Chapter 25: A Picture

1.2K 40 4
                                    


(Kayden's POV)

"Hahahahaha, bakit di niyo naman sinabi sakin na may pinapauso pala kayong trend para sa binyag ng anak ko. Cool, lahat ba ng ninong kailangan may ganyan!?" reaksiyon ni Harvey nung salubungin kami sa resort.

Tiningnan ko lang siya ng masama. Ang tinutukoy niya kasi ay yung mga pasa at galos namin.

"Uy daddy! Hindi magandang gimick yan ah. Baka maging basagulero tong anak natin pag laki niya." sabi ni Mimi.

Bakit ba mas naging corny ang tawagan ng dalawang to ngayon? Dati 'boyfriend/girlfriend' tapos naging 'wife/husband' tapos ngayon, 'daddy/mommy' na. Kaibigan ko ba talaga to? Corny eh!!

A: coming from the man who invented the endearment 'mhine'.

"Siya nga pala, ito na ang mga susi sa kwarto niyo. Bale sila Wency at Kitty ang magkasama sa isang kwarto at si Doc Nath at Kayden naman."

Si Doc Nath at Kayden? Sigurado ba sila? Tiningnan ko si Doc Nath ng nag aalala, tinanguan lang naman niya ako na para bang sinasabi niya na its going to be okay.

Medyo nagiguilty na tuloy ako ngayon. Ako lang naman ang nagpilit na isama siya sa trip na to eh. Sinangkot ko nanaman siya sa gulong to.

Nagpunta na kami sa kanya kanya naming kwarto. Nauna akong nag shower pero paglabas ko ay tulog na kaagad si Wency. Parang ang bilis naman niyang mapagod.

Napagdesisyunan ko na maglibot nalang, tutal ay mamaya pa naman yung dinner namin kasama sila Mimi at Harvey at yung mga magulang nila.

Naglakad lakad ako sa may tabing dagat. Malapit ng lumubog ang araw kaya hindi na ganun kainit. Palakad lakad lang ako dun hanggang sa makarating ako sa may tulay kaharap ng dagat. Nagpangalumbaba ako sa isa sa mga railings habang nakaharap sa dagat.

"Nakakarelax dito noh." may nagsalita sa gilid ko.

Tiningnan ko si Doc Nath at inirapan pero pabiro lang.

"Oo nga eh, pero bakit kaya yung kilala ko iba ata ang epekto sa kanya ng lugar na to. Pagkatapak na pagkatapak palang dito ay nakipag away na kaagad." sabi ko.

"Sino ba namang iharap dun sa ex mo iinit talaga ang ulo." sabi niya.

"Kungsabagay," tama naman siya.

Pareho pa kaming natawa ni Doc Nath. Nakakainis naman talaga yun si Kayden eh, di ko alam kung natural na talaga sa kanya yun pero may aura siya na nakakaintimidate sa ibang tao. Palagi talaga kaming nagkakasundo nitong si Doc Nath sa maraming bagay.

Nagulat ako ng bigla akong akbayan ni Doc Nath. Nagtaka ako pero pasimple niyang tinuro si Kayden na nakatingin samin.

"Tingnan mo Kitty oh, nagseselos ata yung ex mo." sabi niya.

"Huh? Hindi noh... may girlfriend na kaya yan." sabi ko.

"Tssss, napaka naive mo talaga sa mga bagay bagay. Wag niya lang talaga gaguhin si Wena."

"May sinasabi ka Doc Nath?" tanong ko. Hindi ko kasi narinig yung huling sinabi niya dahil sobrang hina.

"Wala! Sabi ko tara na! Nagugutom nako eh." sabi niya na nakaakbay parin sakin.

Tamang tama dahil hinahanap na kami nila Sapphire. Sa isang private terrace yung dinner namin. Pagdating namin dun ay nagsisimula ng mag ihaw sina Harvey at Kayden. Medyo picnic yung setting ng dinner eh.

Napataas yung isang kilay ni Kayden pagdating namin. Problema nito? Oo nga pala, nakaakbay padin sakin si Doc Nath nung dumating kami. Pero ano naman ngayon?

In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Where stories live. Discover now