Chapter 22: The gift of Life

1.2K 43 8
                                    


(Kitty's POV)

     Nandito ako ngayon sa chapel para ipag pray na sana maging ligtas yung dalawang kaibigan ko at pati na rin ang mga future inaanak ko.  Lalong lalo na si Sapphire dahil maselan ang pagbubuntis niya. 

     Isa pa ay iniiwasan ko din ang manyak na si Kayden.  Masyado siyang pa fall lately eh,  akala niya hindi ko napapansin. 

     Buti sana kung wala siyang girlfriend. Speaking of the devil, 

     "Ano nanamang ginagawa mi dito? " pagtataray ko. 

     "Relax ka lang.  Nasa simbahan tayo oh. " sabi niya. 

     Inismiran ko lang siya. Wala akong balak na makipag biruan sa kanya. 

     "Ibabalita ko lang sayo na nakapanganak na si Mimi,  lalaki. "

     Napangiti ako at patakbong lumabas ng chapel. Kaya lang ay hindi ko napansin yung uwang sa harap ko kaya natalisod ako at muntik ng ma out balance. Buti nalang at nasa likod ko lang si Kayden at agad akong nasalo. 

     Kaya lang swerte ba talaga? Dahil ngayon ay nagkalapit pa yung mukha naming dalawa habang nakakulong ako sa mga bisig niya. SHIT! At ang Kayden inismiran lang ako na wala pa atang balak na itayo ako.

     "Anong nginingisi ngisi mo diyan?" nag iwas ako ng tingin. 

     Bumulong siya sakin, 

     "Kung hindi kita nasalo ay malamang nabagok na yung ulo mo. Does that mean that you're already mine?"  

     Medyo mapang akit yung tono niya nung sinabi niya yung panghuling sentence niya kaya naman pakiramdam ko ay nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan magmula sa mga daliri ko sa paa hanggang sa batok. At hindi lang yun dahil hinalikan niya ako sa labi! Hindi ako naka ilag sa sobrang pagkabigla. 

     Hindi ako makareact at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ako. Habang nag eecho sa ulo ko yung sentence na, kapag niligtas ka daw ng tatlong beses ng isang tao ay sa kanya ka. Yun kaya ang ibig sabihin ng taong to? 

     Medyo matagal bago ko nabawi ang composure ako at naitulak siya palayo. Pagkatapos noon ay pinatikman ko sa kanya ang isang malutong na sampal. Nabastos ako, hindi porke't nakatira kami sa iisang bahay at nagpapanggap akong asawa niya ay pwede niya na akong halikan kung kailan niya gusto. 

     Hindi ito ang unang beses na hinalikan niya ako mula ng bumalik ako dito sa Pilipinas pero pinalampas ko noon dahil may valid reason naman, pero ito.... MAY GIRLFRIEND SIYA! UTANG NA LOOB! 


(Harvey's POV) 


     Nandito ako ngayon sa private room ng asawa ko. Kasalukuyan siyang natutulog habang hinahaplos haplos ko ang buhok niya. 

     Malamang ay napagod siya sa panganganak. Masayang pinagmamasdan ko lang ang ina ng anak ko. Siya ang babaeng pinakamamahal ko, at mas minahal ko pa siya ngayon dahil binigyan niya ako ng regalo na kahit kailan ay hinding hindi ko ipagpapalit sa kahit anong kayamanan sa mundo. 

     Sa tabi ng kama niya ay nandun yung crib kung saan nakalagay ang anak namin. Pumayag yung nurse na dito muna siya para siya ang unang makita ng asawa ko sa pag gising niya. 

     Narinig ko ang pagbukas ng pinto at nakitang pumasok si Kitty kasunod si Kayden. Nagtaka pa ako dahil parang may awkward silence sa pagitan nilang dalawa. Nag away nanaman kaya tong dalawang to? 

     Nabaling naman kaagad kay Mimi ang pansin ko ng maramdaman ko ang pag galaw niya. Napaka ganda talaga ng asawa ko, kaya naman di ko mapigilang halikan siya. 

In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Where stories live. Discover now