Chapter 39: Ending with a Bang

2K 68 15
                                    


     Ang kasal ang pinaka pangunahing pantasya ng isang babae, ito ang katuparan ng fairytale ng bawat isa sa atin, yun na marahil ang dahilan kung bakit karamihan sa fairytales ay nagtatapos sa isang kasal. Palaging kinakasal yung bidang babae sa isang prince. 

     Pero sa totoong buhay,  ang makasal sa lalaking pinaka mamahal natin ang ultimate goal sa lahat. Kaya naman napakaraming teleserye dito sa Pinas ang nagtatapos sa kasalan to the point na nakakasawa na. 

     Kaya naman, ayaw ko mang magtapos sa isang kasalan ang istoryang ito ay mukhang dun din naman ito patungo. Kaya heto na siya, 


(Kitty's POV) 

     "Ayan, ang ganda mo na Kitty!" sabi ni Sapphire

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

     "Ayan, ang ganda mo na Kitty!" sabi ni Sapphire. 

     "Sigurado kayo? Hindi na halata yung eye bags?" tanong ko. 

     Pano ba naman kasi, ang magaling na Kayden, hindi nga kami pinayagang magkita isang gabi bago ang kasal namin, magdamag naman niya akong kinausap sa telepono. Nagtext pa sakin kaninang umaga na wag ko daw siyang tatakasan. Para namang matatakasan ko pa siya eh binigay ko na ang lahat sa kanya. 

     "Hay naku, sino ba naman kasi ang may sabi na wag kang matulog isang araw bago ang kasal mo?" may slang pa na sabi ni Kyllie. 

     "Aba't tingnan mo tong batang to, gumagaling ka ng magtagalog ah. Sino yang tutor mo, ipakilala mo nga sakin yan! Balita ko eh gwapo daw yun eh." bawi ko. 

     Namula naman ang luka luka kong half sister. Iba na talaga ang may lovelife eh noh? 

     "Ofcourse not!" sabi niya. 

     Nandito ako sa kwarto ngayon kung saan pinagtutulungan akong ayusan nila Mama, Sapphire, at Kyllie. 

     "Wag kang mag-alala anak, ikaw ang pinaka maganda ngayon. Saka anuman ang maging itsura mo ay hindi ka na matatakbuhan ng groom mo." sabi ni mama. Sa sinabi niyang yun ay di ko alam kung pinuri ba niya ako o ano eh. 

     Simple lang ang suot kong wedding dress kagaya ng napagkasunduan namin na magiging simple at tahimik lang ang kasal. Kaya lang ay makulit si Tita Cheska kaya naman nasa isang literal na palasyo kami ngayon na pagmamay ari ng kaibigan niya. Gusto daw ka niya na kahit papaano ay maging fairytale ang kasal namin kahit simple lang ito at walang gaanong oras para maghanda. 

     Konti lang din ang mga imbitado sa maliit na kasal kasalan na ito. Ang mga magulang namin, si Kyllie, na siyang bridesmaid ko, ang mag asawang Sapphire at Warren, yung mga anak nila, at ang bagong kasal na si Doc Nath at Wency na kasalukuyang nasa honey moon stage nila. Gaya ng gusto namin ni Kayden ay kami-kami lang talaga. 

     Ngayon ay wala na akong mahihiling pa. Matagal ng tinupad ni Kayden ang pangarap ko mula nung minahal niya ako. Marami man kaming pinagdaanan at pagdadaanan pa, basta magkasama kami at mahal namin ang isa't-isa, yun lang ang mahalaga sakin ngayon. 

In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Onde as histórias ganham vida. Descobre agora