Chapter 2: The Chase

2.4K 59 8
                                    

Pasensiya na po dahil aminado ako na medyo natagalan tong update na ito. Kaya naman bumawi ako, sana magustuhan niyo. :)

**************************************************************

Chapter 2: The Chase

{Kitty's POV}

"Sabi ko naman sayo di mo na ako kailangang ihatid eh." sabi ko.

Bakit ba ang malas ko? Sa dinami rami ng makakakita sakin eh siya pa. At ang sira ulong Harvey pinahatid pako sa kanya. Nanginginig pa kasi yung tuhod ko kanina kaya baka daw hindi ko kayang magmaneho, kaya ayan... pinahatid pako kay Kayden.

Bakit ba kasi ang hina ko...? Napaka hina ko, kaya tuloy nag end up tuloy ako ngayon sa loob ng kotse niya.

"Okay lang yun, kaibigan ka nila Harvey at saka bilang pasasalamat ko na din sayo." sabi niya.

"Pasasalamat...?"

"Nung isang araw, ikaw yung naghatid sakin sa bahay diba?? Sabi sakin ng mga maids ikaw daw ang naghatid sakin. Nalasing kasi ako nun eh." sabi niya.

Tsss. Yun yung araw ng kasal ni Ate Denise. Tapos lumapit siya sakin at nagtanong ng, "will you be my girlfriend?" Tapos biglang bumagsak sa harapan ko. Stupid talaga!! Pag naaalala ko yun eh kumukulo talaga yung dugo ko.

"Okay lang yun, ano ka ba? Kahit sino gagawin yun." sabi ko tapos binigyan siya ng plastic na ngiti.

"Matanong ko lang, matagal mo na bang kaibigan si Ate Denise..?"

"Medyo, bakit mo natanong?"

"Naisip ko lang.., hinatid moko sa bahay namin. Ibig sabihin nakapunta ka na dun dati. Saka kaibigan mo din sina Harvey at Mimi... may posibilidad ba na nagkakilala na tayo dati?" tanong niya.

"Huh?"

"Alam mo kasi, naaksidente ako noon at nawala yung memorya ko, kaya wala akong naaalala sa nakaraan ko. Pero okay na ako ngayon."

Buti ka pa okay... ako kasi hindi. Yung fact na hindi parin ako makatulog sa gabi ng walang katabi at patay ang ilaw. I never recover sa nangyari noon.

"So is it possible that we are friends before..?"

"Ahhh.... yes?" I'm not just your friend... I was your girlfriend ulol!

"Great."

"Ahhh... Kayden! Iliko mo diyan, dun ako nakatira." turo ko sa kanya.

Pagkatapos ay nakarating na kami sa bahay nila Warren.

"Huh...? Bahay nila Warren to ah, dito ka nakatira...?" tanong niya.

Kilala niya din pala sila Warren...? Diko alam na friends pala sila.

"Oo, kilala mo din pala sila...?"

"We become friends..."

Well sorry ka dahil hindi kita iinvite sa loob. Bumaba na ako kaagad sa kotse at di ko na siya inantay na pagbuksan ako. Para di na din siya bumaba at umalis na kaagad. Pero...

"Uy Kayden!! Sabi na eh kotse mo yan eh!!" -Sapphire

Wag mo sabihing iinvite niya sa loob yan..? Utang na loob. =_____=

"Kitty...?"

Bumaba na din si Kayden ng kotse at tumabi sakin. At si Sapphire, ayun palipat lipat ang tingin saming dalawa. Ganun na ba kaimposibleng makita kami sa iisang kotse na dalawa..?

In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Where stories live. Discover now