Chapter 27: Woman's Instinct

1.2K 44 4
                                    

(Kitty's POV)


     Oyyyy! Hindi ko na kaya to!

     Hindi na ako pinapatahimik ng nakucurious kong utak. Kailangan ko na talagang komprontahin sina Wency at Doc Nath tungkol dun sa picture. Alam kong wala akong karapatan, pero naman diba? Sa sitwasyon naming apat ngayon nila Kayden, malamang damay damay na to diba?

     Isa pa ay hindi ko na talaga alam kung saan ako lulugar ngayon. Dahil sa pagpapanggap naming mag asawa ay kailangan palagi kaming magkatabi ni Kayden. Pero panu naman si Wency diba? Kahit hindi ko siya nakikitang nasasaktan o nagseselos ay malamang nagseselos parin yun.

     "Kung anu-ano nanamang iniisip mo diyan. Wag mo ng subukan, wala ka naman nun eh, mahihirapan ka lang." bulong ni Kayden.

     Pasalamat siya nasa loob kami ng simbahan ngayon, kundi ay kanina pa talaga nakatanggap ng mura to sakin. Bakit ba pakiramdam ko ay bumabalik nanaman siya sa dating Kayden na nakilala ko noon?

     "Ikaw Baby Michael Harley Ocampo ay binibinyagan ko sa ngalan ng Ama, Anak, at ng Espiritu Santo..."

     Lahat kami ay nakapaligid kay Baby Michael na ngayon ay kasalukuyang binabasbasan ng pare. Pagkatapos ng sakramento ng binyag ay isa isa kaming nagpapicture kasama ni Baby Michael. Una ay sina Mimi at Harvey pagkatapos ay ang mga ninong at ninang by pair.

     Dahil nandiyan pa din si Lola Katarina ay kami ni Kayden ang magkasama sa isang picture. Pinanlisikan ko kasi siya ng mata nung maramdaman ko yung kamay niya na yumakap sa bewang ko para mas lalo akong mapalapit sa kanya.

     Buhat buhat ko kasi si Baby Michael kaya naman hindi ko matanggal yung kamay niya. Pinabayaan ko nalang siya. Pero nung tapos na yung turn namin ay nakahanap ako ng tyempo at binatukan ang mokong. Namimihasa eh.

     "Araay!"

     "Ayy sorry! Nadulas yung kamay ko eh." sabi ko na may pagkasarcastiko.

     Hindi ko alam kung sinasadya ba o talagang wala nalang silang makapartner dahil ang huling pair na nagpapicture kay Baby Michael ay sina Wency at Doc Nath.

     Halatang halata ang awkwardness nung dalawa. Ilang beses pa nga silang nasabihan nung photographer na maglapit pa dahil nahihirapan itong kunan sila.

     Ilag yung mata ni Wency kay Doc Nath, pero si Doc Nath... iba siya makatitig eh. Ngayon ko lang siya nakitang tumitig sa isang babae ng ganyan.

     Hinanap agad ng mata ko si Kayden. Alam kong may pagka possessive ang isang yun eh (based on experience). Nakita ko siyang kausap sila Lola Katarina at Lola Grasya na mukhang walang alam sa nangyayari. Buti naman dahil iba magselos ang isang yun eh (based on experience ulit).

     Pagkatapos noon ay bumalik na ang lahat sa resort dahil dun gaganapin ang reception. At tulad ng inaasahan ay sobrang bongga nga ng hinanda ng mga Lolo at Lola ni Baby Michael para sa kanya. Pareho kasing nagiisang anak sina Mimi at Harvey kaya ito ang kauna unahang apo nila.

     Hanggang sa pagkain ay kami parin ang magkatabi ni Kayden. Medyo awkward lang dahil kasama din namin sina Wency at Doc Nath. Nasa kabilang table lang sila Lola Katarina kaya kailangan pa din naming umarteng sweet ni Kayden. Oha! Ang hirap ng sitwasyon namin diba?

     Habang kumakain ay di ko maiwasang obserbahan sina Wency at Doc Nath. Ni minsan ay di ko pa sila nakitang nag exchange ng conversation ang dalawa at halatang iniiwasan nilang mapatingin sa isa't isa. Ano nga kayang nakaraan ng dalawang to?

In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Where stories live. Discover now