi at Harvey sa laptop since hindi na kami nakapag paalam sa kanila sa Pilipinas. Napagdesisyunan namin na gawin ang kasal sa lalong madaling panahon at mga mahal lang namin sa buhay ang iimbitahin. For formality nalang since kasal naman na kami. 

     "Paano nangyari to? Saglit palang kaming nawawala sa Pilipinas, pag alis pa nga lang namin eh iniiwasan mo pa nga itong si Kayden Kitty, what happen? I mean- it's a good thing kaya lang parang ang bilis naman ata. Tapos bigla bigla niyo nalang ibabalita na kasal na kayo! Paano? Magpaliwanag kayo!" -Sapphire

     "Hon, hindi pa tuluyang magaling ang matres mo, hinay hinay lang." saway sa kanya ng asawa niya. 

     Nandito kami sa bahay ng mag-asawa sa Los Angeles. Inuna naming puntahan sila bago yung magulang ko na nasa Washington ngayon at magulang ni Kayden na nasa San Francisco naman. 

     "So ganito nga ang nangyari," panimula ko. Kinuwento ko sa kanila ang nangyari mula chapter 15 hanggang 36, syempre sikreto nalang natin yung nangyari sa chapter 37. 

     "Grabe, hindi talaga kayo nauubusan ng sorpresa. Ano ng plano niyo ngayon?" tanong ni Warren. 

     Nagkatinginan kami ni Kayden. Napag kasunduan na namin ang tungkol dito. 

     "Magpapakasal ulit kami dito sa Amerika, napagdesisyunan namin na gawing tahimik lang at tanging mga malalapit na tao lang ang nakakaalam." sabi ni Kayden. 

     "Andaya naman, hindi pa pwedeng ibiyahe si Baby Michelle eh!" sabi ni Mimi na nasa kabilang panig ng mundo. "Kitty, hindi ka na nga nakapunta sa kasal namin, pati ba naman sa kasal mo, hindi ako magiging brides maid?" 

     "Pasensiya ka na talaga bessy, pangako pag uwi namin diyan ay magiging ninang ako ni Baby Michelle at ikaw din kay sa magiging anak ko." sabi ko habang kausap yung screen. 

     "Buntis ka Kitty?" -Harvey 

     "Oh no! Kaya ba biglaan ang kasal?" -Mimi 

     "Sinasabi ko na nga ba eh, hindi talaga dapat nagsasama ang isang babae at lalaki sa isang bubong dahil palaging may milagrong nagaganap." -Warren 

     "ANO BA KAYO! HINDI YUN GANUN OKAY?" sabi ko. Grabe mag isip itong mga kaibigan ko ano po? 

     "Wala pang nangyayari sa inyo?" 

     "Errr... hindi ganun okay? Hindi ako buntis!" sabi ko. 

     "Mhine, namumula yung mukha mo." bulong sakin ni Kayden. 

     "Ikaw kasi eh!" sabi ko sa kanya. 

     Hindi na kami nagtagal sa bahay nila Sapphire dahil may paparating na reporter para interview-hin sila pagkatapos. Isang dating celebrity parin si Sapphire at ngayon ay isa ng ina kaya iinterview-hin siya ng isang reality show tungkol sa buhay pamilya. 

     Napagdesisyunan namin na sa bahay muna namin pumunta bago kila Kayden. After all ay ang galit lang naman ng papa ko ang kinakatakot namin eh. 

    "Ready ka na?" tanong ko kay Kayden pagdating namin sa harap ng bahay namin. 

     Napalunok muna siya bago hinawakan yung kamay ko. Mukhang hindi parin nawawala sa kanya yung ala-ala ng pagiging prof ni papa sa kanya noon. 

     "Hey Ate!" 

     Nagulat kami ng biglang bumukas yung pinto at lumabas ang kapatid kong si Kyllie. May dala dala siyang tapper ware na may lamang mga karne. 

In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum