Chapter 12: Araw ng mga Puso (Part 2)

1.2K 47 4
                                    



(Kitty's POV)


"Array!" reklamo ni Kayden.


Natapakan ko nanaman kasi yung paa niya. Siye eh... kanina pa titig ng titig. Nagsasayaw parin kami ngayon.


"Marunong ka ba talagang magsayaw ha?"


Natapakan ko ulit yung paa niya. This time ay sinasadya ko na yun. Kaya tiningnan niya ako ng masama.


"Hahahaha..."


Hindi sinasadyang masiko ko yung lalaki na may kasayaw sa likod ko.


"Ooppss, sorry..." sabi ko.


"Hindi kasi tumitingin eh. Nakaka perwisyo ka miss alam mo ba yun?"


Opppsss... nagmemenopause ata si Kuya. Kayden lang?


"Nagsorry na nga sayo eh diba? Ano pang gusto mo??" -Kayden


"Ano pang magagawa ng sorry niyang girlfriend mo eh natamaan na nga ako?"


"Hindi niya ako-"


"Nakakabastos ka na eh!"


Opppssss... parang hindi maganda ang patutunguhan ng usapan na to ah...


"Kayden, pabayaan mo nalang." bulong ko.


"Hindi! Bastos tong gago na to eh!!"


"Ako pa ngayon ang gago?" kinuwelyuhan niya si Kayden.


Kinuwelyuhan din siya ni Kayden.


"Kerbyn, ano ba? Tama na yan!" sabi nung babaeng kasama nito.


Mukhang napansin na nila Wency at Doc Nath yung nangyayari kaya lumapit na sila.


"Kayden ano ba??" sinubukan ko siyang hilahin palayo.


"Hindi! Binastos ka nitong lokong to eh!"


Hindi parin talaga siya nagbabago. Mainitin parin ang ulo plus the fact na nakainom siya.


At gaya nga ng prediction ko, kahit hindi naman ako manghuhula, nauwi nga sa suntukan yung dalawa.


Yung nagmemeno pause na lalaki ang nanguna, gumanti lang si Kayden. (Hindi sa pinagtatanggol ko siya ha.)


"Tama na!"


Tinulungan ako ni Doc Nath na hilahin si Kayden palayo dun sa lalaki habang si Wency ay namagitan. Natigil na din ang tugtugan at lahat ay nakatingin samin.

In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Where stories live. Discover now