Chapter 15: Alone

1.2K 43 1
                                    





(Kitty's POV)



Haaayyy...


Ang hirap naman ng mag isa eh noh? It's been a week since umalis sila Warren at hanggang ngayon ay hindi parin nawawala sa bingit ng panganib ang buhay ni Sapphire.


Idagdag mo pa bukod sa pag aalala yung kalungkutan na nararamdaman ko ngayong nag iisa ako sa maliit na bahay na to ngayon.


Well... kasalanan ko din naman dahil pinag bakasyon ko muna yung dalawang katulong nila Warren. Wala naman kasi silang gaanong gagawin dito since ako nalang ang naiwan at isa pa ay palagi naman akong lumalabas kasama si Kayden.


Hindi kami nag dedate ha!! Asa!!


Hanggang ngayon ay nasa kulitan stage parin kami with Don Julian. Nakaka frustrate na nga eh.


Dahil dun ay mas napapatagal pa yung pagtatayo ng dream school ko. Pwede namang bumili nalang kami ng iba, kaya lang ay nararamdaman ko na para sa dream school ko talaga ang lupaing yun. :3


Haaayyyy...


Ano kayang gagawin ko sa matandang yun???


Akitin ko nalang kaya?? Tutal naman ay matagal na siyang iniwan ng asawa nya.


{Yuck Kitty!! Kadiri ka!!}


Joke lang miss author! Takot ko lang sa tatay ko noh!! Alam niyo naman kung ganu ka istrikto si Prof. Damian.


Habang ako ay nagmumuni-muni dito sa kwarto ko sa kalaliman ng gabi. Bigla naman akong nakarinig ng kaluskos mula sa baba. Sa may dining area which is hindi pwedeng mangyari dahil ako lang ang tao dito ngayon.


Dalawa lang yan... either may multo or may magnanakaw.


Since matanda na ako para maniwala sa multo ay dun nalang ako sa pangalawa.


Kinuha ko yung baseball bath na pinakatatago ni Warren sa kwarto nila at bumaba papuntang kusina.


Sana pusa lang talaga yun dahil hindi ko alam ang gagawin ko pag naka face-to-face ko yung magnanakaw. I'm scared you know!


Pagdating ko sa may kusina ay nakabukas yung maliit na ilaw mula sa ref at nakita ko yung isang lalaking malaki ang katawan na may kinukuha mula sa loob.


Shit!! Hindi to false alarm!! Magnanakaw nga!!!


Sa sobrang takot ko ay nabitawan ko yung baseball na hawak ko na naglikha ng ingay.


"Sino yan??"

In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Where stories live. Discover now