Chapter 35: So sudden...

1.3K 39 2
                                    


(Kitty's POV) 

     "KAYDEN! HALIKA DITO!" sigaw ko. 

     Nandito ako ngayon sa sala at nakatutok sa laptop ko. Si Kayden naman ay nasa kusina at nagluluto ng agahan. Nagprisinta siya na magluto ng agahan kaya sitting pretty ako ngayon. 

     "Oh bakit?" 

     Napangiti ako nung nakita ko ang gwapong boyfriend ko na lumabas ng kusina at naka apron pa na pink. Tatay na tatay ang dating ng kumag. 

     "Tingnan mo oh." 

     Pinakita ko sa kanya yung email na natanggap ko galing kay Doc Nath. Nathan Johnson and Rowena Katigbak wedding. 

     "Wow, beach wedding. Alam mo bang pangarap ko din yan?" sabi ko. 

     "Langya! Inunahan pa tayo ng g***!" sabi ni Kayden. 

     "Hayaan mo na, tatlong taon din naman ang hinantay ng dalawang yan noh." sabi ko. 

     "At anong tawag mo dun sa pitong taon natin?" 

     "Wag ka ng mainggit. Ako makakasama mo pa ng matagal, eh si Doc Nath...bilang nalang ang mga oras na makakasama niya si Wency." 

     Natahimik kami ng mapag usapan yung tungkol sa sakit ni Wency. Bakit kailangan pang mangyari ang ganun sa perfect couple na kagaya nila? 

    "Mhine, sa tingin mo kung magkakasakit din ako kagaya ni Wency papakasalan mo din ba ako kahit na walang kasiguraduhan yung mga oras na makakasama mo ako sa mundong to?" tanong ko. 

     Inakbayan niya ako at umupo sa tabi ko habang pinipisil pisil yung isa sa mga kamay ko. Ako naman ay sumandal sa balikat niya. 

     "Oo naman. Kung nangyari sayo yun, baka kinakaladkad na kita ngayon papunta sa simbahan. Wala akong sasayanging oras ng buhay mo. I will love you for the rest of your life, and be lonely for the rest of mine.

     "Sira ka talaga!" 

     "Kaya nga mahal mo eh." sabi niya. 

     "Mhine," 

     "Hmmm?" 

     "Bakit parang amoy sunog?" 

     Napabangon kami bigla at napatakbo papuntang kusina. Nasusunog na yung omelette na piniprito ng magaling kong boyfriend. 

     "Tsk, kasi eh. Ako na nga ang magluluto." kinuha ko sa kanya yung apron at sinuot sa sarili ko. 

      "Ikaw eh, tinawag moko." 

      Ako na ang nagluto habang siya ay nanunuod sa gilid. Nung tingnan ko siya ay nakita ko siyang nakangisi sakin. Ano nanaman kayang kademonyohan ang iniisip nitong hayup na to? 

     "Hoy Velasco, anong nginingisi-ngisi mo diyan ha?" sabi ko habang naka concentrate pa din sa niluluto ko. 

     Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko napansin nung bigla siyang lumapit at niyakap ako mula sa likod. 

     "Hoy ano ba! Baka pati tong niluluto ko, masunog ha!" sabi ko. 

     "Alam mo ba kung ano ang naiimagine ko ngayon?" bulong niya sa tenga ko. 

     "Hulaan ko bastos!" 

    "Wholesome tong story na to noh!" 

    "Oh eh ano nga!?" 

    "Para kang maybahay diyan sa ayos mo, gawin na kaya kitang Mrs. Velasco ngayon na?" 

     "G***! Gusto mo talagang unahan sila Doc Nath ano? Wag kang mag-alala darating din tayo diyan." 

     "Talaga?" 

     "Oo kaya ayusin mo na yung lamesa at malapit na tong maluto." 

     "Yes ma'am!" Humalik siya sa pisngi ko at saka umalis. Ang kulit talaga ng isang yun. 

     After tatlong araw ay lumipad kami papuntang Palawan para sa kasal nila Doc Nath at Wency. Pagdating namin sa resort ay nagreklamo pa si Kayden dahil magkahiwalay na rooms ang pinareserve ni Doc Nath para sa amin. 

     "Talagang iniinis ako ng Doctor na hilaw na yan ah!" 

    Ang magaling kong boyfriend, hayun at beast mode nanaman sa harap nung receptionist. Asa naman kasi siya noh, eh hindi naman kami mag-asawa.

     "Kitty!" nagulat ako ng may biglang yumakap sakin. 

     "Will you stop moving around dear? Parang wala kang sakit eh."

     "Sorry dear." 

     Si Wency na mukhang super model as usual na akala mo walang sakit kasama ng pinaka gwapong doktor sa balat ng lupa. 

    "Sup." sabi ni Kayden sabay akbay sakin. 

     Medyo literal na nakakapanliit sa harap nung dalawa. Si Doc Nath na talagang matangkad at si Wency na halos kasing tangkad lang ni Kayden. Para kaming nag lalaro ng Tall couple, small couple ganun. 

    "So you're finally a couple now ha." sabi ni Doc Nath. 

    "Sa wakas!" sabi naman ni Wency.

    "Kayo nga eh, last week lang boyfriend ko pa tong si Doc Nath tapos ngayon ikakasal na kayo?" sabi ko na kunwari nagtatampo. 

    "Hoy mhine, ako ang boyfriend mo matagal na wag mong kalimutan." saway sakin ni Kayden. 

    "Weh? Akala ko ba ako ang girlfriend mo Kayden?" 

     "Diyan ka na sa mapapangasawa mo uy! May mhine nako." sabi naman nito at kunwari'y nagtatago sa likod ko. 

     Tinawanan nalang namin yung mga nangyari samin nung nakaraaan. Siguro ay kung magkakaroon kami ng theme song ay changing partners ang pinaka angkop.  

     Kinabukasan na kaagad ang kasal nila Wency at Doc Nath na ginanap sa tabing dagat. Intimate lang ang kasal dahil malalapit na kaibigan lang nung dalawa na nandito sa Pilipinas ang nagpunta. Simple lang din ang wedding dress ni Wency na may nakasabit na isang paikot na bulaklak sa ulo, para siyang diyosa at mababakasan ng matinding kasiyahan ang mukha. 

     Naiyak pako nung magpalitan na sila ng i do's at wedding vow. Pakiramdam ko ay nandun ako simula pa nung magsimula ang love story nilang dalawa dahil sa mga kwento ni Doc Nath. 

     "Wag ka ngang umiyak diyan, baka isipin ng mga tao may gusto ka kay Nath." saway sakin ni Kayden. 

     "Sorry naman. Nakakaiyak silang dalawa eh." 

     Today I witnessed a happy ending unfold infront of my eyes...

     Ginanap yung reception ng kasal sa venue hall ng resort na tinutuluyan namin. Nasa isang table kami ni Kayden di kalayuan sa unahan kung saan naroroon yung bagong kasal. At itong katabi ko, kanina pa tahimik at parang ang lalim ng iniisip. 

     "Mhine, may problema ba?" tanong ko. 

    "Kitty," kinabahan ako sa pagtawag niya sakin sa first name ko. 

    "...ayaw na kitang maging girl friend." 

     ---End of Chapter 35--- 

     Bibitinin ko muna kayo sa ngayon. (^.^)V 

Dedicated tong chapter na to sa taong palaging nagpapaalala sakin na mag update, pini-pm pako niyan para mag UD. Salamat! Salamat sa inyo na palaging nag aantay ng update nitong story na to. 

In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon