Chapter 8: Cry?

1.6K 54 6
                                    

Idinededicate ko ang chapter nato sa kanya biglang pasasalamat sa pag gawa niya ng current book cover ngayon ng Book 1 ng IRWS... Thank you ate :)

**************************************************************************

Chapter 8: Cry?

(Kitty's POV)

"AYAN NA NGA BA ANG SINASABI KO EH!! ISASAMA SAMA MO PAKO SAYO TAPOS YUN NAMAN PALA EH KOTSE MO NAMAN ANG MAY SIRA!!" sigaw ko.



Ang pasaway na lalaking to. Ngayon pa tumirik ang kotse, sa gitna ng kawalan at dilim. >...< Naman eh!!

"Aba malay ko ba? Ilang oras na din akong nag dadrive kakahanap sayo kanina noh. Baka nag over heat natong kotse ko. Buong araw akong nagmaneho kanina tapos pag uwi ko eh kailangan pa kitang hanapin." -Kayden



"Ayyy sorry ha! *sarcastic* HINDI ko po sinasadyang makaabala sa inyo." sabi ko sabay irap.

"Bwisit!!" pagkatapos ay bumaba ako sa kotse niya.

BWISIT!!

bWISIT!!



BWISIT TALAGA!!!



BAKIT DITO PA???


NANADYA BA TALAGA ANG PAGKAKATAON?? BAKIT NAMAN DITO PA???

"Oh, bakit natulala ka diyan?" hindi ko namalayan na lumabas na din pala ng kotse si Kayden.

Oo nga't madilim na pero hindi ako maaaring magkamali. Ang lugar na to.. >.< Kaya naman pala parang nakakarinig ako kanina ng huni ng agos ng dagat eh.

Hindi ako maaaring magkamali. Itong lugar na to, Dito kami unang nag celebrate ng monthsary ni Kayden noon pagkatapos mabuo nung 2 months deal namin. Which is sigurado akong di na niya naaalala ngayon.

(Sa mga hindi na po nakakaalala i check niyo nalang po ung Chapter 27 ng Book 1. First monthsary ng KitDen)

"Bakit ganun ano? Parang pamilyar tong lugar na to.?" out of the blue ay sabi ni Kayden. "Nakapunta na ba ako dito?"


Malamang. Pamilyar nga kamo diba?? =____=



"Oh saan ka pupunta?" tanong niya. Naglakad na kasi ako pabalik sa kotse.

"Saan pa ba edi dito sa loob. Ang pangit ng view dito sa labas!" sabi ko tapos pumasok na.

"View eh ang dilim dilim nga. Ayaw mo bang magpahangin muna?" sabi niya mula sa labas.


"Ayoko, malamok." sabi ko lang tapos sumandal sa upuan. Itutulog ko nalang to, anong malay natin isa lang palang bangungot ang lahat ng to.



Tok.Tok.Tok

Ano ba yan! Ang sarap na ng tulog ko eh.

"Oh!! Pagkain."

"ANO BA YAN! KAYDEN VELASCO!" idinikit ba naman sa pisngi ko yung malamig na soft drink in can. Sino ba namang di maiinis. Naiwan palang nakabukas yung bintana ko. Inabot niya sakin yung isang supot ng snacks from the same convenient store 7 years ago. Bwisit! >.<

In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon