Chapter 3: Closer

1.7K 60 3
                                    

Chapter 3: Closer


(Kitty's POV)


Buti naman at nanahimik lang siya habang nagmamaneho papunta dun sa bahay nila. Wala din naman akong balak na kausapin siya noh. Pero sa diko malamang dahilan ay hindi ko talaga mapigilan ang matabil kong dila.



"Nasa harap mo yung kalsada bakit dito ka sakin tingin ng tingin." ayan na nagsalita nako. Nakakailang kasi siya eh, kanina pa tingin ng tingin. Alam kong maganda ako, pero utang na loob. Wala akong balak taluhin ang taong minsan ng nagpasakit ng ulo ko.



"Hahahah." tumawa lang siya.



Ang ginawa ko ay tumalikod nalang ako sa kanya at tumingin sa may bintana.



"I wonder, naging masama ba ako sayo noon. You seem to hate me so much." out of nowhere eh sinabi niya.



Kung alam mo lang how it feels like... Being heart broken and literally blind at the same time.



"Sabihin mo, masama ba ako sayo noon?" ulit niya.



Hindi ko parin siya hinarap.



"Medyo..." sabi ko. SOBRA!!!



"Bakit? Ano bang ginagawa ko noon?"



"Binibilisan mo ang takbo ng sasakyan kapag magkasama tayo, to the point na natatakot nako. Ako ang pinapabili mo ng pagkain mo lagi. Nagpanggap ka pa ngang may sakit para alipinin ako. And most especially hindi ka gentleman!!" At pinaka malala sa lahat ay- kinalimutan mo ako. ARRGHH!! Ano ba yan!! Naalala ko nanaman tuloy. :3



"Hahahah." narinig ko yung tawa niya.



"It seems like nag enjoy ako noong kasama kita." sabi niya.



Hindi ko na siya hinarap. Ayoko ng pag usapan ang mga bagay na yun, na matagal ko ng binaon sa limot.



"Galit ka talaga sakin noh." naramdaman ko na hinawakan niya yung balikat ko.



SHT!!! Wag mo na kasi akong kausapin, para walang problema.



"Whatever happens in the past, sana kalimutan na natin yun. Look, I really want to be friends with you." -Kayden



Ako ayoko!! Ayokong maging kaibigan ka Kayden.



Hinarap ko siya then fake a smile.



"Sure! Ayoko naman na magkahiwalay tayo na may sama parin ako ng loob sayo eh." sabi ko.



"Magkahiwalay?"



"Oo! Babalik na kasi ako ng states in 3 days, and I don't think I'm coming back." sabi ko.



Ako lang ba o parang nadisappoint siya?? Iniwas ko nalang yung mukha ko sa kanya at tumingin ulit sa may bintana. Pagkatapos noon ay di na naman siya nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay nila.



"Dad, nandito na po siya." -Kayden.



Nakaupo si Tito Fernan noon sa sala.



"Maupo ka Kitty. Pasensiya ka na kung inistorbo ka pa nitong anak ko ha. Pupunta kasi ako ng amerika bukas kaya kailangan na kitang makausap ngayon regarding this matter."



Naupo ako dun sa mahabang sofa katapat ni Tito Fernan.



"You too Kayden. Whatever I'm going to say to her concerns you too." sabi ni Tito Fernan.



Kinabahan tuloy ako bigla. At sa dami naman ng uupuan ng isang to eh dito pa talaga sa tabi ko. Hello!! Andami kayang upuan sa sala nila. =____=



"Kitty, nabanggit sakin ng papa mo yung tungkol sa project na gusto mong gawin dito and I'm very much interested in investing to your project." sabi ni Tito Fernan.



"Talaga po tito?? Naku salamat po!"



Sa totoo lang ay wala pa talaga akong nakukuhang mga investors. Pagbalik ko ng amerika ay yun sana ang balak kong asikasuhin. Kaya naman malaking tulong kong mag iinvest si Tito Fernan.



"Oo naman hija. In fact ay willing akong i shed ang lahat ng expenses. And si Kayden ang gusto kong maging representative ko at maging engineer ng itatayong school." -Tito Fernan



"Po?"



"Gusto ko na magtulungan kayong dalawa para sa itatayong school. I really want your project to happen."



Maganda naman sana yung intention ni Tito, kaya lang bakit naman si Kayden pa? Ano Kitty tatanggapin mo ba? Eversince ay pangarap ko na tong school na to.



"Don't worry pa, I will do everything I can para makatulong. Especially dahil babalik na din si Kitty sa states in three days now." -Kayden



"Talaga?? Akala ko mag iistay ka na dito for good?"



"Naku hindi po tito! Umuwi lang po talaga ako dito para sa kasal nila Ate Denise saka para masimulan narin po yung tungkol sa project." sabi ko.


"Ganun ba? Sayang naman... pero sige hahayaan ko nalang kayo ng anak ko na mag usap tungkol sa project." pagkatapos ay nagpaalam na siya samin.


Pagkatapos noon ay sumakay na kami ulit sa kotse ni Kayden. Dapat ay ihahatid niya ako ulit dun sa pinag park-an ko ng kotse ko kanina. Kaya lang ay nakatulog ako sa biyahe at ng nagising ako ay nasa tapat na kami ng bahay nila Warren.


"Ahhh Kayden? Akala ko ba ihahatid moko dun sa kotse ko?" tanong ko.


"Pasensiya na, naisip ko kasi na tutal pareho naman tayo ng pupuntahan eh mas makakatipid ng oras kung dito nalang kita ihahatid. Isa pa eh mukhang pagod ka na para magmaneho pa." sabi ni Kayden.


