Chapter 7: Lost?

1.4K 66 3
                                    

Chapter 7: Lost?

(Kitty's POV)

Ano ba yan!! Nasan na ba kasi ang magaling na Kayden na yun? May usapan kami ngayon na pupuntahan si Don Julian eh.

30 minutes pa talaga at bubulabugin ko na siya sa bahay niya.. >,<

(After 30 minutes)

Tutal naman ay nasa tapat lang ang bahay niya ng bahay nila Warren at dahil hindi niya sinasagot ang mga tawag ko ay ako nalang ang pupunta sa kanya... nakakahiya naman eh. =___=

"HOY KAYDEN! LUMABAS KA DIYAN! NAKAKAHIYA NAMAN SAYO EH NOH!!!" sigaw ko sa harap ng gate niya.

"HOY KAYDEN!!!"

Pinindot ko ng pinindot ang doorbell niya. Masira na lahat ng di dapat masira, wala akong paki-alam.

"Ano ba yan! Ang aga aga eh." lumabas siya.

O____O

"Bastos!!!" sabi ko na nakatakip yung dalawang mata.

Ang sira ulo!! Lumabas daw ba ng nakatapis lang at half naked? Bwisit talaga!! Stupid!!

"Bastos ka diyan! Sino kayang bastos sating dalawa eh noh? Ang aga-aga eh nambuburahaw ka sa bahay ko, halos masira mo na nga tong doorbell ko eh. Naistorbo pa pati yung paliligo ko." sabi niya.

Aba't!!! Pigilan niyo ko at mapapatay ko tong ***** na to!!! >.<

"Una sa lahat, may usapan kaya tayo ngayon. Pangalawa, isa't kalahating oras nakong nag aantay sayo nakakahiya naman sayo eh noh. Pangatlo, nakalimutan mo na bang pupunta tayo kay Don Julian ngayon???"

Nasapo niya bigla yung noo niya. Parang alam ko na to ah. =___=

"Shucks, nakalimutan ko. I'm sorry, may lakad ako ngayon eh. Bukas nalang tayo tumuloy." sabi niya.

Hay naku!! Kung hindi lang kasalanan ang pumatay eh kanina ko pa sana ginawa.

"Alam mo no thanks, ako nalang mag isa ang pupunta." sabi ko tapos tumalikod na sa kanya. Walanamangmangyayarikungmagaantaypakosayoeh.

"O come on Kitty!! Hindi lang naman ito ang ginagawa ko eh. May mga ibang trabaho at ginagawa pako, hindi lang sa school na yan umiikot ang buhay ko." sabi niya.

"AH GANUN!!? UTANG NA LOOB KO PA PALA SAYO NA TINUTULUNGAN MOKO. SALAMAT HA!" sabi ko tapos umalis. Gagamitin ko nalang yung kotse ni Warren.

"Fine!! GAWIN MONG GUSTO MO. WALA KA DIN NAMANG MAPAPALA SA PAGPUNTA MO DUN EH!!!" 

Hindi ko nalang siya pinansin at naglakad ng palayo bago pako makasapak ng tao dito. >.....<

Ayun, mag isa akong nag drive papunta sa Mansiyon ni Don Julian gamit ang kotse ni Warren. Kaya ko namang gawin to mag isa eh. Hindi ko kailangan ang tulong ng kung sino sino diyan. Yun naman talaga ang plano simula palang eh. Kaya lang....

"Awww... bakit parang nag iba na ang itsura ng mga lugar dito?? Parang halos 7 years lang akong nawala ah, ba't nag iba na ang halos lahat ng kalsada at mga building dito?? Ang hirap tuloy hanapin yung mga landmark dito."

Naliligaw na ba ako?? Ahh hindi!!! Kitty relax, kaya mo yan... isang beses ka ng nakapunta dun. (Natulog nga pala ako habang nagmamaneho nun si Kayden.. Arrrggggggh!)

Tawagan ko nalang kaya si Kayden? Magtatanong lang naman ng direksiyon eh. AHH HINDI KITTY!! Pagkatapos nung kanina? No way!! Baka isipin niya mag sosorry ako sa kanya. Asa siya!!

In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Where stories live. Discover now