Chapter 31: Everybody's a Mess

1.2K 42 2
                                    


Kayo na ang humusga ang title nung previous chapter dahil gusto kong malaman kung anong masasabi niyo sa rason ni Kayden. Kahit na nag update na ako ngayon ay sana mag comment padin kayo dun ng inyong saloobin. Yun lang! :) 


***********


(Kayden's POV) 

     Kagaya nga ng inaasahan ko ay wala si Kitty sa bahay pag uwi ko. Ano pa nga bang aasahan ko diba? Mula nung simulan ko ang revenge plan ko ay alam ko ng ganito ang kahihinatnan naming dalawa. 

     Pumunta na ako sa kwarto ko at saka sumalampak sa mini sofa na nasa gilid. Hanggang ngayon ay mahapdi parin yung isa kong pisngi na sinampal niya kanina. 

     'Ano na ngayon Kayden? Nakapaghiganti ka na. Masaya ka na ba?' tanong ko sa sarili ko. 

     Pakiramdam ko ay ngayong tapos na yung paghihiganti ko ay wala na ulit akong dahilan para mabuhay. Gaya ng dati, bawat sulok ng bahay na ito ay madilim nanaman. 

     Hawak ko ngayon yung kwintas na nakasuot sa teddy bear na kinuha ko sa kwarto ni Kitty. 'Panu ba yan? Tayo nalang nanaman ang magkasama ngayon?' 

     Maya-maya ay narinig kong nag ring yung cellphone ko. Sharmaine Bubwit calling... 

     "Bakit?" di nako nagpaligoy ligoy pa. 

     {Ano ba yan sir! Kanina pa kita kinokontak eh!} 

     "Pasensiya na, may nangyari lang... bakit?" 

     {Tungkol dun sa pinahanap mo sakin *sniff} 

     Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Nakakapagtaka din ang kaseryosohan sa tono niya ngayon. Nakaramdam tuloy ako ng mali. Ano bang huli kong pinagawa sa kanya? Sa dami ng nangyari ay nakalimutan ko na. 

     "Ano ba yung pinahanap ko sayo?" 

     {Yung medical records ni Ate Kitty *sniff} 

     Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba. Bakit ba pag tungkol sa kanya ay palaging big deal sakin? 

    "Anong tungkol dun??" napatayo ako mula sa pagkakaupo. 

     {Naka fax na sayo yung result, Post Traumatic Stress Disorder... alam mo ba kung ano yun?}

     Shit! Nagmamadali kong tinungo ang fax machine ko para tingnan yung sinasabi nito. 

     {May isa pa pala... nakita ko sa medical history ni Ate Kitty, bakit di mo sinabing nabulag siya?


(Kitty's POV) 


     {Grabe! Bakit naman ginawa ni Kayden yun?} di makapaniwalang tanong ni Mimi sa kabilang linya. 

     Nasa hotel room parin ako ngayon at nagmumukmok. Hindi na ako umiiyak pero punong puno parin ng katanungan ang isip ko. 

     Ano bang ginawa kong masama para ganituhin niya ako? Pinaglaruan niya ako at pinagmukhang tanga! Nakaka alala na pala siya pero pinabayaan niya lang ako na mahirapan kakaisip. 

     "Hindi ko din alam...pero- bakit di niyo sakin sinabi na nakakaalala na pala siya? Alam niyo na palang lahat pero hindi niyo sinabi sakin." 

     {Hindi ka naman nagtatanong eh at saka iniiwasan namin yung issue dahil alam naming medyo sensitive. Akala di namin alam mo na, pinuntahan ka niya noon sa amerika ah. Hindi ba kayo nagkausap?} 

In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Where stories live. Discover now