Chapter 18: Sino si Juliana?

1.3K 49 1
                                    



(Kitty's POV)



"Hmmmm.... ano ba?"


"Gising na! May lakad pa tayo ngayon diba?"-Kayden


BWISIT!! Tatlong oras palang akong nakakatulog! TT^TT


Asar na bumangon ako at tiningnan siya ng masama.


"Hoy ikaw! Sinong nagsabi sayo ng pwede kang pumasok dito sa kwarto ko?"


"Para sabihin ko sayo, kanina pa ako kumakatok at walang sumasagot. Ano bang malay ko kung isa ka ng malamig na bangkay diyan."-Kayden


"Tsss."


Inis na bumangon nalang ako at dumiretso sa cr para maligo.


"Pagkatapos mo diyan bumaba ka na ha. Nakaluto nako ng breakfast." pahabol niya pa.


Oh edi, ikaw na! Ikaw na ang marunong magluto!


Pagbaba ko sa dining area ay naabutan ko si Kayden na nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo. Wow ha, tatay lang ang peg.


Tahimik na umupo ako sa harap niya at kumuha ng pagkain. Nung una ay wala pa kaming imikan at payapa pa ang lahat, pero ng magsimula na niyang ibuka yung nakakaasar niyang bibig,


"Ano, masarap ba?" tinupi niya yung diyaryo na hawak nya kanina at inilapag sa gilid.


"Hmmm.." tumango lang ako.


"Ang swerte mo ha, ako na ang gumawa ng trabaho mo. Dapat sa susunod ay ikaw naman ang magluto." sabi niya.


"Excuse me? Trabaho ko??"


"Oo, trabaho ng babae na ipagluto ang asawa nila."


"Teka sandali ah, pumayag ako na magpanggap na asawa mo pero hindi ibig sabihin nun na magbabahay bahayan na tayo." sabi ko.


"Pero kahit papaano ay ikaw pa din ang babae at ako ang may-ari ng bahay kaya tama lang na paminsan minsan ay ikaw naman ang magluto. Panu kung biglang dumating si lola tapos magtaka siya dahil hindi mo pinagluluto ang asawa mo?"


"Hindi ako marunong magluto."


"Anong sabi mo?"


Tiningnan ko siya ng masama. Pagkatapos ay tumawa siya ng malakas. Bwisit na to! Narinig naman niya eh.


"Anong masama kung hindi ako marunong magluto? Marami namang career driven woman na kagaya ko diyan eh." sabi ko.

In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Where stories live. Discover now