Chapter 10: Never Say Die!

1.3K 45 0
                                    


I'm back!!


First of all I would like to say sorry to keep you hanging guys... I know sobrang tagal na since my last update. And I'm really really sorry...

I remember that I promised you guys that no matter what I'm gonna finish this story.

Kaya naman ito na, I'm keeping my promise. :)

_______________________________________



Chapter 10: Never Say Die!



(Kitty's POV)



"Hoy babaeng sira ulo! Tuluyan ka na bang nawala sa katinuan mo ha??" sabi sakin ni Kayden.


Nandito lang naman kami ngayon sa likod ng bahay nung matandang hukluban. Wala akong balak sumuko, not now... never.


"Alam mo imbes na magdadadakdak ka diyan! Tulungan mo nalang kaya akong maka akyat dito." sabi ko sa kanya.


Lulusubin namin yung bahay ng matandang hukluban. Kung ayaw niya kaming harapin, kami ang haharap sa kanya.


"Alam mo bang trespassing yang ginagawa mo?" tanong ni Kayden.


"Oo, alam ko." sabi ko.


"Eh ba't gagawin mo pa din?"


"Dahil ang isang Kitty Sarmento, pag nagdecide na gawin ang isang bagay, walang makakapigil sa kanya." sabi ko.


"Tsss."


Wala ng nagawa ang pobreng lalaki kundi sumunod sa plano ko.


At ngayon nga ay nakapasok na kami sa loob ng bahay ng matanda. Hindi naman kami nahirapang gumalaw sa loob ng compound dahil mukhang iisa lang ang katulong ng matanda. Ang problema lang ay masyadong malaki ang bahay na yon para hanapin yung matanda.


Naglalakad kami nun sa may parang garden ng bigla nalang akong hilahin ni Kayden.


"Ano ba?"


Sinenyasan niya ako na tumahimik. Pagsilip ko ay nandun yung matanda, habang pinagsisilbihan ng katulong niya.


Sabi na eh. Nandito lang siya all this time. Ayaw niya lang talaga kaming harapin.


"Don Julian, dumating nanaman po yung gustong bumili ng lupa kanina. Hindi niyo po ba ibibigay ang lupang yun? Mukha namang maganda yung intensiyon nila sa lupa." sabi nung katulong nito na medyo matanda narin.


"Mawala na ang lahat ng pag aari ko, wag lang ang lupang yun. Dun ako mamatay sa lupang yun, sa paboritong lugar namin ni Juliana." sabi nung matanda.

In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Where stories live. Discover now