Chapter 34: My Stupid

1.3K 45 6
                                    

Dear readers, 

     Bago ko simulan ang chapter na ito, I would like to say a public apology for everyone. Dahil sobra kong bagal bago mag update at ilang beses ding nagkaroon ng mahabang hiatus ang story na to and yet meron paring nagbabasa. Maraming salamat sa inyong lahat at lalo na sa mga nag paprivate message pa sakin para lang i update ko na ang story na to. Kayo yung nag eencourage sa akin na ipagpatuloy ang pagsusulat kahit na ewan ko ba kung anong nagustuhan niyo sa story na ito. Pero nangako ako na tatapusin ko ito no matter what. Maraming salamat! 

R, 

(Kitty's POV) 

      "Admit it, you really are STUPID. Nag assume ka kaagad, andami tuloy nasayang na taon sating dalawa." sabi ko pero mahina lang. 

     Nakahiga kami ngayong dalawa sa couch habang siya ay nakayakap mula sa likod ko. Magdamag kaming ganito at hindi kami natulog. Nag kwentuhan lang kami at napag usapan namin ang mga nangyari sa nakalipas na pitong taon. 

     "Oo na, stupid na kung stupid. Mahal mo naman." malambing na sabi niya sabay halik sa ulo ko. "Basta, wala ng bawian ah. Ikaw na ulit ang mhine ko." 

      "Oo ba, pero hindi na mhine ang itatawag ko sayo. May naisip akong mas bagay sayo." 

      "Ano?" tanong niya. 

     Humarap ako sa kanya habang nakayakap parin siya sakin. Tiningnan kong mabuti yung mukha niya dahil gusto kong makita yung magiging reaksiyon niya sa sasabihin ko. 

     "My STUPID." 

     At gaya nga ng inaasahan ay sinamaan niya ako ng tingin. Kaya naman tumatawang tumalikod na ulit ako sa kanya. Naramdaman ko naman na mas humigpit yung pagkakayakap niya sakin at pinatong niya yung ulo sa balikat ko. 

      "Mhine naman, ano nalang iisipin ng mga magiging anak natin kung narinig nilang tinatawag mo akong ganun? Baka isipin nila maganda ang ubig sabihin nun." 

     "Aba't anak kaagad? Bakit? Sigurado ka na ba na tayo ang magkakatuluyan?" pabiro kong tanong. 

     "Hoy Kitty Sarmento, pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan natin wag mong sabihin na hindi ka parin sigurado?" 

     "Bakit ikaw ba sigurado na?" 

     Tumayo siya at umupo sa harap ko. Pagkatapos nun ay nilapit niya yung mukha niya sakin para makita ko ng malapitan yung seryosong mukha niya. 

     "Matagal na akong sigurado, nung debut mo palang sigurado nako at malaking patunay nun ay ang bahay na to." sabi niya. 

    "Huh?" 

     "Halika!" 

     Pinatayo niya ako at dinala sa may study room. Ngayon lang ako nakapasok dito, pero madalas ko siyang makita noon na pumapasok dito. 

     Tumigil kami sa harap ng isang frame na nakasabit sa ding ding. Mukhang ito yung desenyo nitong bahay. 

     "Ako mismo ang nagdesenyo nitong bahay na to." sabi niya na nakaakbay sakin. "Tumingin ka sa baba." 

     Tinuro niya yung ibabang parte ng drawing. Doon ay may nakasulat na, for mhine. Alam kong matanda na ako para kiligin pero di ko maiwasan. Sa buong buhay ko ay isang lalaki lang talaga ang nakakagawa nito sakin. 

     "Ito dapat yung regalo ko sayo nung debut mo kaya lang ay hindi ko siya natapos sa oras at muntik pa akong malate nun sa party mo." sabi niya. "Noon palang sigurado na ako na ikaw lang ang gusto kong ibahay- este maybahay." 

     Sumandal ako sa kanya at niyakap niya naman ako mula sa likod habang sabay naming pinagmamasdan yung drawing. 

     "Alam mo mhine, kung tutuusin eh hindi naman talaga tayo nag break, kaya siguro kahit na galit ako sayo noon ay pinagpatuloy ko parin ang pagpapagawa ng bahay na to." sabi niya. 

     Naisip ko na may kasalanan din naman ako sa mga nangyari kahit papaano. Nawala yung ala ala niya at hindi niya naman kasalanan na nangyari yun, isa pa ay nangyari sa kanya yun dahil sa pagprotekta niya sakin. Pero pagkatapos gumaling ng paningin ko ay imbes na balikan siya ay kinalimutan ko nalang siya gaya ng pagkalimot nya sakin at nagsimula ng panibagong buhay sa amerika. 

      Dahil sa guilt na naramdaman ko ay humarap ako sa kanya at hinalikan siya sa labi. Nung una ay nabigla siya at hindi kaagad tumugon sa mga halik ko. Pero kalaaunan ay naramdaman ko yung pagtulak niya sakin sa pader at ang paglalim ng mga halik niya. 

     Hindi ko alam kung handa na ba akong ibigay sa kanya ang sarili ko pero di ko maiwasang maisip ang posibilidad na yun ng maramdaman kong mas nagiging mapusok na ang paghalik niya sakin na para bang isang gutom na bata. Kung nagkataon ay wala akong balak na tumanggi sakali mang hingin niya sakin ang bagay na yun. 

      Pero nakahinga ako ng maluwag nung humiwalay siya sakin at hinalikan ako sa noo. 

      "Alam kong inaantok ka na kaya matulog na tayo. Alam kong hindi ka nakakatulog ng maayos sa nakaraang pitong taon pero pangako ko sayo, mula ngayon ay sisiguraduhin kong makakatulog ka na ng mahimbing." 

      "Paano mo nalaman?" 

      "Pinatingnan ko kay Sharmaine yung medical records mo." 

      "Sharmaine?" 

      Bakit parang pamilyar yung pangalan na yun? Saan ko ba yun narinig? hmmm? 

     "Ipapakilala ko siya sayo some other time, though kilala mo naman na siya. Sa ngayon ay matulog na muna tayo, inaantok nako eh." hinila na niya ako paakyat sa kwarto ko. 

     "Sigurado kang matutulog lang tayo?" tanong ko. 

     Pagkatapos ay tiningnan niya ako ng nakakaloko. 

     "Bakit? May iba ka pa bang gustong mangyari?" 

    "Wala noh! Naniniguro lang." sabi ko sabay higa sa kama patalikod sa kanya. 

     Namumula yung mukha ko kaya hindi ako makaharap sa kanya. Naramdaman ko na pinatay niya yung ilaw at saka humiga habang nakayakap sa likod ko. 

     At doon nagtatapos ang pitong taon kong struggle sa pagtulog. Isang Kayden lang pala ang sagot... 


---End of Chapter 34--- 



In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Where stories live. Discover now