Chapter 26: Tabi tayo (ulit)

1.2K 45 4
                                    


(Kitty's POV)

Pag lingon ko ay nakita ko si Kayden, kaya mabilis kong itinago yung picture sa bulsa ko.

Ang galing din naman kasing tumayming ng isang to ano?

"Anong kailangan mo?" nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Bakit? Masama bang sabayan sa paglalakad ang asawa ko?"

Tininganan ko siya ng masama. Ayan nanaman siya sa asawa na yan.

"Pwede ba! Stop flirting with me." sabi ko.

Tumawa naman siya ng malakas. Magkadikit na yung balikat namin habang naglalakad kaya amoy ko yung alak sa damit niya.

"Tumigil ka nga! May nakakatawa ba? Matulog ka na nga! Alak lang yan!"

"Mukha ba akong nakikipag flirt lang ha? Ano ako? Teenager?" sabi niya.

"Ano palang tawag mo sa ginagawa mo?"

"Claiming what is mine."

"Huh?"

Nagulat ako nung umupo siya sa may buhanginan kaharap ng dagat. Ano namang trip ng isang to.

Iiwan ko na sana siya ng bigla niyang hilahin yung kamay ko at napaupo sa tabi niya.

Nag flash back sakin yung picture na nakita ko kanina. Ayokong mag conclude sa kung ano ang talagang relasyon ni Wency at Doc Nath pero di ko maiwasang mag alala kay Kayden. Ayoko siyang masaktan.

Naalala ko yung nangyari sa kanya nung iwan siya ni Sapphire noon. Sa pagkakataon na ito ay wala na ako para tulungan siya.

"Kitty..."

Nagulat ako nung hawakan niya ang kamay ko at inintertwine sa kamay niya. Hihilahin ko sana kaya lang hinila niya palapit sa kanya kaya napasandal ako sa balikat niya.

"Hoy Kayden!! Ano ba?"

Napansin ko na nakapikit siya habang hindi parin binibitawan ang kamay ko.

"Hayaan mo lang na ganito tayo, tabi tayo ulit." sabi niya.

Malakas na talaga ang tama ng isang to.

Pero di ko rin maiwasang matempt. Aminin ko man o hindi ay iba yung gaan ng tulog ko nung huling magkatabi kami sa pagtulog.

Magmula nung nangyari 8 years ago ay hindi na ako muling nakatulog ng hindi binabangungot.

Yun na rin siguro ang dahilan kung bakit hindi ako nagreklamo nung humiga siya sa lap ko.

Para siyang bata na natutulog. Haaay. At ako naman si tanga, hinayaan lang siya.

Panu nga kaya kung talagang may nakaraan yung dalawa? Anong mangyayari samin ni Kayden. Ayy kay Kayden lang pala since wala naman talaga kaming relasyon ni Doc Nath.

Mga ilang minuto din kaming ganun. Hanggang sa makaramdam ako ng lamig. Nasa dalampasigan lang naman kasi kami. Saka pakiramdam ko ay basa na ng hamog yung damit ko.

"Uy Kayden!"

"Hmmm?"

"Baka naman feel mo ng tumayo diyan? Nilalamig nako dito oh!"

In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Where stories live. Discover now