Chapter 16: His wife..?

1.3K 44 3
                                    



(Kitty's POV)



"Good morning.."


Napanganga ako pagbaba ko nung umagang yun at naabutan si Kayden na nagluluto sa kusina.


Si Kayden nagluluto?


"Marunong kang magluto?" tanong ko.


"Since mag isa lang ako eh dapat lang na marunong akong magluto, kundi ay panu ako mabubuhay."


"Kunsabagay,"


Tama nga naman siya.


*Ding *Dong


"Kitty, patingnan naman kung sino yun. Tatapusin ko lang tong niluluto ko." sabi ni Kayden.


"Okay."


Lumabas ako para tingnan kung sino ang bisita ni Kayden.


"Hello po. Sinong kailangan nila?" tanong ko dun sa matandang babae na nasa labas ng bahay ni Kayden.


"Hindi moko kilala? Hindi man lang ba ako binabanggit sayo ng asawa mo? Yung batang yun talaga!" sabi nito tapos nagtuloy tuloy sa loob ng bahay.


Asawa daw?


Nagtatakang sinundan ko nalang yung matandang babae. Pinuntahan nito si Kayden sa loob ng kusina.


"KAYDEN!"



"LOLA??" nanlaki ang mata ni Kayden ng makita yung matanda.


Lola?


"Ano pong ginagawa niyo dito?" may halong kaba yung boses ni Kayden.


"Ano pa nga ba? Edi binibisita kayo ng asawa mo. Halos isang linggo na ako dito sa Pilipinas di niyo man lang ako binibisita!"


"Asawa?" nagkatinginan kami ni Kayden.


Ako ba ang tinutukoy niyang asawa ni Kayden?


"Ay naku hindi-"


Bigla namang tinakpan ni Kayden yung bibig ko.


"Ano ba yan, hon... may dumi yung bibig mo." -Kayden


O.O?


"Hoy Kayden! Ba't ganyan mo punasan ang bibig ng asawa mo?? Parang nilalamutak mo na eh!" sabi ng lola niya.

In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Where stories live. Discover now