Chapter 23: A cup of coffee

1.2K 47 3
                                    

(Kitty's POV)

     Nung nagising ako kinabukasan ay mukha ni Kayden na mahimbing na natutulog ang nabungaran ko. *blush

     Ano ba naman to? Pangalawang beses ng mukha niya ang nakita ko sa umaga. Okay nakakakilig.

     Nakapulupot yung braso niya sakin habang mukha siyang batang natutulog. Ang inosente pala ng mukha niya pag tulog. Pero pag gising-

     "Ang gwapo ko talaga noh. " nagulat ako ng bigla siyang nagsalita.

     Napaiwas ako ng tingin nung imulat niya yung mata niya. Mahirap na, baka bigla niya nanaman akong tukain. Ang lapit kaya ng mukha namin sa isa't isa.

     "TsK, dun ka nga! Sa pagkakaalala ko ay hindi mo to kama at hindi mo to kwarto. " sabi ko.

     "Ikaw eh, nilapag lang naman kita dito kagabi dahil natutulog ka sa sofa pagkatapos ay bigla mo nalang akong niyakap. Binabangungot ka pa kaya hindi kita maiwan. " sabi niya.

     AYST! Nangyari nanaman pala.

     Nasapo ko ang ulo ko at umupo sa higaan. Habang si Kayden ay nakahiga pa din.

    "Dapat ay pinatabihan mo nalang sakin yung unan. Ganun ang treatment na tinuro sakin ni Doc Nath eh, madalas kasi akong bangungutin. " sabi ko.

     Si Doc Nath po kasi ay isang psychiatrist. Wag niyo po akong husgahan, hindi ako baliw. May anxiety disorder lang talaga ako.

     "Ano ba naman yan! Pag binabangungot ka ay pinapatabihan ka lang sa unan ng boyfriend mo? Kung ako yun ay tatabihan kita hanggang kailan mo gusto." sabi niya.

     "Hehe, " tumawa ako ng sarcastic. "Eh kaso hindi naman ikaw ang boyfrien ko kaya manahimik ka na lang diyan at dun ka nalang sa GIRLFRIEND mo tumabi. "

     Sinadya ko talagang iemphasize yung salitang girlfriend ng matauhan siya at magtigil sa ginagawa niyang pang aakit sakin.

     "Ayoko nga, masarap kang katabi eh. Alam mo bang kagabi lang ako nagkaroon ng mapayapang tulog? " sabi niya sabay yakap sakin na para bang unan ako.

     Teka nga? Yun din ang iniisip ko ah? After eight years ay ngayon lang naging magaan ang gising ko sa umaga dahil naging payapa ang tulog ko sa gabi.

     Agad ko namang nilamutak yung mukha niya ng mapansin kong humigpit ang pagkakayakap niya sakin.

     "Namimihasa ka ng malandi ka ha! Dun ka na nga at hindi mo ako maaakit hayup ka! " sabi ko.

     "Hindi pa naman kita inaakit ah. Antayin mong akitin kita at ikaw na mismo ang maghuhubad sa harap ko. "

     "Bastos ka! " binato ko siya ng unan.

     Tatawatawa namang lumabas ng pinto ko ang gagu.


(Kayden's POV)

In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Where stories live. Discover now