Chapter 24: Their Messed Up Love Affair

1.2K 36 3
                                    


A/N: Pagpasensiyahan niyo na po ang magulo kong utak at masyado ng naging magulo ang love story ng dalawang nilalang sa storya na to.

Ganun na din po ang mabagal na mga updates. Pero nangako ako kaya naman tatapusin ko na talaga to. Lalo pa't gusto ko ng magfocus sa bago kong storya na balak kong gawing series.

(Kitty's POV)

"Ano ba Kitty, bilisan mo na nga!" sigaw ni Kayden mula sa may hagdan sa baba.

Nandito ako ngayon sa kwarto at nag aayos ng gamit. Panu ba naman yung HarMi, bigla bigla nalang mag aannounce na sa Isla dela Rocca papabinyagan si Baby Michael. Isasabay sana nila sa anak nila Sapphire yun kaya lang ay hindi pa makaalis dun sa states sina Sapphire hangga't hindi pa isang taon ang bata.

Isa pa ay gusto na din nila tito at tita na pabinyagan doon ang apo nila.

Pagbaba ko ay nag iintay na sa tapat ng kotse niya si Kayden. Sinalubong niya ako at siya ng nagbitbit nung malaki kong bag sa trunk ng kotse niya.

Kasama namin si Wency kaya understood na sa harap yun uupo. Bubuksan ko na sana yung pintuan sa likod ng bigla namang magreklamo si Kayden.

"Ano yan? Pagmumukhain mo akong driver mo?"

"Susunduin pa natin si Wency diba? Malamang ay sa harap yun uupo." sabi ko.

"Edi lumipat ka nalang mamaya." sabi niya.

Tapos na niyang ilagay yung gamit ko sa trunk ng kotse niya kaya wala na akong nagawa nung ipagtulakan niya ako na umupo sa harap sa tabi niya.

Pagkatapos ay pumasok na din siya at pinaandar yung sasakyan papunta sa coffee shop ni Wency.
Malayo palang ay naaninag ko si Wency na nagaantay sa amin sa tapat ng shop niya. Napansin ki na isang malaking back pack lang ang dala niya.

Binuksan ko kaagad yung pinto ko at bumaba nung mapansin ko na bubuksan na niya yung pinto sa likuran. Nakakahiya naman sa totoong girlfriend diba?

"Wency, dito ka na." sabi ko.

"Naku hindi na, kailangang katabi ko kasi tong malaking back pack ko kaya diyan ka nalang sa harap." sabi niya.

Pumasok nalang ako. Pero mali talaga eh. Siya yung girlfriend eh.

"Sigurado kang darating ng maaga yung boyfriend mo? Baka naman magpaantay pa yun ah." sabi ni Kayden na medyo iretable.

Ang totoo niyan ay kanina pa talaga iretable ang isang to. Hindi ko alam kung bakit. Daig pa ako pag may dalaw eh.

"Wag kang mag alala, responsable ata si Doc Nath ko noh. Pag binigyan mo ng oras yun ay paniguradong dadating pa yun ng mas maaga." pagyayabang ko pa.

"Talaga lang ha."

Oo, sasama din si Doc Nath. Papayag ba naman ako na siya kasama niya girlfriend niya habang ako ay mag isa?

Gaya ng inaasahan ay tama nga ako. Nandun na si Doc Nath pagdating namin sa airport.

Ang Kayden nauna ng kinuha sa trunk ng kotse yung malaki niyang bag at yung back pack ni Wency. Natural, girlfriend niya naman yun kaya uunahin niya talaga yun. :3

Mukhang ako na nga talaga magbubuhat nitong bag ko.

"Ako na diyan."

Buti nalang at may gentleman akong kasama dito. :)

Naunang naglalakad sina Kayden at Wency habang nakasunod lang kami ni Doc Nath.

Napansin ko na ang tahimik ata ni Doc Nath ngayon ah. Nung tiningnan ko siya ay seryoso yung mukha niya na nakatingin kay Kayden.

Oo nga pala. Bilang personal doctor ko ay kinukwento ko sa kanya ang lahat maging yung mga flirting tactics na ginagawa ni Kayden sakin. Pero di ko akalain na magiging apektado ng ganito ang kalmadong si Doc Nath.

Hanggang pagkasakay namin ng chopper ay may awkward tension parin na namamagitan saming apat.

Umakbay si Kayden kay Wency habang nakatungo naman si Wency.

Inaamin ko na nasaktan ako, hindi pa din ako nakaka move on sa kanya okay? Hindi ako magsisinungaling sa inyong mga readers ko. Atleast, sa inyo honest ako.

Naramdaman ko na hinawakan ni Doc Nath yung kamay ko. Sinubsob ko yung mukha ko sa dibdib niya para di makita nung dalawa yung luha na kanina pa nagbabadya sa mga mata ko.

Nagkunwari ako na natutulog hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na talaga ako.

"Kitty... Kitty."

"Hmmm?"

Nagising ako nung yugyugin ako ni Doc Nath. Napansin ko na nakatigil na yung chopper at wala na din yung dalawa sa harap namin.

Agad akong bumangon habang inalalayan niya naman akong bumaba.

Nagsimula ng maglakad sila Kayden. Napansin ko na pareho niyang dala yung mga gamit niya at bag ko habang nasa likod niya yung malaking back pack ni Wency. Oh edi siya na.

Nagulat naman ako sa sunod na ginawa ni Doc Nath. Nilapitan niya si Kayden at pilit na inagaw yung bag ko dito.

"Akin na pare, andami mo ng dala oh." sabi ni Doc Nath.

"Hindi. Ako na, kaya ko naman eh." pilit ni Kayden.

Napansin ko yung kakaibang tension sa pagitan nilang dalawa. Ano ba naman to? Bag lang eh.

"Ako na nga sabi diba? Para ka namang nakakalalaki niyan eh!! Ako yung boyfriend diba?"

Ano ba to? Ba't umaakto ng ganyan si Doc Nath? Di naman siya ganyan ah?

"Eh gago ka pala eh!! Anong di mo maintindihan sa ako nalang at kaya ko na?!!!" si Kayden.

Tanggap ko na ang pagiging mainitin ang ulo niya, ganun na siya dati pa. Kahit mawala ang ala ala niya ay ganyan na ata talaga siya. Pero si Doc Nath?

Ang sumunod na nangyari ay nagsusuntukan na silang dalawa. Hindi ko na nasundan kung sino ang nagsimula.

"Ano ba tama na!" agad akong tumakbo palapit sa kanila ng mapansin kong nahihirapan si Wency na mamagitan dun sa dalawa.

Napansin ko na napaupo si Wency at mukhang napagod kaya ako nalang ang namagitan sa dalawa na nagkakapisikalan parin ngayon.

"ANO BA!!? PARA KAYONG MGA BATA!!!"

Pinilit ko silang paghiwalayin pero makulit ang mga lolo mo eh! Mga lalaki talaga oh! Nang dahil sa bag. Bow.

Kung hindi pa tumulong yung piloto nung chopper ay baka hindi pa napaghiwalay yung dalawa.

Aiiisssshhh!!!!

Hinablot ko nalang yung bag ko kay Kayden at naglakad na. Para bag lang pag aawayan pa, o edi ako nalang magdadala.

Naramdaman ko na sumunod sakin si Doc Nath at hinablot yung bitbit ko.

Nung napalingon ako kay Kayden ay tinutulungan niyang tumayo si Wency sa may damuhan.

Sandaling nagtama yung mga mata namin pero ako ang agad na umiwas.

Ano ba naman to?

Going back to the Philippines is a bad idea after all...

---End of Chapter 24---

In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα