Chapter 14: Please... don't leave me.

1.2K 43 0
                                    



(Kitty's POV)




Nandito na kami... sa tapat ng condominium ng home wrecker na yun.


"Nandito na tayo, anong plano mo ngayon?" -Kayden


"Hmmmm? Wala! Lulumpuhin ko lang siya para masigurong hindi na sya makakalapit pa kay Warren." bumaba na ako ng kotse niya.


"Teka-" nagmamadali siyang bumaba at pinigilan ako.


"Yun na yun? Bakit ba ang hilig mong kumilos ng hindi nag iisip ha?" -Kayden


"Excuse me? Ako? Hindi nag iisip?"


"Oo."


"Anong gusto mong gawin ko? Maupo nalang habang pinapanuod na nasisira ang pamilya ng kaibigan ko?"


"Yun na nga eh, pamilya ng kaibigan mo. Problema ito ng mag asawa, wala tayong karapatang maki-alam. Sa tingin mo matutuwa si Warren pag nalaman niya ang gagawin mo?"


"Problema ng mag asawa? So wala tayong gagawin? That's bullshit!!! Kaya maraming nasisirang marriage dahil sa mga kagaya mong mag isip. Hindi porke't wala tayong kinalaman eh hindi na tayo tutulong!" sabi ko.


"Naiintindihan ko na gusto mo lang tumulong. Pero hindi tayo ang makaka lutas ng problema na to, kundi sila."


Hindi ko siya pinakinggan at nagtuloy-tuloy lang. Kaya lang ay bigla naman akong nakaramdam ng pagkahilo... naalala kong wala pa nga pala akong tulog magmula kagabi.


"Kitty! Kitty!"


Naramdaman kong nasalo ako ni Kayden bago pa ako tuluyang nawalan ng malay.



(3rd Person's POV)



"Nasan ang tapang mo ngayon? Susugod sugod ka eh mas mauuna pa palang bumigay yang katawan mo sayo..." sabi ni Kayden na nakangiti pa.


Kausap niya ngayon ang walang malay na si Kitty. Pagkatapos nitong mawalan ng malay ay binuhat niya ito pabalik sa kotse niya. At pagkatapos ay nagmaneho na pabalik sa bahay nila Warren.


Walang ibang tao kundi mga maids lang ang nandun. Malamang ay sinundo na ni Warren si Jiro galing sa school papunta sa ospital.


Pagkalapag niya kay Kitty sa kama nito ay agad niya itong pinunasan ng maligamgam na tubig. Napansin nya kasing mainit ito.


Papaalis na sana si Kayden ng biglang hawakan ni Kitty ang kamay niya.


In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon