Chapter 32: Avoiding Him

1.1K 38 5
                                    


(Kitty's POV) 

     "Pakiusap, wag mong sabihin sa kanya. Ayokong malaman niya." 

     Bigla akong nakaramdam ng konting guilt. Kasi ang totoo niyan ay dahil hindi ko alam ang gagawin ko ay si Doc Nath ang naisip kong tawagan. 

     "Huli na yata para diyan." sabi ko. 

     Pagkatapos nun ay ang biglang pagbukas ng pinto mula sa cr. Ang totoo niyan ay kanina pa talaga siya dito. Kakapasok niya palang sa cr nung nagising si Wency. 

    "Nathan?" 

     Seryoso siyang nakatingin kay Wency. Masama ang loob niyan alam ko. Likas kasi sa personalidad niya ang pangalagaan ang mga mahahalaga niya, dahil gaya nga ng palagi niyang sinasabi noon, ano pa daw ang silbi ng pagiging doktor niya kung hindi niya mapapagaling ang mga mahal niya. 

   Pinitik niya ng mahina yung nuo ni Wency habang maluha luha naman ito. Alam ko at halata sa kung paano nila titigan ang isa't-isa na hindi nawala yung pagmamahal nila sa isa't isa. 

     "Pinili mo akong saktan kesa pahirapan pero naisip mo ba na sa ginawa mo ay hindi mo lang ang ako sinaktan, pinahirapan mo pa ako at pati ang sarili mo." sabi ni Doc Nath. 

    "Pero..." yumuko siya at nag-iwas ng tingin. "Nakatulong naman ang paglayo ko diba? Nakilala mo si Kitty-" 

     "You witch!" nagtaas ng boses si Nathan. 

    Hanggang ngayon pala ay iniisip niya pa din na ako yung girlfriend ni Doc Nath. Kung alam lang niya, maraming naghahabol na babae sa bachelor na yan kaya lang ay ilag ito sa ibang babae. Maliban sakin na parang kapatid na ang turing niya syempre! 

     "Ahh Wency!" singit ko. "Alam mo kasi, hindi ko naman talaga boyfriend yang si Doc Nath eh. Pasensiya na ha, si Kayden kasi eh!"

     Kung hindi niya pinakilala na girlfriend niya si Wency ay hindi ko rin naman ipapakilala na boyfriend si Doc Nath! 

     "Hahahah!" 

     Natigilan kami ni Doc Nath sa biglang pagtawa niya. Isang inosente na halakhak ang nanggaling sa kanya. Pagkatapos nun ay napuno ng tawanan ang buong kwarto dahil pati kami ay napatawa na rin. Nakakatawa kami noh? Napakadaming oras na nasayang dahil sa katangahan namin. 

     Pagkatapos nun ay biglang niyakap ni Doc Nath si Wency. Yung yakap na halatang sabik na sabik siyang muling mahawakan ito.

     "Pasensiya ka na ha, ngayon lang ako. Nahirapan ka ba nung wala ako?" bulong niya pero nadinig ko. 

     "Baliw ka, alam mo bang mas napadali ang buhay mo kung kinalimutan mo nalang ako?" sabi ni Wency. 

     "I guess everyone is stupid when it comes to love after all." 

     Lumabas na ako at hinayaan silang magmoment na dalawa. Napangiti ako dahil atleast sila, meron silang happy ending. Habang naglalakad ay nakita ko siya na paparating mula sa malayo. Mukhang hindi niya ako nakita kaya nakapagtago ako sa fire escape na malapit sakin. 

     Ang walang hiyang yun! Nagiinit ang ulo ko pag nakikita ko siya at naaalala kung paano niya ako pinagmukhang tanga!  


(Kayden's POV) 


     "Wency?" 

     Nung nabalitaan ko sa doktor niya na may nangyaring masama sa kanya ay agad akong nagpunta sa kanya. Pero nasorpresa ako sa naabutan ko. 

     Sina Wency at yung boyfriend ni Kitty na hindi ko na matandaan ang pangalan. Magkayakap sila, hindi lang yun basta yakap ng kaibigan alam ko. 

     "A-anong nangyayari dito?" 

     "Kayden, hindi ko pa pala siya naipapakilala sayo." nginitian ako ni Wency. "Siya nga pala si Nathan, ang lalaking dapat papakasalan ko." 

    Huh? Ano to? Joke ba to?

    "Correction, ang lalaking papakasalan mo." sabi pa nito. 

     Nag-init ang ulo ko. Girlfriend niya si Kitty diba? Hindi ko maintindihan kung bakit all of a sudden ay magpapakasal siya sa ibang babae. Lumapit ako sa kanya at hinila yung kwelyo niyang g*** siya. 

     "At anong plano mo kay Kitty huh?" 

     Ngumisi siya sakin na mas lalong kinainit ng ulo ko. Nang aasar ba tong ha*** na to? Subukan niya lang saktan si Kitty, ako lang ang may karapatang magpaiyak sa kanya. 

     "Wala," sabi niya sa mapang asar na tono. "Wala akong plano, kaya kung gusto mo siya, agawin mo siya sakin." 

     "Sira ulo ka!" 

     Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasuntok ko siya. 

    "Kayden!" saway ni Wency. 

    "Tandaan mo to, kukunin ko si Kitty sayo!" sabi ko. 

     Palabas na ako ng pinto ng nagsalita siya ulit. 

    "Kung kukunin mo siya ay bilisan mo, at this time ay siguraduhin mong gagawin mo ng tama." 

     Pagkatapos nun ay padabog kong sinara yung pinto. Talagang kukunin ko talaga siya, dahil walang sinuman ang pwedeng magpaiyak sa kanya. 


(Kitty's POV) 

     Pagkagaling ko sa ospital ay diretso ako sa bahay ni Kayden. Habang nasa ospital siya ay sinamantala ko na yung pagkakataon na kunin yung mga gamit ko sa bahay niya. Buti nalang at may duplicate ako. 

     Syempre dahil kailangan kong bilisan bago siya bumalik ay nag ala ninja ako sa pagiimpake. Kinuha ko ang lahat ng gamit ko at nilagay sa maleta lahat. Wala na akong balak na bumalik pa dito pagkatapos ng lahat ng nangyari. 

      "Asan na yun?" 

      Napansin ko na wala yung kwintas na nasa leeg nung teddy bear. 

     'Ayst! Bakit mo pa kasi dadalhin pa yan? Sigurado naman na sa kanya lang yan galing eh.' 

     Hinagis ko yung maliit na teddy bear sa kama at saka kinuha yung maleta ko palabas ng kwarto na yun. 

     "Tapos ka na?" 

     Nakita ko yung demonyo sa labas ng kwarto ko. Nakasandal siya sa tapat ng pintuan ng kwarto niya na katapat lang ng kwarto ko. 

      Ano ba yan! Umiiwas nga ako eh! 

     "A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko. 

     "Diba sabi ko naman sayo? Kahit anong gawin mo, hindi ka makakatakas sakin." 


---End of Chapter 32--- 



In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Where stories live. Discover now