"Ahhh okay? I guess bukas ko nalang babalikan yung kotse ko." pagkatapos ay tinanggal ko na kaagad yung seatbelt ko para makababa na kaagad sa kotse niya. Pero sa kamalas-malasan eh bakit ang hirap naman atang tanggalin nung seatbelt sa kotse ni Kayden??


Tinray ko siyang tanggalin ulit!! Pero mana ata sa may-ari, ang hirap tanggalin sa buhay ko.


"Ako na!"


Nagulat pako nung mag lean si Kayden para abutin yung seatbelt ko. Imaginin niyo po yun, ang lapit ng mukha niya sakin na para bang konti nalang eh magkikiss na kami.


Dug.dug.dug.dug


Buti nalang ay naalis niya kaagad tapos ngumiti sakin. Ngayon ko lang ulit nakita ng malapitan yung gwapo niyang pagmumukha na mas gumwapo pa ata mula nung huli kaming nagkita 8 years ago.


"Sige. Bababa nako." iniwas ko kaagad yung tingin ko sa kanya. Tutal naman ay di magtatagal ay hindi ko na makikita yang mukha na yan kahit na kailan.


Pagbaba ko ay dumiretso na kaagad ako sa bahay nila Warren. Habang naglalakad papunta sa kwarto ay nagulat nalang ako ng may tumulong butil ng luha sa kamay ko.


Ano ba Kitty? Wag mo nga siyang iyakan. Panigurado namang ni butil ng luha eh wala yang sinayang para sayo. :(


Kinabukasan,


Maaga akong umalis ng bahay para balikan yung kotseng naiwan ko dun sa building nung agent ko, pupunta nadin ako para sa update sa lupa para naman matapos na yun bago ako umalis.


Magtataxi nalang sana ako papunta dun. Kaya lang, paglabas ko ng bahay...


"Kayden...?" nakita ko siyang nakaabang habang nakasandal sa kotse niya.


"Alam kong wala kang sasakyan kaya ihahatid nalang kita." sabi niya. Wala bang trabaho tong isang to. >////<


"Naku hindi na! Magtataxi nalang ako." sabi ko.


"Alam mo kasi mahirap mag abang ng taxi sa lugar na to eh." sabi nito.


Pero hindi ko siya pinansin at nilagpasan lang siya para mag abang ng taxi sa kalsada. Maya maya ay may natanaw akong taxi na paparating. Mahirap pala ah!! *wink

Pinara ko yung taxi. Pero nung palapit na... ay may laman pala. Pero di ako susuko, mas gugustuhin ko pang maghintay dito ng 100 years kesa makasama nanaman si Kayden sa isang kotse ng 1 oras.


"Talagang matigas ang ulo mo ah." sabi ni Kayden pero in a teasing way.


Hindi ko siya pinansin at nag abang padin ng taxi. Kaya naman nagulat ako ng bigla ba naman akong hilahin.


"Hey!!!"


Pero parang wala lang itong narinig tapos pinasok ako sa kotse niya.



"Wag ka ng magreklamo okay? Sa ayaw mo at sa gusto sasama ka sakin, kailangan pa nating pag usapan yung detalye ng ipapatayo mong school. Lagot ako kay daddy pag hindi ko nagawa ng maayos yung pinapagawa niya." sabi niya bago isara yung pinto.



So ayun lang yun?



After ilang minuto ay nasa star bucks na kami sa may Marikina. Sa dinami dami naman ng lugar ay sa starbucks pa diba? The memories >.<


Memories na ako lang naman ang nakakaalala!! Aiisssh!



"Oh, anong kailangan nating pag usapan?" sabi ko in a rude way. Alam kong wala siyang naaalala sa nakaraan, pero wala akong balak na itago sa kanya ang pagkainis ko sa kanya.



"Will you stop that!" nagulat ako. Ngayon lang kasi niya ako pinagalitan in a serious way. It made me think of the old Kayden.


"Stop acting like that na para bang ako pa ang may utang na loob sayo. Remember, nandito ako para tulungan ka, so will you please stop acting like a child." sabi nito.



Ako??? Child???



"Hey-"


Hindi pa ako tapos eh may inilapag na siyang folder sa harap ko.



"Ano to?" kinuha ko yung folder at binuksan.



Tapos may mga pictures at files doon.



"Sa Bulacan ang lupang yan, napapaligiran yan ng limang puro mahihirap na baranggay. Dalawa't kalahating lakaran ang pinaka malapit na school. Walang dumadaang jeep o kahit anong means of transportation ang mga tao diyan kaya napipilitan nalang silang maglakad para lang makapa aral." sabi ni Kayden.


Biglang nagbago yung mood ko nung nakita ko yung mga pictures. Panung nakakayanan ng mga batang to ang ganung kalayong lakaran para lang makapag aral? They don't deserve that. :(



Ang edukasyon ay dapat na nagpapadali sa pamumuhay ng isang tao, at hindi nagpapahirap dito.



"Kung gusto mong bisitahin yang site, pwede kitang samahan bukas." sabi ni Kayden.



"Hindi na!" sabi ko.



"Kitty, hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw mo sakin. Pero kung ano man yung nagawa ko sayo noon nakaraan na yun."


"Ang sabi ko hindi na!! Dahil gusto kong dalhin mo ako dito ngayon din!" sabi ko. Since may nahanap na siyang site eh wala na akong gagawin ngayong araw. Isa pa ay 3 days nalang eh aalis nako kaya gusto kong maayos ang lahat as long as possible.


Napangiti naman siya. Kung bakit? Malay ko. Siguro nga tama siya, kung ano man yung nakaraan ay siguro dapat isantabi ko nalang muna ngayon. Pero don't get me wrong... galit padin ako sa kanya.


---end of Chapter 3---

In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Where stories live. Discover now